FOOTPRINTS

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Sharron R. Navera

May pinsan ako na dating nagtatrabaho sa isang malaking mall sa  Manila noong 1990s.  Isa siya sa unang mga empleyado nito, at huli na  nang sabihin niya sa akin na may naninirahan sa loob ng parking building  nito.

Bago pa lang akong empleyado ng isang tindahan sa loob ng  mall nu’n pero may shortcut na agad ko kapag nale…late ang parking  lot.

Minsan, maaga kaming pinapasok dahil sa  delivery ng 6am. Nag shortcut ako sa parking lot. Pag pasok ko sa lugar, may sumusunod  sa aking tao, naaninag ko  sa mga salamin.  Inakala ko na isa din siyang  employee kaya hindi ko na masyadong pinansin.  Pagdating  ko sa entrance  ng mall,  Nakita ko sa salamin na parang taong grasa siya kaya dali-dali  akong pumasok  sa loob at umakyat sa tindahan.

 

Ngunit,  hindi lang yun ang huli naming encounter sa mga multo parking lot.

Inumaga kami ng inventory, 1:30 a.m.  na kami natapos kaya nagpasya ang amo namin na ipahatid  kami sa driver papunta sa tamang sakayan. Hanapin  namin ang driver  ng companya, nakita namin na nakabaluktoto siya sa  likod na upuan.  Tinanong namin kung napa’no siya.

Sabi niya may multo daw na puro putik  ang kumakatok sa mga sasakyan,  nang buksan niya ito, walang mukha ang tao at walang paa. Ganun din ang ginawa niya sa  ibang  sasakyan.  Pinakita pa niya sa amin ang bakas ng kamay sa bintana.

Bago mag-pasko, nahuli na naman akong umuwi  dahil ako lang  ang nagbantay sa tindahan. Dumaan pa ako sa parking lot dahil ang sabi ng pinsan ko nasa opisina daw siya ng security. Mga  10:00 p.m. na iyon.

Pagsakay ko ng elevator, nakita ko ang  mga putikang bakas ng  paa sa loob nito,  unti-unting pumapasok sa loob. Nang tinanong ko kung  sino siya, nagkaroon siya ng katawan, puno ito ng putik. Dahil sa lakas  ng ungol niya,  Nawalan ako ng malay sa loob.  Nagising nalang ako na nasa security office at sabi ng pinsan ko gutom lang’yun.

Isang taon pa akong  namalagi sa trabaho  bago ako nagresign at lumipat sa katabing restoran.  Hindi na ako nagtagal sa mall dahil na-assign ako sa ibang lugar, ang pinsan ko rin nag-resign na noong taon na iyon.

Minsan ginabi ako at dahil malapit sa elevator ang restaurant, nakita ko na bigla itong nag-on ng 2:00 a.m.  Nagulat ako dahil kailangan  mo ng susi para mai-on ito.  Bumaba ako, nakita ko sa ground floor  ang bakas ng paa, sinundan ko ito,  napunta ako sa parking lot.

Nasa 6th year pa lang ako bilang isang paranormalist, may isa  akong kaibigan, si Eve na nag-invite sa akin para tignan ang pinagagawa niya restaurant sa parking building nito.

Tanghali na nang dumating ako, pinatingnan siya ang level  ng ceilings at mga lightings sa akin at ang dapat na mga gawin sa future  event launching nito.

Habang kausap niya ang interior decorator,  may nasilip akong  tao sa back door (na tumutuloy sa parking area) agad kong sinilip dahil  inakala  ko na may pinagagawa pa siya sa labas. Lumingon ako pero  walang tao man lang kahit saan. Umikot ako sa mga kotse  na nakapark na, baka naman nagtatago ito. Nang nalibot ko ang buong floor,  wala  akong nakitang tao na kakaiba.

Bumalik ako sa restaurant, at nakita ko ang isang karpintero na nagpupunas ng sahig.  Sabi niya lagi nalang daw may umaapak sa sahig   na amoy kanal at maputik ang bakas ng paa.  Pero hindi nila mahuli ang  gumagawa nito, ilang beses  na rin nila nireklamo ito pero  walang masagot ang management.

Nagpaalam ako kay Eve at  sinabing  babalik  ako sa blessing at  launching ng kanyang  restaurant.

