HAUNTED NUMBER (666-66-66)

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Mickoy Villabona Patacsil

Noong 80’s and 90’s may kumalat na landline number na talagang pinag-usapan sa mga opisina, eskwelahan at pati mga tsismosa ay pinag-usapan ang numerong ito. Nabalita pa nga ito sa telebisyon noon.

Hindi pa uso ang cellphone noon kaya landline ang gamit ng tao para sa mabilis na usapan. Kung narinig nyo dati ang numerong 896-66-66 ay talagang makyu-curious ka kung ano ang meron sa numerong ito, at isa ako sa mga tao na talaga naman na curious sa kung anong meron dito.

Miguel nga pala. First year high school ako noon ng maranasan ko ang isang kakaibang karanasan tungkol sa landline number na iniabot sa akin ng kaklase ko. Isang landline number na di ko makakalimutan sa isipan ko.

Kumalat ang isang landline number noon 1991, Sabi nila pagtatawagan mo daw ang numero na ito panigurado na hindi mo makakalimutan ang mangyayari.

“Subukan mong tawagan Migs may telepono naman kayo di ba? Huwag mong sabihin na natatakot ka Pare!” Pangungutsa sa akin ng barkada ko na si Aldrin.

“Ano ba kasi ang meron dyan Pare?” Tanong ko sa kaklase ko

. “Dapat daw tatawag ka sa numero na yan ng alas-tres ng madaling araw. Una busy yang linya tapos pag nakailang dial ka na sabay magri-ring daw yan at may sasagot sayo. Pakingan mo lang daw ang nangyayari sa kabilang linya at huwag ka daw magsasalita kapag tanungin ka kung sino ka.” Sabi nito.

“Bakit? Ano bang mangyayari sayo pag sinabi mo pangalan mo pag tanungin ka kung sino ka?” Tanong ko kay Aldrin.

“Yan ang hindi ko alam pare. Tinawgan ko na yang numero na yan at talagang matatakot ka sa mga maririnig mo.” Sagot nito s akin.

Araw ng Huwebes kasagsagan ng bagyong Uring noon kaya kanselado ang mga pasok sa lahat ng antas pati ang government and private offices ay kanselado na din. Mataas na din ang tubig baha sa mga lansangan ng Metro Manila ng panahon na yun.

Kasagsagan din ng brownout ng mga panahon na yun. Pagkatapos maghapunan ay pinag-prepare na kami ng Mama namin na matulog na. Habang nakahiga na ako sa aking kama ay maririnig mo ang ugong ng lakas ng hangin sa labas at lagislis ng malakas na ulan at sabayan pa ito ng mga nakakatakot na malalakas na kulog na may kasamang kidlat.

Malamig naman ang panahon pero sadyang di ako makatulog dahil sa kakaisip sa numero na ibinigay sa akin ni Aldrin. Tulog na tulog na ang kapatid ko na babae sa kama niya at pati Mama ko ay tulog na din. OFW ang Papa ko sa Saudi kaya every 2 years ito umuuwi ng Pilipinas. Nakaidlip na ako ng biglang kumulog ng napakalakas at ako’y nagising ng tingnan ko sa wall clock ang oras 5 minutes to 3:00 AM.

Agad kong kinuha sa bulsa ng aking school bag ang kapirasong papel na iniabot sa akin ni Aldrin kung saan nakasaad ang numero. Dahan-dahan akong bumaba sa sala kung saan naroon ang telepono. Bitbit ang battery operated na emergency light ay inilapag ko ito katabi ng telepono. Lintik naman kasi na bagyong ‘to dose oras na atang walang kuryente.

Iniangat ko ang handset ng telepono at sinimulang i-dial ang pitong anim sa dial pad ng telepono. Exsaktong alas-tres ng madaling araw ng i-dial ko ang numero. Busy ang kabilang linya, sinubukan kong ulit i-dial ganun pa din busy pa din.

Sa pangatlong pagkakataon na dinayal ko ang numero ay biglang nag-ring ito. Isa, dalawa, tatlong ring na walang sumasagot.. hanggang umabot ng ika-lima, anim, pito, walo, siyam at sa pang sampu na ring ay biglang may sumagot sa kabilang linya!

