Nicole

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Gin Mark Balasta

Saturday ng Umaga. 7:05 AM na ng magising ako.

At bumaba ako agad dahil amoy na amoy ko na ang sinangag niluto ni Yaya.

“Goodmorning Ma, Pa!” bati ko ng maabutan ko nang nag aalmusal sila Mama at Papa.

“Kain ka na anak sabay kana samin ng Papa mo”

“Sige po Ma, gisingin ko lang po si Nicole”.

Si Nicole ang cute na cute na bunso kong kapatid, apat na taon na siya at ako naman si Sarah, 17 years old.

Dalawa lang kaming mag-kapatid.

At mukang hindi na masusundan simula nung na operahan sa obaryo si Mama.

Pinuntahan ko na sa kuwarto si Nicole upang gisingin na katapat lang ng aking kuwarto.

“Baby Gising na aalis na sila Mami at Daddy.” Habang kinikiss ko siya sa pisngi at niyayakap.

“Goodmorning Ate!” Sabay yakap naman at ngiti niya sa akin..

“Dali na baby suot mo na slippers mo”.

“Sarah, ikaw muna mag-bantay diyan kay Nicole habang si Yaya ay naglalaba, alis na kami ng Papa mo baka ma-late pa kami.”

Si Mama at Papa ay nag tatrabaho sa isang Sikat na Hotel sa Manila.

“Sige po Ma, ako po bahala kay Nicole. Ingat po kayo.”

“Babye! baby pa kiss muna si daddy..mmmwuah”

“Ate Belen pabukas muna ng gate para makaalis na kami”

“Wait lang po Kuya.”

“Ate belen paki sarado agad yung gate pag-labas namin mahirap napanahon ngayon baka masalisihan tayo”

“Opo, Kuya” bilin ni Daddy sa kasambahay namin na si Ate Belen.

7:20 AM na ng makaalis sila Papa.
As usual pag weekend iwan kami sa bahay ni Nicole at ni Ate Belen.

Sobrang boring!! as in! Sa Subdivision kasi kami nakatira.

Medyo bago palang kaya wala pa kaming kapitbahay..Pero may internet naman kaya medyo napapawi pag ka bato ko.

Umakyat na ko ng kuwarto para gawin assignments ko.

Sa 2nd floor namin pag akyat mo. isang mahabang hallway agad ang bubungad sayo na napapagitnaan ng tagdadalawang malaking kwarto, na ang dulo neto ay isang sliding door na kung saan naroon ang aming terrace.

Na ang kaharap ay isang bakanteng bahay. ang unang kwarto na nasa kaliwa ay ang kwarto ni nicole, yung katapat naman neto ay ang kwarto ko.

At yung katabi naman ng kwarto ko ay ang aming music room.. Si daddy kasi ay dating nag babanda, si mama naman magaling kumanta alam
ko dun nag simula love story nila.

Sa loob ng Music room merong Piano, E-Guitar, Drumset atsaka Customize na Videoke namin.

Yung tapat naman ng Music room ay ang kuwarto ni Yaya Belen.

Then pumasok na ko ng kuwarto at sinara ko yung pinto dahil alam kong mangungulit si Nicole.

Binuksan ko na yung Computer ko para makapag research about sa assignments ko at FB narin pag katapos.

Noong nasa kalagitnaan na ko, nararamdaman kong may umaakyat na sa hagdan..hindi ko alam kung si yaya o si Nicole.

At noong nasa hallway na yung nag lalakad. nagtago ako sa ilalim ng kama para mang gulat… dahil nakadapa ako maaninag ko yung
paa nya sa ilalim ng pinto kung papasok na sya.

Pero nang makita ko yung paa dirediretso lang yung lakad, hindi to huminto sa harap ng kwarto ko.

Kaya sabi ko “Ay! si Yaya Belen ito baka may kukunin sa kuwarto niya”.

Narinig kong may mabagal na pag bukas ng pinto at nangaling yun mula sa kwarto ni yaya belen at napag isipan ko syang gulatin, dahan dahan kong binuksan yung pinto para hindi nya marinig.

Tapos tumingin muna ko sa hallway..( walang tao ) tapos nakita kong naka bukas kwarto ni yaya.

So dahan dahan akong lumapit sa kwarto niya.

Pag silip ko walang tao.

Nilibot ko yung mata ko sa buong kwarto ni yaya belen pero wala talaga akong nakita.

So nag simula na kong magtaka at kilabutan.
Dali-dali kong isinara ang pintuan ng kwarto ni yaya belen at nag aatubiling bumalik sa aking kwarto.

Minadali kong tapusin ang aking ginagawa. dahil sa takot na baka muli iyong maulit..pag katapos kong gawin ang aking takda ay agad na akong bumaba..

Tinanong ko agad si Yaya..”Yaya Belen umakyat kaba sa taas kanina?”

“Hinde Ate, baket?”

“Ahh..wala naman po” (sa isip ko..)

“Imposible rin namang si Nicole yung umakyat e naka tsinelas siya..tsaka hindi mo mapapaalis sa harap ng TV yun..”

Hindi ko na ginawang mag-kuwento pa kay Yaya dahil ayoko naring matakot pa sila ni Nicole.

5:53pm dumidilim na ang paligid, malapit na mag-gabi.

Tinutulungan ko si Yaya Belen mag luto ng aming hapunan para mamaya.

Habang si Nicole naman, naglalaro sa sala tapat ng hagdan.

Pero hindi ko winawaglitan ng tingin si Nicole dahil baka kung ano na namang gawin niya. Madalas kasi siyang makabasag ng pang display ni
Mama sa sala. At siyempre ako na naman mapapagalitan.

Maya maya pa narinig ko parang may kinakausap si Nicole sa sala.. “Ayaw kita kalaro bad ka! tapos ang dumi mo pa!”

Tapos nung sinilip ko kung ano ginagawa niya. Nakaharap siya sa hagdan na parang may kinakausap.

Agad ko siyang nilapitan.

“Nicole, sino kausap mo?”
“(pabulong) Ayun ate oh si bata! (while pointing on the dark side ng hagdan pataas.) Ayun ate oh puro..putik yung katawan niya tapos yung eyes niya red, tapos galit siya ate..nakatingin saten… Shh! ayaw niya daw maingay ate”

Kinilabutan ako kasi wala naman akong nakikita.
“Wala naman ah!?” sabi ko.

“Wala na si bata ate, umakyat na ingay mo kasi eh!”

Tapos napatingin ako kay Yaya..na tila nakita niya rin at parang may takot sa mukha niya.

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply