MOST HAUNTED MALL

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Sharron R. Navera

 

Ang kuwento na ito ay hinati ko sa lima dahil masyadong madaming insidente ng pagpaparamdam ang nakapalibot sa mall na ito.  Kayo nalang bahala manghula kung saan ito sapagkat ako at ang  editor lang ang nakakaalam ng eksenang lokasyon.

Pero hindi naman  ibig sabihin na mag -“urban exploration” (ang tawag ngayon sa ghost hunting) kayo. Pero kung gagawin n’yo nga ito,  sana ay may kasama kayong experto para malaman ninyo kung  hanggang saan dapat mag-adventure.

Anyway,  itinayo  ang napakalaming mall na ito noong 1990s.  Tanda ko pa ‘yun kasi malapit lang ito sa bahay namin at nasa college pa lang ako ng mga panahon na ito.  Madilim ang lugar na ito at halos  walang tao ang naglalagi. Marahil dahil tambayan ito ng mga nag-aabang  ng mga sasakyan ng gulay at, mas madalas,  mga adik.

Ayon sa kuwento dati daw itong sementeryo…. siguro….  pero isa ako sa nakasaksi sa pagsibol ng napakalaking establishment na ito.  Magarbo  at puno  ng amenities ang ginawa ng developer. Malalaki at   sikat ang mga stalls dito,  Madaming puwedeng pagkaaliwan ang bata at pati ang mga  matatanda.

Pero dumaan ang panahon at dahil sa madaming malls at department stores na ang tinayo  malapit dito, unti-unting nawala ang kasikatan ng lugar.  May mga namimili pa rin  pero hindi na tulad ng dati.

 

SINEHAN:

Minsan nanood  ang tatay ko sa isa  sa mga sinehan nito, upang  labas ng pelikula na James Bond ni Pierce Brosnan kaya excited siya.  Ito lang kasi ang malapit na mall sa amin kaya dali-dali siyang pumunta.  Kami naman ng mama ko may pasok, sa work at sa school.

Unang showing  sa umaga ang ticket niya. Inisip niya kasi na madaming manunuod pagkatanghali na kaya inabangan niya ang unang  sked sa umaga.  Nagulat siya na puno na ang sinehan sa mga oras na  iyon.   Napilitan siyang tumayo sa gilid para maghintay ng mababakanteng upuan.

Bawat maaksyon na sandali ay humihiyaw ang mga tao, kaya  kahit nakatayo, nasisiyahan siya sa movie.  Sa kalagitnaan ng palabas, naramdaman niya ang lamig ng lugar. Buti na lang may dala naman siyang jacket na ready sa ganitong lamig.

Bigla namang may lalaki na humarang sa harapan niya.  Pinakiusapan niya na tumabi at ‘di niya makita ang screen pero hindi narinig kaya kinalabit niya ito.  Napansin ng tatay ko na may lupa ang  balikat ng tao,  agad na tumabi ang lalaki at humingi ng paumanhin.

Nang matapos ang palabas at binuksan ang ilaw, nagulat  siyang makita na halos walang tao sa loob.   Mula noon nagtiyaga na lang siyang bumili ng VCD at nanunood na lang sa bahay.

Sa isa namang pagkakataon, ako na  ang mismong  nakaranas. Palabas ang “Blair Witch Project.”Dahil sa patok ang pelikula sa writer ups,  napilitan na ako manoon sa day-off ko.

medyo boring ang palabas para sa akin kaya nakatulog ako sa  loob. Bigla namang may kamay na humawak sa balikat ko.  Lumingon ako pero wala naman guwardya o tao sa likuran ko. Hindi ko masyadong pinansin ito at baka  dala lang ng pelikula ang naramdaman ko.

May nagpasintabi sa harapan ko at dadaan para makaabot sa gitnang bahagi ng row….  Naaninag ko rin ang pag-upo nila at ang mga  bulungan.   Nang mainis ako sa patuloy nilang pag-iingay, nilingon ko sila  para susutsutan kaso, biglang…. wala akong taong nakita.

Maya-maya pa,  may mga  nagsusuka sa may aisle.  May hinimatay pa sa gitnang bahagi ng sinehan at nagkaroon ng kaunting  commotion. Nang lumingon ako sa screen, may babae na maikli ang buhok at naka maong at puting t-shirt na mahaba.

Nagsabi na  napanood na niya ang palabas. Sinilip ko ang katabing upuan para  makita kung  may kinakausap siyang iba maliban sa akin.

