HOUSE FOR SALE

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Alvin Caña Delos Reyes

Ito ang kwento ng isang pamilya tungkol sa bahay na kanilang nabili sa San miguel bulacan. Halina’t subaybayan ang kanilang storya.

Ako si fredo 33 taong gulang at nakatira sa san mateo rizal. May tatlo akong mga anak at walang asawa nagkahiwalay kami sa kadahilanang nagkaroon ito ng iba. Napag desisyunan ko na ibenta ang aming bahay sa san mateo rizal at maghanap ng ibang malilipatan. Isang araw tumawag ang aking kaibigan na nag-aalok ng isang bahay sa San miguel bulacan.

Agad akong nakipag-usap sa kanya sabi ko pare kamusta napatawag ka. Sabi nya pare may iaalok akong bahay sayo dito sa bulacan nagpapahanap kasi ang may ari sakin ng bibili ng bahay at naisipan agad kita tawagan. Sabi ko oh sige pare may kamahalan ba ang presyo nyan hindi ba binabaha dyan sa lugar at tahimik ba ang lugar na yan? Ika ko sa kanya.

Sabi nya oo pare maganda naman dun at siguradong magugustuhan mo mura lang ibenebenta ang bahay sayang yun minsan ka lang makakahanap ng ganun na bahay at maganda pa ang lugar. Sabi ko ok sige puntahan natin ang lugar at agad kong makita. ( Pinuntahan na nga namin ang bahay sa bulacan ) Natunton namin ang bahay at bumungad sakin ang isang malaking bahay hindi ako makapaniwala na ang ganda ng bahay pero binebenta sa murang halaga. agad kong napag desisyunan na bilhin ito.

Sabi ko sa mga anak ko mga anak may bago na tayong malilipatan maganda ang bahay tiyak na mugugustuhan nyo ito. Sabi nila oh sige po papa lumipat na tayo dun para rin makapag simula ng bagong buhay. Lumipat na nga kami sa bulacan kasama ang aking mga anak na si Ernesto, Aryan at Rafael.

Pag dating namin sa bahay laking gulat nung tatlo sa nakita nila at ang sabi WOW! ANG GANDA NAMAN NG BAHAY NATIN MASAYA DITO TAHIMIK ANG LUGAR. Kaso sabi ng aking panganay na si ernesto papa parang may kakaiba sa bahay wala kabang napapansin halos tayo lang mag isa dito at ang lalayo ng kapit bahay tapos wala man lang mga poste ng ilaw ang makikita at ang lalayo ng iba. Puro katabi natin ay bakanteng lote lang. Sabi ko ayaw mo nun tahimik ang lugar malayo sa kaguluhan.

Sabi ni ernesto hmm basta papa parang iha pakiramdam ko sa bahay nato. (Naglinis at inilagay na nga namin ang mga gamit namin sa loob ng bahay) Yung oras na ng hapunan bandang mga 7pm kumakain kami lahat sa kusina biglang may kumatok sa pintuan ng bahay. Sabi ko fael buksan mo nga ang pinto baka ung kumpare ko yan.

Agad namang binuksan ni rafael ang pinto at laking gulat nya na walang tao sa labas kinabahan siya agad tong tumakbo sakin. Sabi papa wala naman tao sa labas sabi ko ha eh lakas ng katok narinig nyo naman diba paanong walang tao!? Hindi na nga namin pinansin yung gabing kumakain kami. Bandang 12pm habang nanonood ako ng tv sa taas ang nagpapaantok maya maya may narinig ako sa baba na parang may naghuhugas ng mga plato agad akong bumaba at pagsindi ko ng ilaw nagtaka ako bakit ang gulo ng mga pinggan eh katatapos lang maghugas ng anak ko na si aryan.

Ginising ko si aryan sabi ko huy gising nak. Sabi ni aryan bakit papa antok pako. Sabi ko diba naghugas ka hindi mo man lang inayos yung mga plato sa lababo naka tambak dun lahat at kalat kalat. Sabi ni aryan ha!? Eh inayos ko yun lahat nilinis ko pa nga yung lababo at lamesa tapos sasabihin nyo sakin nakakalat? Alam nyo naman po ako pag naglinis wala kayo masasabi ika ng anak ko.

Napagtanto ko na totoo naman sinasabi ng aking anak pero gumugulo sa isip ko bakit nagkalat iyon eh lahat naman kami ay nasa taas na ng bahay. Pumasok sa isip ko baka pinasok kami ng mga mag nanakaw. Agad akong bumaba at chineck ang mga padlock pero pinagtaka ko na nakalock naman mabuti ang pinto at ang gate paano makakapasok ang magnanakaw dito.

