MAY DALA SIYANG MULTO

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By:  Sharron R.  Navera

 

Helen

Nangyari ito kamakailan lang habang  namimili ako  sa isang mall sa Maynila na halos araw-araw tinatambayan ko. Dali  lahat ng kuwento ko ay doon ko  ginagawa, madami na rin akong  nararanasan sa  isang  coffee shop du’n. Inutusan ako ng mahal kong ina na mamili sa grocery. Dahil sa  mahaba  ang pila sa loob ng meat section,  napagpasyahan ko na maupo  muna sa  isang display area at maghintay ng numero ko. May isang babae  na tumabi sa akin, mayamaya naririnig ko siya  na nagagalit sa akin.

Tumayo ako at nang sisitahin ko na siya,   nakita ko ang multo    ng isang matandang babae na halos puti na  ang lahat ng buhok  at hindi malaman kung paano kukunin ang attention ng kanyang kausap. Ito pala  ang nagsasalita.

Mayamaya naramdaman  ko na may bumasa sa akin,  lumingon  ako pero wala naman akong nakitang may dala ng tubig na puwedeng  ipanghagis.  Nakita ko ang matandang multo na may dalang ilang patak  na galing sa  seafood  section na ubod  layo,  at binabasa niya ang kanyang  kausap.

Nainis  na ako at nilapitan ko siya, pinagsabihan ko siya  na wag   siyang magpahalata at madami ang matatakot.  Bigla siyang natigilan at hinabol  ako, as usual tinanong  kung nakikita ko siya  at sinabing may  gusto siyang ipagbilin sa kanyang anak na babae.

May account daw siya  sa bangko na siya lang ang nakakaalam pero bago  siya namatay nag-iwan  siya ng sulat  sa bangko para ibigay ang pera  sa kanyang anak na babae. Sabihan ko rin daw siya na wag  kumain ng baboy dahil masama sa kanyang puso… at napakadami pa.

Nagkaroon ako ng problema, paano ko sasabihin sa babae na may ganu’n siyang kasama.  Sinubukan ko na   banggain ang kanyang   kart at sundan siya sa check-out. Nagawa ko naman. Sa puntong  iyon,  tinanong ko sa matanda ang pangalan ng babae, Helen daw.

Sinabi ko sa babae  na familiar ka sa akin ikaw si Helen, may  perang naiwan sa iyo ang nanay mo sa bangko. Hinihintay ka ng bank  manager. Tinanong niya kung  paano ko  nalaman ito at sinabi ko na dati  akong bank employee doon.

Hindi natapos  doon ang istorya.

Nakita ko muli ang multo sinabi ko sa kanya na nasabi ko na ang  kanyang istorya,  at tinanong ko kung ano pa ang kailangan niya. Sinabi  niya na may isang masamang ispirito sa itaas ng supermarket. Halos  lahat daw sila natatakot sa multong ‘yun…  Wala rin tuloy makaalis sa lugar na iyon.

Umakyat  ako sa itaas na palapag,  halos  wala nang laman  dahil  ayon sa multo nalulugi ito.  Masama daw ang aura  na binibigay niya sa  tindahan. Natagpuan ko siya sa stockroom,  isang maitim na usok  ang  sumalubong  sa akin.  Napansin ako ng mga  nasa loob at nagkunwari na  lang ako  na may kukunin.

Nang  makaalis  na ang lahat  sa stockroom,  nilapitan ko ang usok  sa loob.  Halos  mawala ang hangin sa loob nang lumapit siya.  Pilit kong  hinanap ang pinagmumulan niya. Sa  Paglilibot ko,  nakita ko siya sa  loob ng isang piece of furniture; isang  malaking  sofa na yari sa kahoy.

Binuksan ko ang maliit  na pintuan at lumabas ang usok.  Nang  palibutan ako, nakita ko na isa siyang espiritu na nagmula sa kahoy ng  sofa. Kumuha ako ng isang bote at sinabi ko na puwede siyang sumama   sa akin at nangako ako na  dadalhin ko siya  sa isang magandang puno sa bahay namin.

Ngayon ang tamis na ng mga bunga ng puno ng macopa namin.

 

 RITA

Minsan I met up with a group ng college students sa Manila.   Nasa usual na cafe ako nang may tumabi sa akin. Parang agitated siya masyado at malalim ang kanyang mga mata at may hawak  na maliit na bag sa braso. Ang kanyang damit ay parang 1970s era pa.  Akala ko nga  ay isang teenager na mahilig  lang magsuot ng retro na common sa area na yu’n.

Tumatayo  siya at uupo,  minsan nabubunggo ang silya ko, medyo  nainis na ako dahin hindi ko matapos  ang pagsusulat ng story ko. Napansin ko na may umupo sa table niya at biglang lumusot ang babae  sa katawan niya.

Hinintay ko na matapos mag-kape ang mga tao sa table niya.  Lumipat  ako ng table at tinanong ko kung pwede siyang pumirma at nainis na ako sa kalikutan niya.   Dahan-dahan siyang umupo  at tiningnan  ako,  sinabi niya na hinihintay niya ang boyfriend niya na bumili lang ng  makakain sa kabilang fast food joint.