“Hellllooooo!!!!! Hellllooooo!!!!! Tulungan nyo kami!!!! Tulong!!!!” Sumisigaw ang boses ng isang babae sa kabilang linya habang may nag-iiyakan at nagsisigawan sa background nito.

“Huwag!!! Huwag ang anak ko!!!! Parang awa mo na!!!” Pagmamakaawa nito sa kausap niya.

“Ma!!!! Tulong!!!! Ahhhhhhhhhh!!!! Sigaw ng isang babae sa background sabay malakas na tunog ng baril!

“Asan ang anak mo na lalake ha! Mga walang hiya kayo na pamilya ngayon uubusin ko kayong lahat! Ibaba mo yang telepono!” Sigaw ng isang lalake.

“Huwag!!!! Huwag mong kunin ang telepono sa akin!!!” Sigaw ulit ng babae habang magulo ang linya dahil siguro sa nag-aagawan sila sa telepono.

“Ayaw mo bitawan ang telepono ha sige ito!!! Ayan!!! Isaksak mo sa baga mo ang telepono!!!” Sigaw ng lalake habang ang babae naman ay umuungol na parang sinasakal!

“Mamatay ka dyan sa telepono kasama ang kausap mo!” Sigaw ng lalake.

“Andyan ka lang pala nagtatago na bulinggit ka! Halika dito!” Sigaw ulit ng lalaki habang parang may kinakaladkad ito na tao.

“Huwag po Mang Domeng! Huwag po! Maawa po kayo sa akin! Huwag po Mang Domeng!!!” Boses ng isang batang lalake na nagmamakaawa at sabay umalingaw-ngaw ulit ang tunog ng baril.

“Don Juancho magpakita ka na at patay na ang mag-iina mo! Humarap ka bilang lalake! Huwag ka ng magtago dahil mahahanap din kita dito! Hayop ka ginahasa mo ang asawa ko at ang anak kong babae at pinapatay mo pa sa mga tauhan mo! Kaya pala inutos mo na ipagmaneho ko ang pamilya mo papunta ng Baguio noong araw na yun dahil may masamang balak ka sa pamilya ko! Hayop ka!” Sigaw ng isang galit na galit na lalake!

“Andyan ka lang pala ha!” Sigaw nito ulit at tatlong putok ng baril ang aking narinig. Natatakot na ako ngunit kahit anong pilit ko na tangalin ang handset ng telepono sa aking tenga ay sadyang para itong nakadikit sa aking mga tenga. Naiiyak na ko sa aking mga naririnig.

“Hello! Hello! Sino ‘to? Anong pangalan mo?!? Magsalita ka!” Tanong ng lalake sa akin sa kabilang linya. Hindi ako nagsasalit ng dahil na din siguro sa takot.

“Huwag kang magkakamali na sabihin ‘to kahit kanino kung sino ka man na nasa kabilang linya dahil buhay mo ang kapalit! Babalikan kita at uubusin ko ang buong pamilya mo at sisigurduhin ko na mamamatay ka!” Banta sa akin ng lalake at sa bigla na lang akong nakarinig ng isang napakalas na putok ng baril at sabay naging busy na ang kabilang linya.

Sa takot ko ay dali-dali kong inilapag ang handset sa telepono at tumayo na ako at binitbit ang emergency light. Dahan-dahan akong umaakyat sa hagdan para walang makarinig sa akin. Malapit na ako sa kwarto namin ng may naaaninag ako na isang lalake na nakatayo sa may pintuan ng kwarto namin. Tumaas ang aking mga balahibo at sadyang di ako makahakbang ng dahil na din sa takot ko.

Biglang namatay ang emergency light na bitbit ko at agad ko itong binubuksan sa power button nito ng tignan ko ubos na ang battery ng emergency light! Napako ako sa aking kinatatayuan at ramdam kko ang unti-unting paglapit ng lalaki sa akin.

Habang papalapit eto ay naaamoy ko ang masangsang na amoy ng dugo. Ngayon ramdam ko na ang kanyang hininga sa aking mga pisngi! Sabay may ibinulong ito sa akin!