Bumalik ako sa taas at pinagpatuloy ang panonood gang sa ako’y nakatulog. Pag gising ko ng umaga agad kong nilinis yung mga plato na nagkalat at lumabas ng bhay para bumili ng pandesal. Pag labas ko sabi sakin ng nagpapandesal na naka bike. Kuya ito na po yung inorder ng asawa nyo sakin. Sabi ko ha!? Eh kalalabas ko lang at wala akong asawa na nakatira dito paanong oorder sayo niloloko mo ba ako!? Sabi nya po? Eh umorder sya nakausap ko pa nga nakaitim na damit at parang may edad na nasa 50 pataas.

Pumasok ho dyan sa loob ng bahay nyo sabi sakin maghintay daw ho ako. Sabi ko walang ibang tao dito sa loob ng bahay ako lang at ang aking mga anak at natutulog pa sila paanong may papasok dito eh nakalock ang pinto namin. (nakita nya na hawak ko pa ang padlock ng gate namin) Sabi ko oh ito padlock kalalabas ko lang ng gate. Sabi nya sigurado ho kayo!? Sabi ko oo siguradong sigurado.

Agad umalis ang binatilyo at mukang nabadtrip sakin. Pinagtataka ko lang wala naman talaga ibang tao dito bat nya sasabihin umorder ang asawa ko at matanda pa. Pag pasok ko sa loob at muling nilock ang gate namin. Nakita ko si ernesto na bumaba sa hagdan mukang mag babanyo.

Pag pasok ni ernesto sa banyo naisipan kong biruin at takutin hilig ko tlaga gawin sa mga anak ko yun dati pa. Kumatok ako sa pinto tatlong beses at sabay tago sa likod ng upuan. Nagtaka ako bakit hindi man lang nagsalita si ernesto. Inisip ko baka dina natatakot tong anak ko alam nya binibiro ko. Muli akong kumatok ng malakas tatlong beses ulit sabay tago sa likod ng upuan.

Sabi ko walang nagsasalita? Kinabahan ako baka ano na nangyari sa anak ko sa loob ng banyo baka nagpakamatay! Agad kong tinadyakan yung pinto! Laking gulat ko na walang tao sa loob ng banyo at nakita ko pababa palang si ernesto! Sabi hoy bat wala ka sa banyo kinakatok kita!? Pababa ka palang dyan? Sabi nya opo pa kagigising ko lang bakit po? Eh akala ko pumasok ka dito sa banyo para mag cr niloko kita kinatok kita sa loob pero wala nagsasalita kaya binuksan ko yung cr para tignan ko, tapos kabababa mo lang dyan.

Kinilabutan ako kasi kitang kita ng dalawang mata ko si ernesto na pumasok sa banyo. Sabi ni ernesto hay papa anu ano na nakikita nyo kakapuyat nyo yan kaya ganyan kayo hahaha patawa nyang sinabi sakin. Sabi ko siguro nga nak antok pa ata ako sige na maligo kana akyat muna ako sa taas nasa lamesa na yung pandesal kumain kana dyan at tirhan mo na lang yung dalawang kapatid mo.

Maya maya biglang sumigaw si aryan PAPA! PAPA! agad akong umakyat sabi ko bakit anak ano ang nangyari!? Sabi ni aryan papa may nakita akong babae na nakaitim sa tabi ni rafael hawak hawak yung ulo nya!!! Sabi ko wala naman asan!? Nandun kanina babaeng nakaitim umiiyak habang sinasabi sakin.

Sabi ko asan asan? Fael! Fael! Gising na si aryan umiiyak may nakita daw syang babaeng nakaitim sa ulohan mo. Sabi ni fael po? Wala naman humahawak sakin Sabi ni aryan meron fael babaeng nakaitim nakita ko. Sabi ko aryan anak baka nananaginip kalang kaya nasabi mo yan at sumigaw ka. Wala naman mga ganyan dito ganda ganda ng bahay natin eh wag kana mag isip ng ganyan ah tahan na nak. Sabi ni aryan opo papa.

Agad kong pinababa ang dalawa sa sala para kumain ng almusal at para mahimasmasan si aryan. Lumipas ang isang buwan muling tumawag ang kumpare ko sakin. Sab ko oh pare napatawag ka? Sabi nya pare san na kayo nakatira ngayon bat umalis kayo sa bulacan? Sabi ko ha!? Eh nandito parin kami at hindi kami umaalis ng bulacan noh loko ka haha.

Sabi nya hindi nga pare!? Kasi nung pupunta sana ako dyan para bisitahin ka hindi ko natunton yang bahay nyo wala akong nakitang bahay dyan inisip ko giniba yung bahay nyo ewan ko parang naliligaw ako pero tama naman yung address nyo eh siguro naligaw lang ako matagal na kasi yung huli kong punta dyan eh.

