KALULUWA

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Jennyrose Intano Tapel

Hi guy’s, I’m Jhen kuwento ko lang po yung karanasan ko. Pero bago po ang lahat may ask lang po ko sainyo. Puwede po ba makagaya ng katauhan ang isang kaluluwa?

18 years old lang po ko nung nangyare sa akin ito. Isa po kong Sales Lady dati sa Sta. Maria Bulacan. Stay-In po ko sa amo ko kasi gaLing pa po kong Surigao although may pamilya naman ako dito sa Manila.

Sa subdivision po nakatira yung amo ko kaso nakalimutan ko na yung name ng lugar tagal na kasi. May time po kasi na naq bakasyon yung amo ko sa probinsya nila mga 1 week daw sila doon.

Kami na lang po naiwan ni Ate Cielo sa bahay kung baga sa umaga walang tao sa bahay ng amo ko minsan anong oras pa kami umuuwi. May time pa na ako pinapauna ng Ate ko umuwi sa bahay hindi po ko pumapayag kasi una palang may nararamdaman na kong hindi maqanda sa bahay na yun.

Noong malapit ng umuwi Amo ko sabi ni Ate mag-linis daw kami. Nag-linis nga kami ako nag-tanggal ng mga alikabok tapos nakita ko si Cielo na umakyat papunta sa Second floor tapos ang ingay po sa taas yung ang daming gumagalaw na gamit sa taas.

Yung akala mo may nililinis siya talaga ang ingay po pati ng sapatos may may itatanong po sana ko kay Ate Cielo. Kaya umakyat ako sa second floor nagtaka po ko kasi patay po yung ilaw sa hagdanan  binalewala ko lang po.

Tapos ang ingay sa kwarto ginagalaw yung mga gamit sabi ko, “Ate Cielo? sigaw po ko ng sigaw ng pangalan niya hindi siya sumasagot sabi ko sa kanya “Ano ba yan te, bat hindi mo binuksan yung ilaw sa hagdanan? hindi parin siya sumagot pero tuloy parin siya sa pag-lilinis. Tinawag ko parin pangalan niya as in sigaw kasi hindi ako sinasagot.

Doon na po ko nag-taka kasi patay po yung ilaw sa second floor tapos tinawag ko parin si Ate Cielo. Sumagot na po siya yung boses niya po nasa labas kasi nasa labas po pala. sya tapos biglang tumahimik sa kwarto nawala yung ingay. Binilisan ko po yung baba ko sobrang takot po ko kinausap ko po si Ate Cielo.

Me: Ate, andyan ka pala kala ko nasa second floor ka? kasi parang may nag lilinis sa taas eh!

Ate Cielo: Kanina pa ko dito hindi pa ko umaakyat sa taas nag-lalaba kaya ko.

Me: Sino yung nakita kong umakyat sa taas? Alam ko ikaw yun nakita talaga kita

Ate Cielo: Kanina pa ko dito pa tapos na nga ko mag-laba .

Kinuwento ko sa kanya pati siya natakot kasi kahit pala sya nakakaramdam din na palaging may nag lalakad sa second floor.

Kaya sa baba na lang kaming dalawa na tulog.

 

 

 

 

 

Leave a Reply