LOLO

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Arlene Legaspi

I want to share my experience. It happened summer 2015. Ilang linggo ng masama yung pakiramdam ng nanay ko. May nagsasabing may natutuwa sa knya, merong nagsasabing may nagbabantay sa knya at kung ano ano pa.

Then there’s this incidence na yung friend ng nanay ko nakigamit ng cr nmin, then nung paglabas niya sabi niya kay nanay na may malaking tao sa tapat ng cr nmin at isa lang ang mata. Then nung nag 6pm na that day pinalabas niya kmi ng bahay dhil dumami na sila and then she did her rituals para paalisin ang mga lamang lupa, after that isa isa nya kming pinapasok ng bahay.

Una yung nanay ko, afterwards yung kapatid ko. Then syempre ako yung last. Pagpasok ko sa bahay, mhahalata mong kakaiba yung ambiance. Dun kmi naupo sa dining area. Pagkaupo ko, sinabi nila na “Ate, andito si Lolo Mode” tpos ako syempre nagulat tinanong ko kung nasaan.

Tapos tinuro nila yung bote then there nakita ko itong gumagalaw magisa at yung magkok na may takip na gumagalaw din pero di nalalaglag yung takip. Then sinabi samin nung friend ni nanay na nagtatampo si lolo dhil di na nmin siya naaalala, lagi pla nmin siyang kasama, binabantayan kmi khit san kmi magpunta, at pinaalalahanan niya pa ang kpatid ko na magiingat around campus lalo na pag magisa lang siya dahil lagi daw may sumusunod sa knya.

After this encounter, nalaman nmin na nkakausap pla ng kpatid ni nanay si lolo at di pa nga tlga sya naakyat sa langit at inaantay pa niyang mging maayos yung mga problema sa mga buhay nmin. Month of May ng umalis ang tatay ko pabalik ng ibang bansa, nlman nmin na ksabay nun ang pagakyat ng lolo ko sa langit. Nkita na nya kasing nagkaayos yung parents ko.

I don’t know the real point of this story, but i guess it all happened for my family to get better. At napatunayan ko din na totoong anjan lang sila khit patay na sila.

Andyan pa din sila, ang mga mahal natin sa buhay, nakikinig, nagmamasid, at patuloy na nagbabantay sa atin kahit pa nasa magkaibang dimensyon tyo ng mundo.

 

Leave a Reply