HOSPITAL

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Ica Torres

Naconfine ako for 1 week sa PGH nung March. It was a semi private room 6 kaming patients sa loob. Ok yung kuwarto dahil magaan yung aura saka madaming kasama. Kaso kung gaano kagaan yung atmosphere sa room, kabaligtaran naman sa CR.

On my 5th night, papasok ako ng cr. Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan nagulat si Mama dahil napahinto ako sa labas nung pinto. Siya yung nagbukas ng ilaw sa loob ng cr, nagpasama ako sa loob. Malaki naman yung cr and magkahiwalay yung cubicle para sa shower and toilet.

Paglabas namin saka ako nag kwento kay mama.

Pagbukas ko kasi ng pinto, may taong nakaluhod sa loob ng cubicle ng toilet, nakaharap siya dun sa inidoro at nakayuko, mahaba yung buhok.

Sabi ni mama, ramdam na rin daw niya na parang lagi siyang may kasama sa loob kahit siya lang mag isa hindi lang siya nag kwento dahil ayaw niya ko matakot.

Narinig nung asawa nung pasyente sa katabing bed ko yung nangyari nakwento niyang nakita din nga daw niya yung nakita ko.

After nun hindi ko na yun ulit nakita pero everytime na magsa-shower ako, naririnig akong may tao sa kabilang cubicle.

Nakalock yung pinaka main door ng cr and ako lang yung tao.

 

Top of Form

Bottom of Form

 

Leave a Reply