“Nagustuhan mo ba ang inyong mga narinig? Gusto mo din ba maranasan ang ginawa ko sa mga hayop na yun?” Pagbabanta nito. Umiiyak na ako sa aking kinatatayuan ng dahil sa takot naramdaman ko na parang may baril na nakatutok sa akin ulo!

“Patay ka pagbilang ko ng tatlo.. Hahahahaha… Isa……. Dalawa….. Tat……” Sabay naputol ang kanyang pagbibilang at pagmulat ko sa aking mga mata ay may ilaw na at nakatayo sa harapan ko ang Mama ko.

“Anong nangyayari sayo at bakit ka umiiyak ha? Bakit gising ka pa?!? At bakit basa yang pajama mo? Bakit ka umihi dito!” Sunod sunod na tanong nga akin Mama sa akin. Sa takot ko niyakap ko na lang ang mama ko at sinabing nanaginip ako ng masama at baka nag-sleep walk ako.

“Miguel anak gumising ka bilis!” Gising sa akin ng Mama ko. Mag-a-alas dyes na ng umaga ng tignan ko ang oras sa wall clock sa kwarto naming magkapatid.

“Malakas pa din ang hangin at ulan sa labas ng dahil sa bagyo. Agad akong bumaba sa sala at may kausap ang aking Mama sa telepono.

“Anak, gusto ka daw makausap ng Mommy ni Aldrin.” Wika nito sa akin. Iniabot sa akin ni Mama ang handset ng telepono.

“Helo..” Sambit ko. “Hello Miguel.. Wala na si Aldrin.. Patay na ang kaibigan mo.” Sabay hagulgol na ang narinig ko sa kabilang linya.

“Ano pong nangyari?” Tanong ko habang nangingilid ang aking luha.

“Noong nakaraang araw may lalake na tawag ng tawag sa kanya dito sa telepono namin sa bahay. Lagi siya ang hinahanap. Pag siya na ang sumasagot sabay nakikipag-away si Aldrin sa kausap. Minsan ng tumawag ito at pinakingan ko sa extension ang usapan nila pati ako natakot sa mga pagbabanta ng lalake na kausap niya. Sabi niya alam daw niya ang pangalan ng anak ko.. Paulit ulit nya ‘tong sinasabi at dahil nalaman daw niya ang pangalan ng anak ko ay humanda ito at isusunod na daw niya sa hukay ang anak ko.” Pagppaliwanag nito sa akin.

“May numero bang ibinigay sayo si Aldrin Miguel ng huli kayong nag-usap?” Tanong nito sa akin.

“Opo, haunted number daw po yun.” Sagot ko sa ina ni Aldrin.

“Diyos ko! Huwag na huwag mong tatawagan ang numero na yun ha! Noong nakaraan na anim na buwan namatay ang Uncle ni Aldrin dahil tinawagan daw ang numerong yun. Kaya may duda ako na di lang sa bangungot namatay ang anak ko. Nakakagulat na may bala sa loob ng ulo ng anak ko ayon sa autopsiya. Wala naman tama ng baril ang ulo nito pero paano nagkaroon ng bala sa loob ng ulo ng anak ko. Sa Uncle naman niya may natagpuan din na bala sa baga nito ng inotopsiya. Kaya kung ako sayo Miguel itapon mo ang numero na yan!” Sabi sa akin ng Ina ni Aldrin.

Pagkatapos namin mag-usap ay nagpaalam na ako sa kausap ko sa kabilang linya. Pagkababa ko ng headset ng telepono at pagtalikod ko ay nakatayo sa harap ko ang Mama ko at hawak-hawak ang kapiraso na papael na nakasulat ang haunted number.

“Ano ito Miguel?!?” Galit na tanong sa akin ng Mama ko

“Ito ba ang sinasabi ng Mommy ni Aldrin na Haunted na number ha?!? Magsalita ka!” Pasigaw na tanong sa akin ni Mama.

“Opo Ma, iyan po yung haunted na number na ibinigay sa akin ni Aldrin.” Pagpapaliwanag ko sa aking ina.

“Tinawagan mo ba ito kagabi ha?!? Tinawagan mo ba ‘to?” Tanong muli nito sa akin.

