Engkanto

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Yvuj Anamag Gniragnam

Kwento ko sa inyo iyong karanasan ko noong nag-tatrabaho pa ako. Hindi po talaga ako naniniwala sa mga engkanto or hindi po talaga ako nakakakita. Pero nkakaramdam ako.

Last 2012 pumasok ako bilang kasambay dito sa maynila. Dinala kasi ako sa pinsan ko galing probinsya. Tapos pinapapasok nga ako ng trabaho doon sa anak ng boss ko.

Chinese iyong boss ko pero marunong mag-tagalog kasi dito na sila sa Pilipinas lumaki. Pagpasok ko sa kanila bilang kasambahay nga. Bago pa lang silang mag-asawa noong panahon na iyon.

Mga 1yr pa lang simula noong kinasal sila. Pero nag-hiwalay sila kasi nagkaroon ng iba iyong boss kong lalaki. Noong andoon na ako sa kanila lahat ng mga gamit nila Mam na pang chinese pinatapon ni Mam iyon lahat. At sinabihan pa niya akong huwag ko daw itago kasi malas daw iyon.

Medyo nang-hihinayang pa nga ako, kasi mga bago pa tlaga na mga pang-display. Sa condo kami noon nakatira kasi iyon yong regalo ng mga magulang ni Mam noong kinasal sila. At dahil nga hiwalay sila ni Sir, kami lang dalwa ni Mam sa condo at minsan pa nga ako lang mag-isa.

Kasi araw-araw siya pumupunta ng office niya. Fashion Designer pala siya, Kaya minsan gabi na siya umuwi. Kaya solong-solo ko talaga iyong buong unit mag-hapon. Pero sa tuwing mag-isa lang ako doon kinikilabutan ako. Parang laging may nakatingin sa akin. Malakas talaga iyong puwersa na nararamdaman ko. So isang gabi habang nag facebook ako.

Wala pa noon si Mam kaya pumasok na ako sa kuwarto ko. Iyon na nga habang nakaupo ako sa higaan ko at naka-facebook, Nakasara na iyong pinto ng kwarto ko. After mga ilang minutes bigla na lang kakalabog yong pinto ko. Dali-dali kong binuksan iyong ilaw at lumabas ako ng kuwarto at tumingin ako sa 2nd floor kung andiyan na si Mam.

Kasi iniisip ko baka si Mam lang iyon. Pero madilim parin kuwarto nila at wala din sandals sa sala. Kaya sigurado talaga ako na wala pa si Mam. Kaya bumalik ulit ako sa kuwarto ko at hindi muna ako nagpatay ng ilaw. Inantay ko si Mam na dumating bago ako natulog.

Kinabukasan kinuwento ko kay Mam iyong nangyari. Tapos sagot naman niya sa akin baka guni-guni ko lang daw iyon. Pero nangyari at nangyari parin ulit iyon sa akin ilang beses. Biglang kakalabog iyong pinto ko kahit nakasara na. Kaya nag kuwento ulit ako kay Mam.

At sabi naman niya sa akin, hindi kasi daw yan maiiwasan kasi kahit saan daw meron. At pakiramdam ko natatakot na rin siya. Pag nag day-off ako, nagpapasama siya sa kapatid niya or friend niya na matulog doon.

Kaya isang gabi nanaginip ako na may isang babae daw at isang bata nakaupo sa may hagdanan. Kaya simula noon lagi ko sila kinakausap na huwag nila ako sakta. At huwag na nila ako takutin. Kaya iyon gumaan na pakiramdam ko sa lugar na iyon. Mahigit 3yrs din ako doon sa kila ni Mam. END

Leave a Reply