Maria

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By Jean Auza Camoro

hi tawagin nyo nalang ako sa name na maria may (mary) kasi yung name ko kaya maria na lang. nasa Pamilya na namin yung nakakakita elements or even ghost, grade 3 ako nung start mag bukas ang mata ko para sa mga alam nyo na .. kaso humina sya nung nag 16 to … 19 pero malakas parin pandama lalo na pandinig.. 20 nako nung nakakita nanaman ako ang lupit pa buset. -.- gusto ko sana I share yung isa sa pinaka nakakatakot para sa akin na karanasan ko.

2013 noon hindi ko lang matandaan kung anong month. so .. normal na gabi lang yon ni wala sa isip ko ang katatakutan kasama ko yung tuta kong si jicky na bigay ng boyfriend ko nung huling punta nya samin. LDR kasi kami.. from Pampanga ako at From QC siya mag ka call nga kami nong time nayon.. nung mga mag 12 am na nun pumasok sa kwarto ko si bunso. Makikitulog dsw. OO naman ako.

So yun tuloy usap namin ni bf at mayamaya tulog na si bunso mga around 3am napaka kulit ng that ko punta kama, punta pinto yung kama kc foam lang so asa sahig lang, Hindi ko talga maintindhan si Jicky .. Nababanas ako that time ang kulit kasi meron pang parang napagod sya kakaganon kaya pinatong nalang nya yung baba nya sa tummy ko tas nagulat ako kasi mga 15mins na sguro syang tulog biglang pumitik katawan nya tas tumayo yung mga tenga nya.

Bumalik sya sa nakasarang pinto ko at parang hinukay nya yung awang ng pinto sa sahig. nainis nako kaya pinalabas ko nalang si jicky baka kasi napapa boom boom or what basta inis nako that time. so lumipas pa ang oras nag decide na kaming matulog ni bf mga mag 4am na yun.

Ayun tulog agad ako pagkapikit ko ng bigla akong may narinig. Boses ng bata sabi niya. “andito ako sa kwarto mo!” biglang dilat yung mata ko as in nanlalaki yung mata ko kasi yung boses nya yung tonong tuwang tuwa.. naka tagilid ako non at pumatihaya ako untiunti akong tumingala sa ulohan ko at *boom* nakita ko sya mabilis kong inalis yung mata ko kung asan sya tumagilid ako at pumikit ng mariin dumilat ako ulit tinignan ko kapatid ko, ayun napaka sarap padin ng tulog takot na takot ako kasi yun lang talaga ulit yung nakakita ako plus nakarinig pa.

At halos sumabog na yung puso ko same takot nung naramdaman ko na humiga sya bandang ulohan ko nakadilat ako non pero hindi nako makagalw naka titig ako kay bunso tumatawa yung bata imagine nyo na lang yung hagikgik ng batang babae .

Binibigkas ko yung pangalan ni bunso gusto ko syang gsingin pero walang lumalabas na boses sakin para akong nag lilip talk. as in pero batak ko na yun I feel so helpless that time. Pumikit na lang ako ng mariin inisip ko si god in Jesus Name ako ng in Jesus name hanggang tinesting ko yung kamay ko na close open ko sya dumilat ako at tinawag ko so bunso paos na garalgal kaya inulit ko.

Buset di nagising umupo ako at inalog ko talaga sya nagising na sya tumayo ako natataranta binuhat ko yung foam tas nilapag ko ulit. Hindi talaga ako tumitingin sa ulohan namin kanina pero siempre naaaninag ko parin wala na sya pero tulad ng sabi ko malakas ako sa pandama alam ko andun padin yung bata.

Di ko na nga lang nakikita. So yun imbis kunin ko ang foam pumunta na kami ni bunso sa kwarto ni ate. nanlalata akong umopo sa paahan ng kama ni ate tumabi sakin si bunso . “bakit ate maria?” sbi nya at knuwento ko ng maikli sakanya. at sabi nya “huh? te nakita ko yun kanina sa gilid mo nung andon patayo sa room mo. nung binubuhat mo yung foam kala ko si sab(5 yrs old naming pamangkin) napatitig ako sa pinto ni ate rinig dun ung kaluskos sa hall way .

Room ko kasi tapat ng kusina, room ng brother nmin sunod sa room ko at tapat ng room ng papa namin at cr at dulo ang room ni ate so mahaba haba ang hall way pero dinig ko at malinaw na nasa kusina sya.. Alam kong siya yun hindi dahil alam kong kami lang ang gising kundi dahil ramdam ko basta alam ko pag tingin ko sa oras 5:20 na .. -.- at kahit pano I feel relief kasi hindi sya sumunod ginising na lang namin si ate knwento ko ng pa patlang patlang I feel tired ksi.

Hanggang dumating si mama galing work .Kinuwento ko sakanya sabi nya kaya ganun kasi kasama ko daw si bunso. si bunso kasi normal na yung ganun ka lalang experience sakanya..

Leave a Reply