PANAGINIP

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Aeris Kylie Villalobos

Hindi po ito story ng karanasan pero ipost ko narin po.

Gusto ko lang po malaman kung maipapaliwanag nyo sakin ung mga bagay na hindi ko maintindihan.

Lagi akong nananaginip, paulit-ulit ung panaginip na yun. Minsan magkakasunod na araw. Mga 2012 napapanaginipan ko na sya tapos nung una nakakalimutan ko. Pero dahil paulit-ulit na nga sya, naaalala ko na pag nagigising ako.

Dun sa panaginip ko, may napakataas na falls, madaming tubig tlga (takot ako sa ganung place kasi unang-una kapag nalaglag ako, hindi ako marunong lumangoy malamang na mamatay ako). Yung place nya ay parang makalumang lugar na sementado rin pero parang guho na lang sya.

Tapos yung may mga semento na may puting pintura, naninilaw o nagbabrown na sa sobrang luma ng place. Madaming halaman, green tlga makikita bukod sa guhong yun na may falls tapos ang daming bukal na nilalabasan ng tubig.

Sa panaginip ko, tinalon ko daw yun, may himahabol sakin na gusto daw ako patayin. Hindi ko alam kung anu itsura nya pero alam ko lalaki sya may dala syang palakol na ang laki. Everytime na tatalon ako, nahuhulog ako sa napakalalim na putikan tapos pipilitin kong hwag huminga sa ilalim at wag agad lumitaw para makapagtago sa kanya.

Pag nagkakamali ako, napapatay nya ako pero babalik ako sa same place ng kung saan nagstart yung panaginip ko. Tapos nandyan na nman ung killer, hahabulin nya ulit ako at tapos sa pagtakas ko, ayun ulit tatalon ulit ako putik babagsakan ko tapos nadudugtungan.

Nakakatakas ako, ibang lugar naman susubukan kong takbuhan. Everytime na napapatay ako nung lalaking may palakol, nabubuhay ulit ako sa simula ng panaginip ko. Wala syang katapusang habulan.

Lagi nya akong napapatay pero lagi akong nabubuhay. Hindi ko po maintindihan ung panaginip ko. 2013 nasa Subic ako, napanaginipan ko ulit yun ng sunud-sunod na araw. Tapos lagi ko kinakalimutan kasi natatakot ako at nagtataka. “bakit ganun paulit-ulit? Naopen ko lang to ngayon kasi napanaginipan ko na naman kagabi.

Umaasa po ako na sana may isa man lng na makasagot ng katanungan ko tungkol sa panaginip ko, kung bakit ako laging namamatay at lagi nabubuhay, kung bakit ako kailangan patayin at bakit ako natakbo. Tapos kung bakit sa start ng panaginip ko, tatalunin ko ung napakataas na lugar tas tubig ang babagsakan ko at kung bakit palaging iyon ang panaginip ko.

Salamat po sa magpapaunlak na sumagot ng tanong ko.

Leave a Reply