Wala naman akong nakikita, sa duration ng palabas, Kuwento siya ng kuwento.  Naasar na ako  kasi hindi ko man lang naiintindihan ang pinapanuod ko.  Nang bumukas ang ilaw,  nakita ko na transparent ang babae.   Unti unti akong tumatayo at nagproceed lumabas.

 

PARKING:

Madalas kaming  pumasyal sa mall pero ang kotse namin ayaw. Kaya simula nang may series ng pangyayari na involved ang kotse, hindi namin binabanggit sa loob ng sasakyan na ang pupuntahan namin ay  ang mall.

 

Unang pangyayari-

Bagong overhaul ang kotse namin.  Ilang araw na rin namin  nagamit  at excellent condition pa.  Wala man lang bahid na may diperensya ito o kahit na kalampag.  Pinasok namin ito sa parking ng mall.  Dahil  paikot na baba ito medyo mabagal ang usad ng mga sasakyan.  Tumigil  ito na walang dahilan. Pinasok namin ng kaunti para makadaan  ang ibang sasakyan, hindi ito umandar. Ni-release ang handbreak para  magstart dahil pababa ang parking,  pero kahit na  anong gawin namin hindi talaga nag-iistart.  Nainis si mama at pinatawag ang mekaniko.  Nang hinila palabas ang kotse, biglang nagstart ito nang walang nagdadrive

 

Pangalawang pangyayari-

\ Hindi namin binanggit sa kotse na papunta kami sa mall.  Naisipan kasi namin na bumili ng pagkain sa tanghalian. Naka-park kami ng  maayos sa lugar na may tatak H3, located sa right side ng basement. Umalis na kami at nagshopping, hindi kami dapat umabot ng 1 hour dahil hinahabol namin ang tanghalian sa house.

Hinanap namin ang H3 parking,  pati ang kotse  nawawala.  nagpanic si Mama at hinanap ang susi na nakalagay sa daliri niya.  Pinatawag ang guwardya at ni-review ang CCTV cams pero walang kotse na umalis sa lugar na kapareho ng plate number namin. Pati ang parking ticket na ebidensya na sa H3 ito naka-park.  Biglang nag-radyo ang head security,  ang kotse daw namin ay nasa M2. Nasa left side  ng parking at nasa 1st level na. Nagulat kami sa balita, kaya napagpasyahan ng security na ipatawag ang  security at imbestigahan ang mga pangyayari.

Nakita sa CCTV ang pagdating namin sa kotse sa floor,  doon nalaman  namin na dumating ang kotse mag-isa sa area pero nang buksan ang pintuan, walang lumabas dito.

Lahat kami napatingin at ang iba ay natakot sa nakita.  Bumukas  ang pintuan na walang bumababa,  at sinarado pa! Hindi electronic ang  susian ng kotse namin kaya imposible na bumukas ito ng kusa.

 

Ikatlong pangyayari-

Nang lumipat kami ng bahay, this time medyo malayo  na sa mall,   madami na ang mga establishments na tinayo sa mall area. Du’n  pa rin ako namimili ng gamit para sa mga alaga kong hamsters, rabbits at guinea pigs, hindi kasi sayang ang pera ko dahil kilala ko ang breeder sa may basement.

 

Napilitan akong dalhin ang kotse namin sa dami ng cage na  bibilhin ko. As usual tumigil ang kotse sa entrance ng parking nito.   Pilit na  iniistart pero hindi kumakagat.  Nainis na ako at sinigawan ko ang kotse na hindi dapat ito matakot sa gusali.

pag-ikot ko sa likod para itulak ito,  napansin ko na umaandar  ang tambutso pero hindi naman umaandar ang makina. Tinulak ko ito  mula sa harap, at biglang umandar ang makina na parang hindi ito pinatay.

 

COMFORT ROOM:

Ang mga saleslady sa mall na ito,  hindi  ginagamit ang 3rd floor na CR.  Napilitan tuloy ang management na  isarado ito ng permanente   dahil sa mga naririnig nilang kuwento at reklamo mula sa  mga namimili.

Minsan, pinuntahan ako ng kapitbahay ko na si Linda Estanislao, sinabi niya na kilala daw ako sa kalya namin na isang Paranormalist at gusto niyang i-share ang nararanasan niya sa mall.

Kuwento niya,  late na daw siya sa work at napilitan na maghanap ng CR na walang masyadong tao para makapagpalit ng uniform.  Napadpad siya sa  3rd floor  at nagulat siya dahil walang empleyado na nag aayos dito.  Malinis at hindi man lang nadudumihan ang mga inodoro.

Pumasok siya sa dulong cubicle at nagpalit  ng uniform.