Sabi ko oo nga siguro pag pupunta ka dito text mo ako para sunduin nalang kita sa kanto at makapunta ka dito shot tayo minsan dito pare. Sabi nya ok sige pare sa sabado wala akong pasok punta ako dyan. Sabi ko ok sige asahan kita pare. ( Hindi nagtagal at pumunta na nga ang kumpare ko sa bahay) Sabi nya wow talagang ang laki ng bahay mo pare kakainggit ka naman.

Sabi ko hehe sakto lang naman at swerte ko rin nalipat kami dito. Pagpasok namin sa loob ng bahag biglang napailing ang kumapare ko sabi ko bakit pre? Sabi nya may nakita kasi ako sa kusina sino yun? Sabi ko sino naman nakita mo? Ako lang tao dito wala pa mga anak ko nasa galaan pa. Sabi nya may nakita akong nakatayo sa kusina pre! Sabi ko wala ngang tao dito anu ano pinagsasabi mo hay nako inom na lang tayo. (Nag inom na nga kaming dalawa sa sala) Sabi ng kumpare ko pare alam mo naba yung balita na nagpakamatay daw yung may ari nitong bahay yung nagbenta sayo si mr.chan? Sabi ko weh diko alam wala akong nasasagap na ganyang balita.

Sabi nya nagpakamatay daw kasi nakita sya nung kapatid ko na para daw nababaliw sa daan ewan ko nga diko maintindihan eh nabaliw agad eh yaman yaman nun tsaka walang problema bat sya mababaliw. Sabi ko kaya nga marami atang negosyo yun eh tsaka kaya binenta nya tong bahay siguro marami naman syang negosyo at barya nalang sa kanya tong bahay kaya binenta ng murang halaga.

Maya maya biglang dumating ang tatlong magkakapatid. Sabi ko oh san kayo galing mukang sasaya nyo. Sabi ni ernesto namasyal kami sa mall papa naglibang boring kasi dito sa bahay walang ibang mga tao. Si victor nga pala kumpare ko anak sya nagturo dito sa bahay kaya nabili natin. Ito nga pala ang anak ko na panganay pare si ernesto.

Sabi ng kumpare ko ah ka gandang lalaki maraming paiiyakin yan. Pabiro nyang sinabi. At biglang may sumigaw sa taas si aryan nanaman. PAPA! agad kong inakyat sabi ko bakit nak? Sabi ni aryan papa si fael nakita ko sa salamin walang ulo! Sabi ko nak wag ka magbiro ng ganyan hindi magandang biro yan! Sabi ni aryan papa hindi ako nagbibiro nakita ko po! Sabi ko kay fael, fael baliktarin mo damit mo oh hubarin mo wag kang lalabas ng bahay kahit anong mangyari ha!? Sabi ni fael opo papa. Agad akong bumalik sa baba para balikan yung kumpare ko. Sabi ng pare ko. Pare bakit ano nangyari? Si aryan ung babae kong anak nakita si fael sa salamin wala daw ulo! Sabi nya hala kakilabot naman nyan pare wag mo paaalisin yung anak mo gat maaari.

Sabi ko oo nga pare masamang pangitain daw yung mga ganyan. (Di nagtagal natapos ang inuman namin at umuwi ang kumpare ko) Sabi ko pare mag iingat ka ah dahan dahan sa pagmamaneho. Sabi nya ako pa pare kahit lasing ako nakakauwi ako sa bahay namin. Sabi ko oh sige na basta mag iingat dahan dahan.

Naka alis na nga ang aking kumpare biglang mat tumawag sa cp ko. (VICTOR TUMATAWAG) Sabi ko oh pare bakit. Sabi nya may nakita ako sa taas ng bahay nyo babaeng nakaitim diko alam kung sino yun! Sabi ko haha pare lasing kana nga mag iingat ka loko toh takutin pa ako. Kinabukasan ng umaga habang naglalaba si ernesto sa banyo may narinig syang parang naghuhugas ng mga plato sa lababo sabi nya ano kaya yun pagkita nya gulo gulo nanaman ito.

At biglang gumalaw ang upuan sa lamesa. Napatakbo si ernesto at umakyat sa taas sa sobrang kaba nag sounds daw sya ng malakas para mawala ang takot sa nakita. Sabi nya kay aryan. Yan2x samahan mo nga ako sa baba maglalaba lang ako. Sabi ni aryan bakit laki laki mo na kuya papasama kapa sakin. Sabi ni ernesto may nakita kasi ako sa baba yung upuan sa lamesa gumalaw tapos yung mga plato parang may naghuhugas diko nakikita! Sabi ni aryan sige na nga kuya basta bilisan mo ah tatakot din kasi ako.

 

Leave a Reply