“Opo Ma. Sorry po Ma na curious po kasi ako..” Sabay umiyak na ko sa harap ng aking Mama.

“Diyos ko anak alam mo ba ang ginawa mo? Alam ko ang numero na ‘to ito yung napabalita sa News noong isang lingo. Na pag tinawagan mo daw ang numer na ‘to at pag tinanong ka ng kausap mo kung sino ka at pag sinabi mo ang pangalan mo eh kamatayan ang kapalit! Sinabi mo ba ang pangalan mo?!?” Pag-aalalang tanong sa akin ni Mama.

“Hindi po. Hindi po ako nakapagsalita dahil po sa sobrang takot ko po.” Sagot ko sa aking ina.

“Salamat sa Diyos at di mo binangit ang pangalan mo.” Sabay niyakap ako ng aking ina.

Makalipas ang isang lingo at libing ni Aldrin ay ginawa ko mag research tungkol sa haunted number na 666-66-66. Sa mga pagtatanong tanong at pangangalap ng mga impormasyon ay natagpi-tagpi ko lahat ang pangyayari. Isang mayaman na negosyante at minero si Juancho Rodriguez, anak ng mayamang real estate investor and broker.

Ang asawa naman nito na si Eleonor Bitas-Rodriguez and isang haciendera sa Bacolod na nagmamay-ari ng hecta-hectaryang tubohan. Binayayaan sila ng dalawang anak ang panganay nito na si Lucille at ang bunso na si Paulo.

May family driver sila na si Domingo Almazan kasing edad lang din siya ni Juancho. Matagal na naninilbihan bilang driver si Domingo aka Doming sa pamilya.

Magkaibigang matalik ang tatay ni Juancho at Domingo. Pinautang ng ama ni Juancho ang tatay ni Domingo ng malaking halaga ng pera para makapagsimula ito ng sariling negosyo.

Noong una’y napalago nito ang kabuhayan ng pamilya pero ng kamalaunan ay unti unting naubos ang kayamanan nito ng dahil sa bisyo, babae at sugal at nalugmok ito ng utang sa tatay ni Juancho, kaya ang kabayaran ay maninilbihan si Domingo sa pamilya ni Juancho.

Nang magsimulang manilbihan si Domingo sa pamilya ni Juancho ay naging matalik na silang magkaibigan. Sabay silang nagbinata at sabay din umibig sa iisang babae na si Juanita. Kaklase nila ito sa kolehiyo. Dahil sa parehas ang kurso ni Juancho at Domingo sabay sila pumapasok at umuuwi at sabay din nila inibig ang dalaga.

Dinaan nila sa panliligaw at panunuyo ang dalaga lahat ng materyal na bagay at mamahalin tsokolate at alahas ay inireregalo ni Juancho sa dalaga habang si Domingo naman ay bulaklak lamang sa hardin ang iniaalay nito. Dumating ang panahon na namili ang dalaga at pinili nito ay si Domingo. Simula noon ay kinimkim na ni Juancho ang galit kay Domingo.

Nang dahil sa ingit at galit ni Juancho kay Domingo ay gumawa ito ng paraan na ma-expelled sa pinapasukang kolehiyo at sinadyang hindi patapusin sa pag-aaral. Umalis si Domingo sa mansion nila Juancho at itinanan si Juanita at sila’y nagpakasal na lalong ikinagalit ni Juancho ng malaman ito.

Nangupahan sila Domingo at Juanita ng maliit na kwarto hanggang magdalang tao si Juanita at isinilang ang kanilang panganay na anak na si Carmen. Ipinagkasundo si Juancho at Eleonor ng kanilang magulang at ipinakasal, kahit labag sa loob ni Juancho ay wala siyang magawa. Lumipas ang ilang taon at nagkaroon na din ng mga anak si Juancho kay Eleonor.

Dahil sa hirap ng buhay ay naisipang bumalik ni Domingo na manilbihan kay Juancho bilang driver. Tinanggap naman siya ulit ni Juancho dahil may ibang balak pala ito. Isang araw napagpasyahan ni Eleonor na magpunta sa Baguio kasama ang mga anak at asawa ngunit tumangi si Juancho sumama dahil sa madami daw itong aasikasuhin sa opisina.