Pagbukas ng pintuan, laking gulat niya na puno ng bakas ng putikang paa ang sahig at marka ng mga kamay ang dingding. Parang kakadaan  lang ng tao dito dahil basa at ang ibang prints  ay may fresh na dugo pa.  Sa sobrang takot, nataranta siya at lumabas ng pintuan.

Bigla siyang hinimatay sa nakita.

Pagbukas ng mata niya, naaninag niya ang mukha ng isang security guard.   Sinabi niya ang nakita niya ngunit nang buksan nila, malinis  ito at walang kahit na isang dumi man lang, maliban sa nakakalat na gamit ni Linda.

Tumungo sila sa admin at sinabi ang kuwento ng babae. Umupo  rin ang sekyu, sinabi niya na siya rin ay may karanasan sa loob nito.  Matatapos na ang  10 pm shift niya sa mall,  nang nakaramdam siya ng  “nature call” Dahil hindi na siya aabot sa locker room,  napilitan siya  na mag-CR sa 3rd floor.

Pagpasok niya, nakita niya na sarado ang mga cubicles,  kaya  sinilip niya  ito kung may gumagamit, lahat ay may paa kaya hinintay  niya ang mga ito.  Makalipas ang 30 minutes,  dahil namimilipit na siya,  kinatok niya isa-isa pero walang nagsasabi kung gaano pa sila katagal.   Naghihintay pa rin siya.  Sinisilip-silip niya kung may tao, at may   mga paa parin sa ibaba, na indikasyon na may tao pa sa loob. Nainis na  ang sekyu at pumunta sa parking at hiniram ang panilip ng ilalim kotse  na yari sa salamin.

Inisip niya na kapag ginawa niya ito, irereklamo siya pero may hinala siya na baka may ginagawang masama ang mga occupant. Sinilip muna niya sa ibaba kung may tao pa, nang nakita niya na meron, unti unti niyang pinaling ang salamin sa itaas at nakita niya lahat binti at paa lang ang nasa loob nito.  Ang isa pa nga ay gumagalaw!  Nabagsak niya  ang salamin at nabasag ito.  Nang tatakbo na siya palabas huminto siya at inisip na baka may nanloloko lang sa kanya.

Napagpasyahan niya na  bumalik kaya tinadyakan niya ang main na pintuan ng CR,  bumukas ito at nakita ang  mga putol na paa na lumikas palabas ng mga pintuan ng mga cubicle. Hinimatay ang sekyu at dinala siya sa ospital nang mapansin ng mga kasamahan niyang hindi na siya sumasagot sa radyo.

 

RESTAURANT:

Halos apat na  restaurant  na ang umalis sa harapan ng mall.   Unang umupa nito ay isang kilalang bar na puntahan ng mga bagets noon. Halos  puno lagi ang resto-bar  na ito dahil  sa mga banda na lagi nilang iniimbita na sikat sa buong manila.

Minsan halos 4a.m. nang natatapos ang mga parokyano. At  habang nag-uumpisa na ang crew na magligpit, may pumasok ditong  taong putikan.  Tinatanong niya kung may nakakita sa kaniyang asawa. Inisip  ng isa sa mga  crew na baka umuulan at napilitan na sumilong ang  matanda. Sinabi nila na hindi nila nakita ang asawa niya at bigla itong  tumalikod at nawala.  Paglabas ng crew, nakita nilang tuyong -tuyo ang kalye at hindi man lang umulan para  maging putikan ang buong  katawan ng matanda.

Sumunod na umupa dito ay isang fast food chain.  Kilalang -kilala ang companya kaya matao rin ito. Sa umaga,  nagrereklamo ang mga crew nito dahil sa putik sa loob.  Nireklamo na rin ito sa management  pero walang aksyon na ginawa.

Minsan nagpatugtog ang manager ng radio para maaliw ang  kanyang mga customers. Lagi na lang lumilipat ito sa ibang estasyon, kung minsan naman biglang lalakas ito lalo na kapag tumuntong ang 2 p.m. ng Miyerkules.

Pinalitan niya ang unit ng stereo, pero ganun parin ang problema. Pati ang mga crew ay pinapagalitan niya dahil sa pagloloko ng radio.  Pero walang umamin nito at sinasabing walang tao ang nakakapasok  sa opisina niya.

Minsan ni-lock niya ang opisina at hindi binuksan ang radio. May-maya narinig niya na may pipe-in music na uli ang dining area. Agad na  pumunta siya sa opisina at nagulat siya na nakalock pa rin ito.  Sa inis niya  sinigawan niya ang radio at ang crew dahil sa pagloloko sa kanya.

