Lolo Jose

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Paano kung ayaw pa rin  umalis ni lolo?

Dahil  sa katandaan,  tuluyan na ngang pumanaw si Lolo Jose. Nagkaroon siya ng sakit sa loob ng ilang buwan kaya medyo naihanda  na rin  ng mga kamag-anak namin ang kanilang kalooban sa kanyang  pagpanaw.

Masasabi  ko na  maraming  di-pangkaraniwang pangyayari  ang naganap bago at matapos pumanaw si lolo.

SUNDO

Nang kasalukuyang nag-aagaw buhay ang lolo,  nagsalita raw ito sa mga tita at tito ko na paalisin ‘yung lalaking nakasuot ng pula sa gate.  Nagtataka ang lahat dahil hindi naman nakikita ng lolo ang gate mula sa kwarto niya. Isa pa,  walang namang nakasuot ng pula sa paligid nila.

Naalala ng tito ko na baka sinusundo na raw ang  lolo ng kuya nila. Mahigit  labinlimang taon nang patay ang panganay na anak ng lolo  dahil sa aksidente.  Naalala rin ng tita ko na kulay pula raw ang suot ng kuya nila nang ito’y namatay.

HULING DALAW

Kakapanganak  pa lang ng tita ko sa isa niyang anak nang mamatay ang Lolo Jose. Nang natutulog daw ang tita ko, nakaramdam siya ng  kakaibang klase ng lamig sa loob ng kuwarto. Para raw siyang naaalimpungatan at nababalisa sa  pagtulog.  Ganoon na lang ang  hilakbot niya nang dilat niya ang kanyang mga mata.  Ang lolo Jose,  nakalutang sa paanan nila ng anak niya…

TSINELAS

Isa pa sa mga nakakakilabot na nangyari noong burol ay nang  makita ng isang tita ko  ang tsinelas ng lolo sa labas ng kalsada. Nang  mamatay kasi ang lolo,  ibinukod ng kanyang mga anak ang lahat ng  mga gamit niya at itinabi sa cabinet.

Hindi niya alam kung bakit nandoon ang tsinelas ng lolo sa gilid  ng kalsada kung saan siya madalas na nagpapahangin kapag gabi noong  nabubuhay pa siya.

 

 

Leave a Reply