KAPITBAHAY

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Jessica Labores

Noong nagwowork pa ako bg freelance para sa isang  ad agency,  madaming events ang na-handle ko. Pero isang event ang hinding-hindi  ko makakalimutan sa buong buhay ko. Ang mga  participants ay nasa kabilang bahay na pala!

Launching ng isang kilalang sequel ng pelikula. Halos isang  buong linggo kaming nasa iba’t ibang location, at ang culmintion ng lahat ng ito ay sa isang mall na located sa probinsya sa south. Hapon na  lang nag-umpisa na kaming magdala ng gamit sa mall at naghihintay ng magsasara ang mall.

Sa mga panahong ito ay nakilala namin si Efren.  Siya sa  isang  guard  na dating panggabi pero nagpadestino sa umaga dahil sa mga  nararanasan niya sa loob ng mall.  Halos wala na nga daw  gustong mag-duty sa gabi  dahil sa mga nakikita  nila.

Ipinakita niya ang  log book kung saan naka-detalye ang mga  pangyayari sa bawat araw.

April 25, 2005

May nakita siyang isang batang na nakaupo  sa isang arcade, Inisip  niya na ang bata ay naligaw  o nakulong sa loob, nilapitan niya ito pero biglang nawala. Hinanap niya hanggang sa pinasok niya ang arcade at  hinalughog ang ilalim ng mga games at rides,  pero wala talagang makita.

August 7, 2005

Nag-rounds  si Efren sa fourth sa fourth floor  ng building nang may kumalabit sa pantalon niya. Sininagan niya ito ng flash light, wala naman  nakikitang kumakalabit pero patuloy pa rin ang paghila.  Bigla siyang hinimatay at namutla na parang papel. Kinabukasan, isang computer shop ang nagreklamo. Nang pumasok daw sila ay puno ng maputik na marka ng paa ang kanilang  sahig.  Ang mga stocks nila, pati ang security locks nila, hindi naman ginalaw.

Sa itaas na shop, nagreklamo din ang stall ng furnitures na puno  rin ng putik ang kanilang mga display, madami ang na-damage pero hindi rin nagkaroon ng problem ang kanilang locks.

Kinagabihan , may isang government inspector na kumukuha  ng footage para sa project nila.  May na-capture silang bata sa isa sa mga  scenes pero wala naman silang nakitang bata sa lugar noong panahon ng shooting.

NOVEMBER 2, 2005

Kakatapos lang ng undas,  unang complain  na nakita  namin sa  log ay  ang isang toy store sa may 3rd floor.  May nakitang bata sa loob ng kanilang stock room.  Nang makita nila,  agad na  inireport nila sa office  pero hindi naman nakita ang bata. Ilang oras  lang, biglang nakita  muli ito sa stock room.  Pinapunta ulit ang mga gwardiya at nasundo ang bata,  pero laking  gulat nila  na kamay  na lang  ang hawak ng guwardiya. Sa bawat log na makita namin puro bata ang nakareport, pero kahit na anong libot  namin sa mall,  hindi wala kaming makitang  any sign ng bata o mga bata.

Nang magsara ang mall, nagumpisa  na kami ng mag set-up  ng mga boots para sa event site. Habang  sine-setup namin  ang booth sa  may harap ng mall,  may isang  babae na lumapit sa amin, tinanong kung  may nakita  kaming isang supot ng grocery na naiwan niya sa harapan  ng mall.

Inisip  namin  na baka isa siyang customer na nagbalik para i-claim ang kanyang grocery. Pinapupunta  namin siya  sa security  office  para malaman niya kung  nasaan  ito dahil after mall hours na.  Nang ilagay ng kasama namin ang panel sa booth,  lumusot dito ang dumadaang  babae at patuloy na lumakad.  Lahat kami  ay nagtaka  sa nangyari dahil  sobrang  solid  ng panel na ito.  Sinundan ko siya at tinanong  kung anong  natatandaan niya sa huling  mga pangyayari sa buhay niya.

Tumigil siya at sinabing binabalikan niya ang kaniyang pinamili sa supermarket, pero kahit anong gawin niya hindi siya umaabot sa lugar na iyon. Napansin ko na hindi pantay ang kanyang likod.