Pagtalikod niya, sumabog ang radyo at may kapirasong bahagi nito na lumipad sa kanyang likuran, parang sinaksak siya. Sinugod siya  sa ospital at hindi na  muling bumalik sa kompanya.

Ang huling umupa nito ay isang bagong sibol na ihaw-ihaw. Lagi  ring may putikan na bakas  ang sahig at minsan may nagluluto sa loob pero wala namang nakikitang tao.   Kapag may crew na nakakakita sa multo ng isang babae, bigla itong magkakasakit at hindi na makakapasok. Hanggang sa naubos na nga ang crew nila at natira  na lang ay mga owners nito.

Ang insidente na ikinatakot talaga ng mga may-ari nito ay noong  panahon ng kwarema. Naghahanda sila para sa 2 araw na holiday ng  mall,  kailangan kasing itago ang mga mabubulok nilang pagkain.  Umalis muna sila, kasama ang 2 pang crew, matapos  ang pagsasara ng mall para magsalo-salo sa bahay nila na nasa likod lang ng gusali.

Nang bumalik sila, nakita nila na lahat ng pagkain at mga gamit  ay nakakalat na.   Inisip nila na baka may magnanakaw kaya pinatawag ang security. Walang naimbentaryo na nawawalang  mahalagang bagay  kaya sinimulan na nilang  magligpit.   Tuwing tatalikod ang isang crew sa kitchen,  nabubuksan ang stove o ang mga cabinet sa ilalim ng counter.

Nainis sila at inisip na napapaligiran sila ng multo.  Sumigaw  ang babaeng may-ari sa galit at sa harapan niya,  may mga kutsilyo na lumilipad. Agad na hinila siya ng isang crew at dali-dali silang lumabas sa mall.

Kinabukasan, pina-cancel nila ang contract at nireklamo ang nakikita. Pero wala ring  nagawa ang management ng mall kundi tanggapin  ang decision ng mag-asawa.

Sa ngayon,  bakante na ang lugar at walang may gusto na umupa  pa.

 

AMUSEMENT PARK:

May maliit na kiddie rides ang mall.  Iba’t ibang klase at may mga arcades pa na puwedeng pag-iwanan sa mga bata.  Huling balita namin, isinara na ito dahil lagi na lang may aksidente,  lalo na  sa octopus ride.  Lagi rin na bumubukas ang mga rides sa hatinggabi pero wala namang tao.

Minsan may sekyu na nagroronda  sa theme park.  Biglang may dumaan sa likuran niya pero nang sundan niya ito,  biglang bumukas ang rides. Hinanap niya ang main power room pero nakita niya naka-lock ito  at hindi man lang ito nagalaw.

Hinanap niya  ang dumaan pero sa paglilibot niya, walang nakita  kahit isa. Sa hinala na may nagtatago, inalerto niya ang mga kasamahan  at nagpadala  ang head  nila ng ilan pang sekyu para hanapin ang inakala  nilang magnanakaw.

Maya-maya pa,  nakita ng isang guwardya ang isang bata na may suot na t-shirt na kulay green at maong na madaming mantsa ng pagkain. Dinala siya sa  security office at  inimbestigahan, pinaupo nuna itosa gilid at ilang sandali pa ay nakatulog.  Kinapa nila ang mga bulsa nito para ma-identify at malaman ng magulang ang location niya.

May nakita silang school ID sa pantalon nito.   Kaso kulang ang numero ng isang digit, pinadala sa presinto ang mga ID at iniwan muna  ang bata  dahil natutulog. Binantayan ng head security ang bata at  tinuloy ang trabaho niya. Naaninag niya ito sa harapan niya.  Pagdating  ng  babaeng pulis,   sinuri ang bata at tumawag sa radio at humingi ng impormasyon.  Naupo ang pulis sa tabi nito habang hawak ang paa nito.  May oras pa na hinihimas niya ang ulo para humimbing ang tulog. Nagdala rin siya  ng damit na pangpalit nito na galing sa barangay.

Maya-maya, napansin niya na nawala ang bata. Kahit na nakahawak pa siya sa bata, nakita na lamang niya ang putol na paa na hawak  niya. Natakot ang pulis at agad na lumabas at naghanap ng tubig.

Sinubukan hanapin ang magulang ng bata. Ilan linggo lang ang  nakalipas nang may tumawag sa opisina, ang ina ng batang sinasaad  sa ID.   Sinabi na  nawawala ang bata simula pa  1983. Nalaman nila na  dinukot at pinaslang ito at hindi malaman kung saan nilibing.  Buti na lang daw nalaman na nila kung saan.

Leave a Reply