LIBRARY

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Romery Peria Flores

Nakatira po ako sa Jamboree at tambayan ko na po ung Library sa loob ng UP. One day bad trip po ako sa bahay kaya nagpasya po akong pumunta sa library para magpahangin.

Naglakad lang ako papunta doon. Inabot na po ako ng gabi at 6 na nga gabi ng marating ko yong lugar. medyo madilim na rin dahil sa hindi maganda ang panahon ng araw na iyon.

Kung galing ka ng Jamboree dadaan ka sa faculty sa right side po. pagdating ko sa Library wala naman masyadong tao. doon ako umupo sa may right side din. noong dumating ako may magkasintahan na nakaupo din doon pero umalis din pagdating ko (naistorbo ko yata).

Hinubad ko yong slippers ko para gawing upuan at sumandal ako sa may haligi. nakayuko at nakatingin sa mga kamay ko habang nag iisip tapos mamaya lang may nakita ako sa gilid ng mga mata ko na couple na paakyat ng hagdan. napansin ko na magkahawak kamay pa sila at dahil wala akong pakialam noon hindi ko na sila tiningnan pa at ibinalik ko ang atensyon ko sa mga kamay ko.

Dumaan sila sa gilid ko at naramdaman ko na tumayo ang mga balahibo sa batok ko parang nabingi ako ang hirap po ipaliwanag.
Habang naglalakad sila, nakatingin lang ako sa mga paa nila. pareho silang nakashort at naka tsinelas at maputik ang legs at tsinelas nila.

Lalong lumakas ang tibok ng puso ko at ang bagal bagal pa nila maglakad then habang palayo sila ng palayo sa akin doon ko na sila napagmasdan ng maayos. ang una kong napansin na lalong nagbigay ng kilabot sa akin ay mga wala silang ulo.

Tapos bigla silang huminto sa paglalakad at naisip kong baka bumalik sila kaya kahit nanginginig ang tuhod ko bigla akong tumayo at tumakbo paalis sa lugar na iyon. Tumigil lang ako sa patakbo ng makarating sa may waiting shed sa faculty at doon ko na rin naalala na naiwanan ko pala ung tsinelas ko kaya nakauwi akong nakayapak.

Leave a Reply