Sa security office hiniram ko ulit ang log book,  nakita ko noong  2005,  may nasagasaang babae sa harapan ng mall, Ang nasa report,  nasagasaan siya ng FX dahil sa mabilis na andar nito. Sa dulong bahagi na ng sasakyan siya nakita , sa may tambutso.

Bumalik ako sa event area, napansin ko na may meeting na nagaganap.  Isa sa mga kasamahan namin ay parang epileptic ang galaw,  nasa sahig siya,  frantic ang shaking.

Agad na nilagyan ko siya ng kutsara sa bibig at tinagilid. Sinabi  ng mga kasamahan ko na hindi naman epileptic si Mandy.  Wala rin  silang nalalaman na may deprensya siya sa utak.

Matapos  ang kanyang  episode,  itinatayo ko siya ng marahan  pero bigla siyang tumayo ng diretso,  at lumakad ng mabilis papunta  sa likod  ng malaking fountain sa gilid ng mall. At umupo siya sa gitna nito.  Pilit namin siyang hinihila  pero sobrang  diin ang kanyang  pagkakaupo. Halos limang tao na ang humihila sa kanya pero hindi namin  siya maitayo.

Tapos biglang  sumigaw siya ng napakalakas, may sinasabi siya  na hindi namin maintindihan.  Nainis na ako dahil alam kong hindi na ito epilepsy.  Nagpakuha ako ng asin at hinalo  sa tubig at binuksan ang  fountain para mabasa siya.  Doon hinimatay siya at agad na sinalo ng  mga security guard.

Agad na dinala  siya sa malapit na ospital,  walang kitang diperensya sa kanya.  Nilabas din siya  agad  at tinanong  kung ano  nangyari sa kanya.  Sinagot niya kami na nakikita lang niya ang kanyang sarili  mula sa malayo, akala niya na ito’y isang panaginip.

Lumalalim ang gabi  at natapos na kami  sa area  namin. Mga 1 a.m.  nang biglang sumigaw ang nasa kabilang  entrance. Dahil nga  sa walang tao sa mall,  narinig  namin kaagad. Pagdating namin sa lugar nakita namin ng isang  duguan na telon.  Sinabi  ng mga nag-aayos, wala namang  tao sa loob ng booths  dahil  tapos na sila. Unti-unti naming binuksan ang telon, nakita namin ang isang babae na halos pugot  na ang  ulo at walang mga limbs.

Nagtakbuhan kaming lahat, hanggang marating namin ang security office.  Tinignan namin ang footage mula sa mga camera pero wala ganu’ng tao sa loob ng booth.  Kahit nang puntahan namin wala  naman tao doon, at malinis na ang lugar.

Kinabukasan, dahil piyesta, inimbitan  kami ni Mang Efren ang sekyu sa gabi,  matapos ang mall hours. Sabi  niya na ang mall  ay dating bare na lugar, walang tao, at walang sasakyan na dumadaan.

Dahil nauna ang industrial zone na tinayo,  madalas na may  mga commuters na dumadaan dito,  kakaunti pa lang ang mga tao doon, kaya  madalas na may napapatay o binabaon dahil sa kakulangan ng pera.  Dinagdag pa niya na  noong ginagawa pa ang mall at ang ibang  building sa tabi nito,  palagi silang nakakakita ng mga multo at mga maligno.  Ang isang maligno daw noon ay sinasabing kumakain ng tao.  May mga karpintero rin na halos mamatay na dahil  sa takot kapag nakikita nila ang kanilang mga gamit na lumulutang. May mga sightings din daw ng mga manananggal.

Pero ang tunay na kuwento daw ay may isang lalaki na galing sa  kalapit na perya ang tumira na sa lugar,  at dahil sa kahirapan, nabaliw  na at pinapatay daw niya ang lahat na dumadaan doon.

May insidente rin na ang lahat ng banyo ay sabay-sabay nag flush.  Pero hindi nila itong masyadong napansin dahil may nahulog na customer sa balcony ng sinehan noong last full  show. May bigla din daw  umupo na babae sa may escalator.

May mga nagpapakita  pa rin sa mall at sa mga katabing stores,  pero sa ngayon wala nang pumapansin sa kanila… sanayan na lang daw  ‘yan.

Leave a Reply