MULTO NGA

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Sharron R. Navera

 

Isa sa  mga madaming multo ay ang malls,  mas mahirap silang  hanapin dahil madalas humahalo sila sa mga taong namimili. Ang isang  dahilan daw nito ay ang temperature sa mall,  na nasa 21 to 24 C ang  average.

Launching  ng sikat na movie  noon at isa ako sa event participants.  Ang call time namin ay 7 ng umaga,  para sa  set-up at briefing sa activity area. Antok na antok pa akong  pumasok sa bakanteng mall, sa  sobrang laki nito parang nakakatakot ang lugar kapag wala  pang tao o  walang man lang mga ilaw.

Unang  tinutungo ko lagi ay ang CR. Dahil  sa layo  ng biyahe ko,  kailangan kong  mag-ayos at mag-nature call.  Pag pasok  ko sa CR na  malapit sa mga hilera na kainan,  pumasok ako at halos lahat ng  cubicles  ay may tao.  Iisa lang ang bakante,’yung  malapit sa storage area ng Janitress.

Matapos  kong sagutin ang nature call, nag-salamin ako at nagpalit ng costume, Nang may lumabas sa isang cubicle, naaninag ko siya.  Wala siyang ulo. Inisip  ko baka nakayuko  lang,  sinilip  ko hanggang lumabas siya sa pinto… Wala ngang ulo.

Binuksan ko ang cubicles isa-isa. Sa huling  cubicle na  nabuksan ko ay nakita ko ang isang bata na nakabaluktot sa dulo.  Nakaupo  siya sa ibabaw ng toilet seat.  Nakabaluktot siya na akala mo may  dinaramdam. Nang inangat niya ang ulo niya,  maga na ang mata niya sa  kakaiyak. Sa ulo niya may dugo na tumutulo, maayos ang damit niya,  halata ang mga buto na parang hindi tama ang itsura. Nang hahawakan ko siya, biglang nawala at parang usok  na naglaho.

Lumabas ako sa pintuan ng CR,  nakasalubong  ko ang Janitress na sinasabing sarado pa ito.  Kung gagamit daw ako  sundan ko siya, nagtaka ako.  Sinundan ko siya, totoo ngang nakakandado pa ito.

Umakyat ako sa  escalator na hindi pa  naka-on. Nakasalubong  ko  ang mga kasamahan ko, niyaya ako  sa 4th floor na may chapel.  Hindi  pa bukas ito, kaya nasa labas lang kami para manalangin.  Nang may  kumalabit  sa akin,  tinanong kung saan ang isang tindahan. Nagisip  ako,  dahil wala pang pinapapasok  ng mga oras na iyon.

Tinuro  ng kasama ko ang lugar. Sinundan ko siya sa buong  floor  hanggang umabot  siya sa wall na nagdidivide ng carpark at ng mall. Bigla siyang nawala. Hindi ko alam na kasama ko pala ang mga  kaibigan ko, biglang natulala sila, at dali-daling bumaba ng escalator.

Ang due time namin ay mga  10 p.m. pa kaya  naghintay kami  sa pagsasarado ng mall  kahit  tapos na ang event. Naupo kami  sa stage,  nang may naaninag  akong  nalaglag  mula sa  itaas pababa. Agad na tumakbo ako para  makita ko  ang taong tumalon.  Pagdating ko sa lugar,  nagtataka ako bakit  walang  pumapansin sa tao.

Bumaba ako pero nakita ko ang tumalon ay sumakay ng elevator. Since  ito ay  yari sa salamin, kita ko ang nasa loob nito.  Umakyat  ulit  ito at  tumalon  mula sa  pinakamataas na floor.

Inabangan ko siya  sa dulo,  sa ikatlong beses.  Nang tatayo na siya  sa dulo,  sinabi ko kung tama ba ang  gagawin niya.  Nagulat siya sa  akin,  akala niya multo rin ako kaya  tinanong niya kung  bakit  ako nandoon.

Agad  na tumalon siya muli. Pumunta ako sa security ako sa security office. Dahil kilala  ako ng buong administration ng mall,  madali akong nakapasok.  Tinanong ko kung may tumalon sa mall  ilang taon na ang  nakakalipas.

Sinabi nila sa akin,  meron daw at paano ko iyon nalaman.  Kinuwento ko ang nangyari sa tao.  Naka-dilaw siya na  damit na may itim na collar, at nakasuot  siya ng shorts  na hanggang tuhod, at may salamin  siya, payat  at medyo maitim,  naka rubber shoes  na puti na walang medyas. Nagulat sila sa nalaman nila, ‘yun daw  ang itsura mismo ng lalaki.

Lagi daw tumatalon ‘yun ng 10pm ng gabi hanggang 12 midnight,  minsan naririnig pa ang sigaw niya.  May mga guwardya rin na nakakakita ng pagtalon niya.  Pero nang naiinis na sila sa paulit-ulit na estado nito, sinubukan nilang gawan ng paraan at tumawag ng pari ngunit walang silbi.