Kaya inutos nito kay Domingo na samahan ang kanyang mag-iina. Walang magawa si Domingo kung hindi pumayag sa utos ng amo. Araw ng umalis sila papuntang Baguio ay isinagawa ni Juancho ang plano nito. Pinadukot nito si Juanita at si Carmen sa mga tao nito at dinala sa isang abandonadong warehouse.

Doon ay paulit-ulit na hinalay ni Juancho si Juanita at pati ang anak nito na si Carmen. Pati ang anim na tao nito ay inutusan din na halayin si Juanita at si Carmen habang pinapanood niya ang mga ito.

Hindi pa nakuntento ay ipinatali niya ang mag-ina na naka hubad at sinabuyan ng gasolina at sinilaban ito. Ngunit ang hindi nila alam ay may mga matang nakamasid sa kanila ginawa. Ang isa pang driver ni Juancho na si Gabo. Nang dahil sa mga nakita ay agad itong umalis sa warehouse at iniwan ang amo.

Pagbalik ni Domingo galing sa Baguio ay agad itong nagpasyang umuwi sa kanila upang makasama ang kanyang mag-ina, ngunit isang mapait at masakit na balita ang sumalubong sa kanya. Ipinagtapat lahat ni Gabo ang ginawa ni Juancho at ng mga tauhan nito sa kanyang mag-ina. Pinuntahan nila ang warehouse kung saan ginawa ang kahalayan at pagpatay sa kanyang mag-ina ngunit malinis na malinis ang lugar na parang walang nangyaring krimen dito.

Sinubukan nilang hinanap ang labi ng mag-ina ngunit hindi nila ito natagpuan kasama ang mga pulis. Sinampahan ni Domingo ng kaso si Juancho ngunit nakalaya din ito dahil sa mga hindi sapat na ebidensya maski tumistigo pa si Gabo sa kaso. Ngunit sadyang napapaikot ng pera ang hustisya dito sa Pilipinas. Sa sobrang galit, poot at hinagpis ay napuno ang pasensya ni Domingo.

Isang gabi habang bumabagyo at walang kuryente ay pinasok ni Domingo ang tahanan ni Juancho. Inagawan ng baril ang gwardiya ng mansion at pinaputukan ito sa dibdib. Dahil sa narinig na putok ay nataranta ang mga nasa loob ng bahay. Pagkapasok ni Domingo sa bahay ay binaril din nito ang mga katulong at ang dalawang tauhan ni Juancho.

Sa sobrang takot ng mag-anak ay nagtago ang mga ito. Si Juancho sa kanyang opisina. Si Eleonor naman at ang mga anak ay nasa sala ng mga panahon na iyon pinatago ni Eleonor ang bunso na si Paulo sa loob ng isang malaking cabinet at si Lucille naman ay sa ilalim ng sopa. Tinutukan ng baril ni Domingo si Eleonor habang nagllakad si Eleonor papunta sa telepono.

Nang makalapit si Domingo kay Eleonor ay agad nitong itinali ang mga kamay at paa ng dala nitong wire at habang tinatalian nito si Eleonor ay nakita nito si Lucille sa ilalim ng sopa agad niya itong hinila palabas ng sopa, hinubaran at walang humpay na hinalay.

“Hayop ka Doming! Hayop ka! Huwag ang anak ko! Huwag ang anak ko!!!” Sigaw na pagmamakaawa ni Eleonor habang hawak nito ang headset ng telepono at pilit na dumadial ng numero para makahingi ng tulong. Pagkatapos gahasain ni Domingo ang panganay na anak ni Juancho ay ipinakita nito kay Eleonor ang pagbaril sa ulo si Lucille.

“Ibaba mo yang telepono!” Sigaw ni Domingo kay Eleonor ngunit nagpang abot sila nito hanggang isinakal ni Domingo ang wire ng telepono sa leeg ni Eleonor ng mahigpit hanggang hindi na ito nakahinga at pagkabagsak ni Eleonor ay hinalay din ito ni Domingo! Kitang kita ni Juancho ang lahat ng ginagawa ni Domingo sa kanyang pamilya mula sa opisina nito.

