PROFESSOR

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Jessica Tuazon

Nakalimutan ko na kung anong building ‘to eh. Ang laki kasi ng UPD, tapos hindi ko pa sya kabisado.

So yun nga, pang hapon yung nakuha kong sched for upcat. Mga 5:30, habang nag-e-exam kami, bigla kong na feel na kailangan kong mag-cr para umihi. So yun, lumabas na ako and nagpunta ng cr.

*AY, NAALALA KO NA, BASTA MAY P&G NA NAKALAGAY DUN SA MAY PINTO NG ROOM NAMIN EH. *

So yun nga. Lumabas na ako. Pagpunta ko ng tapat ng cr, may babaeng medyo matanda na tapos tinanong nya ako:

“Mahirap exam nyo hija?” Sabi ko, “hindi naman po” tapos nginitian nya lang ako tapos nag cr na ako. Chineck ko yung mga cubicles kung may tao. Wala naman. So ayun nga, pag labas ko ng cr, nandun pa dn ung babae na parang prof. yung itsura nya. Sabi nya: “goodluck ha, sana makapasa ka” sabi ko naman, salamat po, habang nakangiti.

Pagpasok ko, tinanong ako ng proctor,

Proctor: miss, may kausap ka ba dyan sa labas kanina?

Me: opo. Muka nga pong prof eh.

Eto na. Nagtinginan sila nung isa nya pang kasama. Tapos, sabi nung isa nyang kasama,

“Miss, kanina pa walang tao dyan sa labas. Mga guard lang sa hagdan ang tao dyan. Bawal pumasok kahit mga prof.”

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung pagkakasabi nyang yun. Basta bigla na lang pumasok sa isip ko yung itsura nung ale na nakangiti.

Hanggang ngayon natatandaan ko pa dn itsura nya.

Leave a Reply