HAUNTED BUILDINGS

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Hindi alam ng marami kung anong meron sa loob ng kanilang mga opisina…..

Sa loob ng mahabang panahon,  mapapansing napakadami na nga talagang pribadong kompanya at establishments sa bansa.

Naging moderno  na ang mga lumang gusali at naka-ilang palit na rin  ng mga presidente at board of directors ang mga kompanyang ito. Subalit sa kabila  ng kaunlaran at modernismo ng mga istraktura ngayon, hindi pa rin maikakaila  ang kung anumang misteryo napapailalim sa mga ito.  May mga kaganapan pa rin  na sadyang  mahirap  ipaliwanag.. Mga nakakakilabot na kuwento na nagaganap sa loob  mismo ng mga haunted  buildings na ito.

CHANDA

Isa sa pinakaunang  buildings sa isang avenue sa Makati ang gusaling ito.  Halos katabi ito ng head office ng isa sa  mga kilalang bangko sa bansa.

Isa sa mga managers nila ang nagsasabi  na meron daw babaeng nagpapakita sa ika-12 palapag na building.  Palakad-lakad  daw ang babae sa pasilyo. Karamihan  sa mga staff sa opisina  ang nakakakita sa babaeng multo, lalo na kapag nag-o-overtime sila sa gabi.

Sabi ng isa sa mga empleyado na may third eye, nakatayo lang madalas ang babae at tinitingnan lang daw nito ang mga empleyado na naglalakad. Kung minsan din daw,  pumapasok ang multo sa stock room-dahilan para malipat ang mga puwesto ng ilang supplies.

Pinangalanan nilang Chanda ang multo dahil ayon  naman sa kanila, isa naman daw itong mabuting espiritu. Itinuturin nga nilang isang swerte si Chanda dahil magaganda ang mga results  ng kanilang negosyo simulang nagparamdam ang nasabing multo. Kaya  naman hindi na nila binabanggit pa sa mga espiritu   ang tungkol sa kanya.

Hanggang ngayon, si Chanda ay nagpaparamdam pa rin sa  gusaling iyon, lalo na sa mga bagong empleyado.

 

ANG BABAE SA ELEVATOR

Isa sa mga buildings dito sa lungsod ng Makati ang inayos at pinaganda kamakailan lang. Ang kompanyang ito ay isa sa mga  pinakasikat sa insurance industry. Pagkatapos na ma-renovate ang facade at ang interiors ng nasabing gusali, mga elevators naman  ang sunod na inayos.  Apat ang elevators sa building.

Isang gabi,  pauwi na ang isa sa mga empleyada. Unang bumukas   ang pang-apat na elevator, kaya dito na siya sumakay. Nakatitig lang ang babae na operator ng elevator.

“Sa ground floor miss, ” utos ng empleyada.

Sumara ang elevator. Umandar ito pababa ng ground floor, pero nang bumukas ang pintuan-hindi ground floor ang narating nito kundi isang madilim na lugar.

“Miss, hindi naman ground floor ‘to eh!”galit na sabi ng empleyada.

Sumara ulit ang elevator. Umakyat ito at umilaw naman ang “G”  button. Pagbukas ng elevator, isang madilim na lugar muli ang nakita niya. Nagtataka ang empleyada dahil kita naman niya  na ground floor button ang pinindot ng babae.

Pagkaraan ng ilang  subok, nakababa na rin sa wakas ang babae sa unang palapag. Halos himatayin siya nang makita niya ang nakasulat sa labas ng elevator na kanyang  sinakyan:

THIS ELEVATOR IS UNDER REPAIR

 

PAT

Isang trading company sa kahabaan ng isang lansangan sa Maynila  ang nasasabing minumulto daw ng mga kaluluwang hindi  matahimik.

Madalas daw makarinig ang mga empleyado ng isang tumatawang babae sa isa  sa mga cubicles sa ikalawang palapag, bagama’t wala  namang ibang tao doon.  Kung minsan,  bigla na lang daw tutulak papunta sa kabilang side ang swivel chair pero wala naman talagang  gumagawa nito. Madalas din mag-on ang PC ng isang empleyado samantalang hindi pa naman niya ito binubuksan.

Noong una,  hindi nila  pinapansin ang mga kakaibang pangyayari sa opisina.   Isa sa mga empleyado ang may kakilalang grupo ng mga spirit  questors.  Ginawa ng grupo ang imbestigasyon isang araw ng Sabado dahil kaunti lang ang empleyado naroon.  Dito nila nakilala ang babaeng multo na  nagpakilalang Pat.

Mabait namang multo si Pat ayon sa mga questors. Nang tanungin nila ang multo kung bakit ayaw pa niyang umalis sa lugar na ‘yon, sinabi niya ang dahilan.

Hinanap pa daw ng multo ang nawawala niyang asawa.

Ayon sa balita, sa lugar daw na  iyon dinala ang asawa niya ng mga Hapon.  Nang alamin ng grupo ang kasaysayan ng lugar, dito nila nadiskubre  na dati palang garrison ng mga Hapon ang gusaling iyon noong 1940s.

 

 

 

Leave a Reply