Ilang linggo ang nakalipas,  launching na ng restaurant niya.  Puno ito ng ilaw na iba’t ibang ang mga yari. May mga tables rin na halatang pinagkagastusan. Matapos  ang kainan,  dinala niya ako sa kitchen. Binulong sa akin ni Eve na may problema sila sa back door,  pinakita niya  ang bakas  ng paa sa sahig.  Lagi nilang pinupunasan ito pero lagi na lang bumabalik.  Sinubukan na nilang sundan ito pero nawawala sa gitna ng parking  lot.  May  incident pa na may  bakas ng kamay sa lababo at sa labas ng pintuan.  Sinabihan na rin nila  ang pari na nagbless pero ilang oras lang bumakat uli ang mga paa.

Nagdala ako ng flashlight at sinundan ko ang mga bakas. Tumigil ito sa gitna ng parking lot.  Since  nasa ground floor ang restaurant,  tinawagan ko sa cellphone ang pinsan ko para makahingi ng additional info.  Mayroon daw basement ang building, sinasabing maintenance  floor daw ito.

Bumaba ako sa hagdanan at napadpad ako sa basement. Dito rin  located ang material recovery o ang tinatawag na basurahan  ng mall.  Lumakad ako patungo ng gitna nito, sa oras  na iyon  may mga tao na  nagso-sort ng basura. Tumapat ako sa pinakagitna nito,  nakita ko ang isang malaking  covered man-hole. Tinanong  ko kung ano ang nasa ibaba nu’n, sabi nila pozo negro (sewerage) daw.

Paglingon ko, naaninag ko ang isang lalaki na puno ng putik  mula ulo hanggang paa.  Bali ang leeg niya na naka curse sa right side.  Hindi na halos makilala ang katawan niya.  May tali siya sa kanyang beywang pero ang dulo  nito parang hiwa-hiwalay ang hibla,  indication na napatid ito o napigtas. Ang mga mata niya nakadilat, wala akong makitang kahit na anong bagay na puwede gamitin na indication para makilala siya.

Tinanong ko na ang putikan na multo kung sino nga ba siya…. May mga binubulong siya na hindi ko maintindihan. Nawala  siyang bigla, tapos nag-appear ng mas malapit  sa akin.  Sinabi niya  sa akin, “Kilala kita, tulungan mo ako.”

Kinabukasan pinuntahan ko ang pinsan ko sa Quezon City. Tinanong  ko sa kanya ang tao na nakita ko. Napaupo siya at sinabing “Kilala mo iyon, si Rodrigo M, ‘yung laging may dalang tool belt na kulay green.”

Pilit kong inaalala siya, at sa pagkakaalala ko, siya ang nasa itaas  nang may sunog na naganap malapit sa restaurant namin. Kayumanggi may balat sa kanang braso, payat at lagi na lang akong binibiro dahil   hindi ko daw kamag-anak ang pinsan ko.

Kinuwento ng pinsan ko na may bara ang sewerage noon.  Napilitan na babaan nila at para mag-flow ang tubig.  Nang hinuhukay na nila,  biglang umagos ang tubig at natangay siya.  Nahatak ang pinsan ko  ang isang kasamahan nila pero dahil sa lakas ng agos, napatid ang tali niya sa katawan.  Pilit nilang hinanap  siya ng ilang araw, hanggang sa  sila rin ay kinailangan ng puntahan ng rescue team, pero hindi na siya nakita pa.

Pinasipsip din ang sewer para makita ang katawan niya, walang nakuha.   Grabe ang hinagpis ng pamilya niya dahil walang mailibing  na katawan. Walang nakakaalam na nagpapakita pa pala siya hanggang  ngayon sa parking area.

Kinausap ko ang management ng mall kasama si Eve. Sinabi  niya ang inconvenience na dulot ng mga bakas ng paa at amoy ng multo.  Kasama ang head ng Circle ko sa lugar  na iyon, tumulong kami sa pagkausap kay Rod.  Kasama ang asawa at ina niya.

Gamit ang isang aparato na pang-sipsip ng sewer at ang pagturo ni Rod  sa katawan niya, nalocate namin ang katawan niya na halos  iilang buto na lang ang natagpuan.

Unti-unti na rin luminis ang anyo niya, ang binubulong  niya luminaw na rin. Nagpapasalamat siya sa mga efforts namin at sa pinsan ko na  pilit siyang nililigtas.

Mula noon, hindi na naramdaman ang kaluluwa niya… pero hindi siya nag iisa sa parking lot… mayroon pa… sa sumunod na kuwento naman iyon.

Leave a Reply