Hail Mary

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Jb Snare

Simula ng dalawang araw na company outing nina Nicca ng araw na iyon. Isang tanyag na resort sa Batangas ang pinuntahan nila.

Kasama niya sa may kalakihan ding kuwarto ang mga ka-teammates na sina Erica at Marianne.

Napagod sila sa buong araw na activities at swimming kaya alas-singko palang ng hapon, naghapunan na sila at agad ring natulog.

Hatinggabi. Nagising si Nicca dahil nakaramdam siya ng pagkaihi.

Inaantok pa siya ng tinungo ang C.R. Pero laking dismaya lang niya ng malamang walang tubig na lumalabas sa gripo at wala ring tissue paper. At dahil hindi sanay na walang panghugas, hindi siya umihi.

Lumabas siya ng kuwarto at nagpasyang tumungo sa pampublikong palikuran sa ibabang palapag.

Nakakakilabot ang lamig na bumungad sa kanya. Dagdagan pa ng medyo may kadilimang pasilyo na napapaligiran ng konti ngunit mayabong na mga punongkahoy.

Hindi niya na mapigilan ang pag-ihi kaya mabilis siyang naglakad sa pasilyo at kinakabahang bumaba ng hagdanan na naiilawang ng mga dilaw na bombilya.

Pinakiramdaman niya ang kapaligiran habang bumababa siya sa bawat baitang ng hagdanan. Sobrang lumikot ang imahinasyon niya. Pumasok sa isip niya ang mga multong nagpapakita sa mga hagdanan.

Nang malapit na sya sa ibaba, napatigil siya sa paghakbang dahil naramdaman niyang may sumusunod sa likuran niya. At hindi nga siya nagkakamali, dahil naririnig niya ang bawat hakbang nito.

Nagsimula ng magtayuan ang mga balahibo niya. Paano nalang kung multo ito, naisip niya.

Dahil sa kyuryusidad, dahan dahan siyang lumingon.

Muntik na siyang mahimatay dahil paglingon niya, nasa mismong mukha niya ang mukha ng babaeng madre na nakaitim. Duguan ang mukha nito at nanlilisik ang mata.

Mabilis pa sa kidlat ang pagtakbo niya patungong C.R. Naghahabulan ang pintig ng kanyang puso sa takot. Ini-lock niya ang pinto at mabilis na hinawakan ang rosaryong nakasuot sa leeg. Nauutal na sinimulan niya ang Hail Mary.

Diniinan pa niya ang paghawak sa rosaryo at taimtim na pumikit para malakas ang epekto ng kanyang panalangin.

Hail Mary, full of grace….

Hindi na niya naimulat ang mga mata ng marinig niyang may boses ng babae na sumasabay sa kanyang panalangin. At kumpirmadong ang madre ito dahil nasilip niya ang mga paa nitong nakalutang.

Nagsitayuan lahat ng balahibo niya at halos hindi na siya makahinga sa takot. Nawalan nalang siya ng malay tao ng maramdaman niyang may dalawang malalamig na kamay ang pumatong sa kanyang kamay na may hawak ng rosaryo.

Leave a Reply