Napansin ko na may “gap”  ang mga kamay niya.  Ito ay ang mga  multo na may space ang kanilang katawan. It signifies ang kanilang injury at common ito sa mga suicidals  na nahihiyang ipakita ang kanilang  cause of death.

Tinanong ko anong huling naalala niya bago siya napadpad sa  cafe.   Nainis pa nga siya sa tanong ko dahil may hinihintay “daw” siya . Lagi  siyang sumisilip sa tagiliran ko para maaninag kung darating ang  kanyang boyfriend.

Maya-maya, nilapitan ako ng baristang si Louis.  Since kilala ako ng mga barista na ghost hunter,  sinabi niya na may multo sa harapan ko,  nagkatinginan kami at sinabi niya isa daw iyon sa mga “residents” nila  sa cafe.  Pero  ang multo na nasa harap ko ay medyo mainitin ang ulo  dahil tuwing 21st ng buwan, kapag umaabot na ng 9:00 p.m. sa cafe,  biglang  naiinis ito at nasisira  lagi ang kanilang sound system.

Clairvoyant si Louis, matagal na siyang nagte-training sa isang  kilalang paranormalist sa Pilipinas,  pero kahit na anong gawin niya hindi niya maresolve  ang case na pinangalanan niyang Rita.

Tinanong ko ulit si Rita kung anong huling naalala niya bago siya pumunta sa cafe, kahit na naiinis,  sinabi niya na galing siya sa mall at bigla siyang nagalit at sa sobrang inis umuwi siya at nagkulong sa kuwarto. Pero alam niya na may meeting sila ng boyfriend niya sa hapon.

Sa itsura niya  nasa 19-20 years old siya, maganda ang kanyang katawan at mamahalin ang kanyang suot. Hindi mo mahahalata na isa siyang multo dahil iba ang kanyang asta.

Binulong ko sa kanya na patay na siya, bigla siyan nagalit at  nagluko ang sound system, pati ang laptop ko nasira. Lumakad siya  palabas ng cafe at sinundan ko siya, nagkaabot kami sa mall na malapit  doon.

Doon niya sinabi na nakita niya ang boyfriend niya na may kasama na  iba. Gusto niyang tumalon  mula sa 2nd floor pero alam niya na  mapapahiya ang lalake kaya umuwi siya  at  naglaslas na lang ng pulso.

May usapan daw kasi sila  na magkikita sa mall na iyon ng 4 pm pero dahil na gusto niyang mag-malling muna, sinama siya ng mga kaibigan niya at naglibot at tsaka naman niya nakita ang nagtaksil niyang  boyfriend. ‘Yun ang tumatak sa isip niya kaya kahit na nasa kabilang  buhay na, hinihintay  pa rin niya ang boyfriend niya sa cafe. Pero sinabi  ko na hindi na siya darating maaring may buhay na siyang  sarili.

Lumuha ang multo at sinabing malaki ang pagsisisi  niya sa kanyang ginawa , madami pa daw dapat siyang nagawa sa buhay niya pero  na-consume siya ng galit at poot.

Hindi na siya ulit nakita doon ni Louis pero natutuwa siya na  may multo kaming natulungan at hindi naman pala ganu’n  kahirap.

 

Keno

First time  akong bumili  ng damit  para sa  sarili ko sa mall at hindi  sa ukay.  Masaya ako dahil kahit mahal,  alam ko na matutuwa akong  suotin ito para sa upcoming 30th birthday ko.

Ngunit  sa bawat pili ko,  parang may sumusunod at sumisilip  sa mga racks. Unti-unti ko siyang nilapitan, hanggang sa nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga racks  sa dulong  bahagi ng department store na  ito.

Isang bata, nasa 3-4 years old,  may hawak siyang maliit na brown  bag na may nakaprint sa gitna. Brown jumper at light blue na t-shirt ang  kanyang suot.

Tinanong ko siya kung ano  ang kailangan niya, sabi niya na kailangan  na niyang umuwi  sa bahay nila.  Kinuwento niya na   nahiwalay siya sa kanyang magulang hanggang  sa nag-gabi na.

Dahil  sa matagal na siyang nasa mall,  biglang may “nag-claim”  na mga magulang niya pero hindi naman niya natatandaan kung sino  sila. Pagdating niya sa  isang bahay,  bigla siyang pinagpapalo  dahil iyak siya ng iyak at nang ‘di na niya makayanan,  namatay siya.

Hinihintay siya ng kanyang magulang pero walang dumarating.  Itinuro niya ang isang kahon na nasa loob ng security office,  umilaw ang  isang bagay… isang maliit na action figure.

Alam  ko na gusto niyang maibalik ito sa kanyang magulang. Pinakita niya ang kanyang supot, may nakalagay na pangalan ng isang  restaurant. Sinabi  ko na baka hindi na buhay ang restaurant na iyon.   Pero pinilit niya pa rin ako.

Tinungo ko ito,  at suwerte naman na open pa pala ito.  Nakita  ko ang manager,   ang kanyang ina at  ang cook,  ang kanyang tatay. Napansin ko na bagong panganak siya.  Ibinigay  ko ang action figure at   sinabi na isang multo ang nagsabi sa akin.

Alam nila na inabuso ang kanilang anak.  Pero wala naman silang magawa. Inabot ko ang action figure at natuwa sila,  at least alam  na nila na namayapa na ang kanilang munting anghel.

Leave a Reply