KAT’S UNIFORM

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: John

Ang kuwentong  ito ay naganap sa isang  nursing school sa Makati noong Nobyembre ng 2003. May duty  Kami  ng 6. a.m.  hanggang  2 p.m.  noon.  Pagkatapos  naming  mag-duty, sabay sabay kaming pumunta sa library para naman  mag research. kasama  ko noon  sina  Henry at Kat.

Nasa third floor  ng building  ang library. Inabot  na kami  nang buong  mag- hapon sa pagsasaliksik. Mga  6 pm na at napansin namin na kaming tatlo na lang ang estudyante  sa library. Naroon pa rin  ang librarian  at ang  janitor.  Biglang  lumabas  ng  library si Kat  dahil may tumatawag sa phone niya.  Tamang-tama, tapos  na rin Kami sa  research  kaya sinundan namin si Kat sa labas. Ang pintuan  sa library ay glass door  kaya makikita mo ang mga taong papasok at lalabas.  Nakita ko si Kat na nasa labas ng library, at siyempre, naka white uniform siya. Nakayuko  siya, nakatitig sa kabilang  pintuan na  katapat  ng glass door ng library.  Para bang nagdarasal siya.  Tinitingnan ko siya mula sa glass door  hanggang  sa nagulat  na lang akon nang  biglang bumulaga sa harap ko si Kat. Bibuksan niya ang glass door!  “Hoy! Sinong tinitingnan mo d’yan?”

Hindi ko napansin  na siya pala ‘yung  pumasok sa pintuan. Pero nagtaka ako  nang bigla  na lang nawala ‘yung  babaeng nakita ko  na nakayuko. Sigurado akong si Kat ‘yun dahil nakita  ko ‘yung mukha  at uniform niya.  Parang natutulala ako ng sandali. Hindi ko agad nasagot  ‘yung tanong ni Kat. Sa halip, tinanong ko siya.

” Ikaw ba ‘yung  nandyan sa labas kanina?”

Napaisip siya ng sandali at sumagot, “Hmm, oo…”

Nagulat  na lang ako nang mapansin kong iba pala ‘yung suot na uniform ni Kat.

Sumunod  na araw,  kinuwento ko kay Kat ‘yung nangyari. Takot na  takot si Kat nang marinig  niya ‘yung sinabi ko. Iba naman talaga ‘yung  suot niyang  uniform  kumpara sa uniform ng nakita kong babaeng kamukha niya.  Baka daw  may masamang mangyari sa kanya. Pero ang sinabi ko na lang,  baka  naman ginaya lang siya  ng multo sa school.  Talagang natakot kami sa pangyayaring iyon.

Leave a Reply