Pagkatapos halayin ni Domingo si Eleonor ay binaril din niya ito sa dibdib. Habang inaayos ni Domingo ang sarili ay may narinig itong kalampag mula sa malaking cabinet at pagbukas niya ay andun ang bunsong anak ni Juancho na si Paolo.

“Andyan ka lang pala nagtatago na bulinggit ka! Halika dito!” Sigaw ni Domingo habang kinakaladkad palabas ng cabinet ang bata.

“Huwag po Mang Domeng! Huwag po! Maawa po kayo sa akin! Huwag po Mang Domeng!!!” Pagmamakaawa ni Paolo ngunit dahil sa galit ay nagpaputok si Domingo ng baril ngunit malayo sa kinalalagyan ni Paolo. Itinayo niya ang bata at binulungan na tumakbo! Lumayo sa mansion! Tumawag ng mga pulis. Pagkaalis ni Paolo sa mansion ay agad nitong hinanap si Juancho.

“Don Juancho magpakita ka na at patay na ang mag-iina mo! Humarap ka bilang lalake! Huwag ka ng magtago dahil mahahanap din kita dito! Hayop ka ginahasa mo ang asawa ko at ang anak kong babae at pinapatay mo pa sa mga tauhan mo! Kaya pala inutos mo na ipagmaneho ko ang pamilya mo papunta ng Baguio noong araw na yun dahil may masamang balak ka sa pamilya ko! Hayop ka!” pagdating nito sa opisina at pagbukas ng pinto.

“Andyan ka lang pala ha!” sigaw nito kay Juancho ngunit naunahan siya nito binaril ni Juancho si Domingo ng tatlong beses una sa dibdib, pangalawa sa ulo at pangatlo sa maselang bahagi nito. Nang masiguradong patay na si Domingo ay agad nitong pinuntahan ang asawa at nang makita niya hawak-hawak ni Eleonor ang handset ng telepono ay agad niya itong kinuha at ikinalag ang wire sa leeg ng asawa.

“Hello! Hello! Sino ‘to? Anong pangalan mo?!? Magsalita ka!” Tanong ni Juancho sa tao sa kabilang linya dahil may nakikinig sa kabilang linya na natawagan ni Eleonor habang may komosyon.

“Huwag kang magkakamali na sabihin ‘to kahit kanino kung sino ka man na nasa kabilang linya dahil buhay mo ang kapalit! Babalikan kita at uubusin ko ang buong pamilya mo at sisigurduhin ko na mamamatay ka!” Pagbabanta ni Juancho. Dahil sa pagkatuliro ay itinutok nito ang baril sa loob ng kanyang bunganga at ginati ang gatilyo.

Nabalita ang krimen na ito sa pahayagan at sa telebisyon. Ilang tao na rin ang namatay dahil sa pagtawag sa haunted number. Ang teorya ko kung sino man ang magkakamaling magbigay ng pangalan niya kay Juancho ay binabalikan niya ito at pinapatay sa bangungot. Marahil ibinigay ni Aldrin ang kanyang panaglan kaya binalikan ito ni Juancho.

Sa ngayon si Paolo na lang ang nabubuhay sa pamilya ng mga Rodriguez. Siya na ang nagmana ng lahat ng ari-arian ng pamilya. Ipinabago na din nito ang numero sa kanilang tirahan dahil nga sa mga naririnig niya na mga kwento tungkol sa dati nilang numero.

Siya din ang nagkwento ng lahat sa amin sa totoong nangyari. Ngayon ay may mga apo na rin ito at naninirahan na sa America.

Sabi-sabi ng iba hanggang ngayon natatawagan pa din daw ang haunted number. Kayo, maglalakas ba kayo ng loob tawagan at ibigay ang inyong pangalan pag tinanong na kayo ni Juancho na SINO ITO? Ito po ang numero 666-66-66. Gawin ng alas-tres ng madaling araw. Paulit-ulit lamang i-dial dahil sa busy ang linya pag nakapasok na kayo antayin ang pang sampung ring at ihanda ang sarili sa lahat ng maririnig……….

 

Leave a Reply