MANANANGGAL

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Love Joy Gonzales

Isang gabi 11:33 pm na ng gabi,at naiihi ako. Bumaba ako sa aming cr kasi sa taas kami natutulog.

Then bababa na sana ako ng may biglang bumagsak sa aming bubong.

Tiningnan ko sa bintana,tapos may nakita akong isang babae mahaba ang buhok at may pakpak at mahaba ang kuko.

Tapos napanganga na lang ako sa takot tapos biglang nagising mama ko.

Sabi niya “Nak! Nak!”

Bakit gising ka pa pero hindi ako makapagsalita kasi nga dahil sa takot pero ng niyugyog niya katawan ko ayun parang nagising ako sa isang bangungot.

Tapos sinabi ko agad sa kanya sabi ko Mama! Mama!

Tingnan mo may tao sa bubong natin at nagulat din siya.

Pagkatapos bumaba saglit ang mama ko para manguha ng kutsilyo. Tapos ng nakakuha na sya dali dali syang umakyat.

Papalapit na ng palapit ang babae at hinintay ng mama ko na lumapit siya.

Nang makalapit na siya sa amin biglang sinaksak ni Mama yung dibdib niya tapos nakita ko na kapula ng mata niya at meroon siyang pangel.

Tapos noong nasaksak na siya bigla nalang nawala. Simula noon nilalagyan na ng Mama ko ang bawat bintana namin at hinahagisan nya rin ang bubong namin.

Hanggang ngayon nilalagyan pa rin namin kaya simula noon hindi na bumalik ang babae pero naglalagay parin kami ng asin.

Leave a Reply