Kumuha  ako ng  silya at umupo ako sa ibaba  ng floor  kung saan  siya bumagsak. Tinanong ko siya  bakit hindi siya tumigil sa ginagawa niya.   Iisa lang ang sinagot niya….  hindi daw siya mamatay-matay.

Hindi ko alam kung tatawa ako o  matatakot. Kumuha  pa akong isang  silya,  pinaupo  siya  na akala mo ay buhay pa siya.  Inimbitahan ko  siya maupo at ginawa naman niya pero lumusot siya sa silya. Pangiti ko   siyang sinabihan,” Patay ka na kasi eh.”

Tumayo siya, nagulat siya sa akin. Kaya pala daw hindi na siya  pinapansin ng magulang at girlfriend niya. Kinuwento niya ang dahilan  ng suicide niya.  Nabalitaan niya na mag-aabroad na ang girlfriend niya  at maaring magpermanente ito kaya nakipag-break sa kanya.  Hindi  niya nakayanan ito dahil kasintahan niya ito since highschool  pa  lang. Sa mall rin siya nagtrabaho dati, sa isang shoes store. Matapos ang  kanyang shift,  tumalon siya at mula noon, wala na siyang matandaan pa.

Kinuwento ko sa kanya ang consequence ng ginawa niya: may   nabagsakan siyang bata sa basement. Hindi na rin nagising ang bata at  nagmumulto na rin sa CR  sa ibaba.  Pinilit siya na i-revive pero wala  nang magawa, ang bata ay dead on the spot.

Sa loob ng kanyang damit may nakitang litrato ng girlfriend niya  at agad na dinala ito  sa presinto, pinatawag ang babae at binigyan  linaw  ang pagsu-suicide niya.

Napaiyak siya at  sinabing babalik  na muna siya sa bahay niya at hihingi  ng tawad sa mga nasaktan niya.  Pupuntahan din niya ang bata  sa CR para maitanong kung saan ito nakatira at mag-sorry din siya.

Bumalik  ako sa venue ng event. Nag meeting kami at umuwi  para mag-umpisa ulit kinabukasan.

Dumating ako eksakto sa call time.  Umakyat ako sa chapel pero dahil linggo, napakadaming tao na dumaan sa floor na iyon. May grupo ng teenagers na parang 80’s ang dating ng fashion at naka-itim lahat, pati kulay nila hindi nalalayo  sa suot nila.

Sinundan ko ang isang matandang babae na nakasuot ng stretch pants at floral na polo blouse na pang itaas.  Nakabarbers ang style ang buhok niya na kulay silver ang bawat hibla.

Pagdating ko sa saradong chapel, nagdasal ako at agad bumaba sa ground floor. Tinanong ako ng events coordinator kung bukas na ang  parking,  sinagot ko siya malamang kasi may mga tao na sa loob, baka  may born-again service na nagaganap sa itaas.  Sinubukan niyang umakyat at napansin din niya ang mga tao na naglalakad sa floor. Nang inabot  niya ang  parking naka-lock pa ito at sinabi  ng guwardya na  sarado pa.  Pero ang pagkatanong niya sa events coordinator namin ay medyo hesitant. Tinanong ko siya kung nakikita rin niya, ginalaw niya ang ulo niya  sa pagsangayon sa akin, at agad na  tumalikod na lang sa may pintuan ng  parking.

Tinanong ako ng guwardya kung nakikita ko ang mga tao.  Sabi  niya na hindi rin niya alam kung saan sila nagmumula, basta sa camera minsan hindi sila nakikita.  Agad na pumunta ako sa security office habang nasa cell ang isang estudyante ko si Shaina,  isang empath.

Dinedescribe  niya ang mga tao at hinahanap namin sa CCTV cams,  pero walang tao sa kahit anong lugar  na puntahan niyang may katabing multo.   Hanggang sa nainis na ako at pinaglaruan ko ang  color balace ng monitor.  Nakita ng mga kasama ko sa kuwarto  na may korteng usok ang nasa cam. Ang isa pinapunta pa ang guwardya, na -prove niya ang existence  ng multo sa floor na iyon.

Pagkatanghalian, binisita ako ng isang taga-admin  na kamag-anak ko.  Sinabi  ko ang nakikita namin na  mga multo.  Umupo siya sa  harapan ko at sinabing madami nga nangyayari doon na hindi maipaliwanag. Minsan may mga taong  nakikita sa CCTV camera pero pag pinuntahan naman walang tao.

Minsan may mga  nagpapaiwan sa mall na  may naririnig na kakaiba.  Wala naman silang makitang explanation.

So far,  ang kamag-anak ko ay nailipat  sa ibang mall. Ang  nakakatawa sa kanya….   mas madaming multo sa nilipatan niya. Pinakiusapan niya ako na “ayusin” daw  ang problema niya.  Natatawa na lang ako sa kanya,  ayaw pa niya  aminin na pareho lang kami.

Leave a Reply