Itim na Kotse

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Marrylun Villaruz Velos

Gusto ko lang e share ang story na ‘to. Nangyari ito year 2016 nakalimutan ko na exact month niya. Taga Pagadian City po ako belong to Mindanao po siya.

Meron akong 2nd cousin na nagtatrabaho sa mga madre sa Maynila. Umuwi siya noon sa amin kasi naghahanap siya ng papalit sa kanya sa work dahil mag-aasawa na siya. Dalawa kaming mag-pinsan ang kinuha niya.

So, ayon kami po ang pumalit sa pinsan ko. Ang tinatrabahuan ko po is school siya ng highschool and elementary. Ang schoool na yon nasa loob ng subdivision. Medyo may kalakihan talaga siya kasi may dorm din siya ng mga workers and teachers.

May swimming pool, taps sa malapit sa pool ang bahay ng mga madre. 3storey house siya. Sa 1st floor may malaking kitchen and sala. May mini library, 4 rooms at mini chapel. Then, yong 2nd and third floor is may 8 rooms. Lima lang kami nakatira. 3 madre at kaming dalawa ng pinsan ko.

Sunday noon, wala ang mga madre at that time kasi may lakad ata sila. Kami lang ng pinsan ko ang naiwan. Nang araw na ‘yon toka ng pinsan ko ang magluto. Then, ako naman sa linis. Noong time na yon naglilinis ako sa may isang room medyo malapit sa chapel.

Medyo may pagkama-dilim talaga sa room na kasi maliit lang kasi bintana niya tas isa lang din. Dagdagan mo pa ang kulay ng kwarto kaya kahit naka-on yong light dim pa rin siya. Sa room na yon kaharap niya ang mini library.

Sa may bintana makikita mo ang garden sa likod. Nagwawalis ako noon kaya nakayuko ang ulo ko. Hindi naman ako nag iisip ng nakakatakot at that time kasi sanay na rin ako sa atmosphere ng bahay dahil naka-ilang month na rin ako.

Tahimik lang ako noon ng may bigla akong narinig na humaharurot na sasakyan. Pag angat ko ng ulo nakita ko isang itim at bagong sasakyan. Dumaan sa tahimik na highway sa side ng highway is nagtataasang puno.

Pag blink ko ng mata ko wala ng yong itim na sasakyan din wala na rin yong highway ang nakikita ko na is yong garden sa likod. Kwenento ko ito sa pinsan ko ang sabi niya baka sinusundo daw ako ng engkanto.

Hindi naman ako naniniwala kasi medyo may pagkamadaldal kasi ako at maingay. So imposible namang may magkaka gusto sa akin na engkanto. Pero alam ko minsan talaga nag oopen talaga ang third eye ko.

Leave a Reply