OTHER MYSTERIOUS ENTITIES

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By:Ivy  Polea
(AS SECURITY GUARD)

“Bale mga 7 months nako dito. Nung unang duty ko dito, isang linggong nagparamdam sa akin yung mga multo dito. Yung first ko dito, nung nag-roving ako sa third floor, biglang nag-iba yung pakiramdam ko tapos tumaas yung balahibo ko. Pagtingin ko dun sa salamin ng bulletin board, biglang namatay yung flashlight ko.

Pagkamatay nung flashlight, hindi na ko nakagalaw kasi may humawak na sa braso ko. Nagdasal ako tapos nun nawala na kaya bumaba na ko. Ikalawang araw naman, dun sa may lobby kasama ko reliever, may narinig kaming boses ng babae. Sa second floor. Umakyat kami wala naman tapos pagbababa namin nagsimula uli. Parang kumakanta. Tapos, pangatlo naman, doon sa may Dean’s Office. Nakapwesto ako dito sa gitna biglang tinawag ako nung kasamahan ko.

May kumakatok daw galing sa office. Pang-apat o panglima, may bigla naming humila ng mesa mula sa loob. Panglima naman, may narinig kaming bumababa sa hagdan, nakabakya. Mga bandang 1:30 yun, parang may oras sila ng pagpaparamdam. Ah, meron talagang nanggaya dito. Yung isang admin dito, kwento nya naghuhugas daw sya ng kamay sa CR sa first floor tapos may katabi din syang babae na naghuhugas din ng kamay. Naghilamos daw sya, naghilamos din daw yung babae. Pagtingin nya, yung tubig tumatagos dun sa kamay ng babae. Nagtatakbo na sya.

Ang pagkakaalam ko dyan talaga sa CR nayan may pinatay dyang estudyante. Sa theatre naman, pumasok yung mga guard tapos hindi na sila nakalabas, parang kinulong sila, ayaw silang paalisin. Tapos, Sanay na ako eh. Hindi maiiwasan kabahan pero trabaho ko to eh. Meron pa rin akong nararamdaman pero hindi ko na pinapansin. Minsan nga, tinestesting testing ko din pinapatay-patay ko yung ilaw ko minsan. Sanayan lang yan”.

Leave a Reply