CURSED MALL

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Sharron R. Navera ang Jun Arriolo

Dahil natagpuan ito sa pagitan ng isang sementeryo at isang  simbahan ang mall na ito ay nagkaroon ng madaming “mga insidente.”Madami na ang nagsabi na alisin na lamang ang mall,  pero tila  walang gustong makinig sa mga suggestion  ng mga expert.  Malaki na  rin ang  nalulugi sa mall kaya unti-unti itong nawawalan ng mga stalls at  mga parokyano. Sinarado na nga ang  2nd floor at madaming mga equipments ang nasira.

Eventually, nag-decide ang management na gawin  na lang offices ang vacant stalls hindi na malaman ng mga employees kung  anong gimik ang gagawin para i-promote ang mall. Ang kaso,  wala pa  rin gustong kumuha ng office spaces dahil may mga nag-kuwento na   may gumugulo ng gamit nila. May mga incidents  na din kung saan ang mga tao doon ay naiimpluwesyahan ng masamang aura sa lugar. Maaring ang dahilan nito ay ang sementeryo sa napakalapit lang sa lugar ng mall.

Ito ay ilan sa mga kuwento ng mga tao na nakapagtrabaho na noon at kamakailan lang.

 

Bata Sa Basurahan

Isang araw habang nagko-cover ako ng isang incident sa isang  mall na malapit sa news bureau namin, nakipagkuwentuhan ako sa isang  guwardya habang naghihintay ako.

Si Ronnie, kakadevelop lang galing Iloilo City.  Limang taon na siyang guwardya, at karamihan ng kanyang duties ay sa gabi.  Lagi siyang  naka-alerto kahit na walang customers  sa mall.

Minsan daw, may isang matandang babae ang lumapit sa kanya ng 4:30 ng umaga. Ang sabi niya may bata daw sa loob ng mall at ang sabi pa ng matanda, naririnig daw niya ang bata na iyak ng iyak.  Dahil duda siya sa  oras ng pagpunta ng matanda, nagpasya siya na imbestigahan ito.

Sinundan niya ang iyak ng bata at nakita niya ang isang basurahan sa likod ng mall na may bagong labas na fetus.  Kinuha niya ito at sinurender sa mga pulis.

Kinabukasan, nagtataka siya kung bakit may iyak pa rin ng bata  sa labas.  pag dating niya sa basurahan wala na siyang makitang bata  Pero naririnig pa rin niya ang pag-iyak nito.  Akala niya, siya lang ang nakakarinig nito.  Nagkamali siya, dalawa pa pala sa kasamahan niya  ang nakarinig nito.

Minsan may isang bata na mga 3 years old,  ang naligaw  sa kanyang  station.  Tinanong niya kung saan ang bahay niya at agad na ihahatid siya. Pero nang tumigil ito sa isang restaurant, nagtaka sila kung  paano nangyari na nawala ang bata.  Kinabukasan,  pinuntahan nila ang  may-ari at sinabing wala naman naliligaw na bata doon.  Bandang hapon , nakita sa CCTV camera  ulit ang bata at agad na pinuntahan nila pero nawala rin siya.

Nainis na si Ronnie,  agad na pinatwag ang  ilang guards. Hinabol ang bata, hanggang sa nakita siya sa tapat ng isang cabinet-storage.  Doon naamoy nila ang nagli-leak na LPG.  Agad na tumawag sila  ng bumbero at pinaalis ang tangke ng gas.

 

 Players

May mini theme park ang mall.  Mayroon itong mga roller coasters at video games.  Madalas puntahan ito ng mga tao lalo na kapag weekend. May anim na bata na may edad na 10-11 years old ang laging  nasa arcade,  mula umaga hanggang gabi. Hindi naman sila naglalaro kundi paikot-ikot lang sa loob.  Minsan ipinatawag na ng may-ari ang security para malaman kung saan galing ang mga ito at mapagsabihan. Pero  kahit  na anong  lapit ng sekyu, walang makitang bata.

Ito rin ang mga bata na nairereklamo ng ilan na kapag tumabi sa iyo, may amoy na parang patay na daga. Madalas din napapaaway ang  mga tao   sa kanila  dahil sa masama nilang amoy.

Ang rides naman,  umaandar sa gabi. Minsan bumubukas pa ang  mga pintuan nito na parang may sumasakay na tao.  Kahit na anong lock  nila sa rides,  umaandar pa rin ito, pero kapag iche-check nila, naka-lock pa rin ito.

Nilagyan  nila ng camera ang pinaka-entrance, nagulat sila na  may mga bata na  pumapasok sa madaling araw. Dahil sa  gustong malaman ng management ang nangyayari,  nagpasya sila na  maglagay ng  mga tao sa madaling araw. Mga round 2 a.m.  biglang  sumindi ang ibang mga games sa arcade,  agad na  pinuntahan ng mga  crew at nakita na  may naglalaro pero wala naman nakikita.  Binunot nila  ang plug para hindi na mag-on ang mga games. Ilang sandali lang nagsindi muli ang ilan sa mga rides, sumigaw ang isang crew na nakapatay ang main switch at impossible na gumalaw ang mga ito.

Kinabukasan, nagpatawag  sila ng pari para i-bless ang lugar,  naghold din ng misa para sa ikakatahimik  ng mga bata, pero hindi pa rin  nalulunasan ang ganitong problema nila hanggang isarado na lamang ang lugar.

 

Maso

May insidente rin na ang isang lalaki ay nakitang may dalang  maso sa loob ng isang tindahan.  Sa takot ng mga salesladies, agad na  nilapitan nila ang lalaki pero naglaho ito at ang maso lang ang naiwan.

Pero nagtataka sila  na ang maso ay gumagalaw pa rin mag-isa.

Ang sabi sa report,  isang saleslady ang namatay noong araw  na iyon sa bahay nila  dahil  sa pag-maso ng lalaki sa ulo niya.  Habang  ang lalaki naman ay pinatay ng mga pulis habang madaming bahay ang nasira sa pagwawala niya.

 

Hey Joe

May isang foreigner na nagdecide na mamasyal sa loob ng mall,  kumuha siya ng madaming picture at nakita niya ang mga naka-hilerang  mga patay na tao sa lugar. Natakot siya sa nakita kaya agad na binigay  niya ang mga litrato sa security office at sinabing dapat na ipa-bless ang kanilang mall.

 

Nawawalang ulo

May account din na bago pa ma-complete ang construction ng mall ay may mga nangyayari na hindi maintindihan.

Isang welder ang kumuha ng gamit niya mula sa store room.  Pag-alis niya,  biglang bumagsak ang gamit niya sa loob. Nang bumalik  siya nakita niya ang isang tao na walang ulo.  Inakala niya kasamahan niya ito na malapit nang madisgrasya. Nilapitan niya ito ngunit biglang  nawala, nagtatakbo siya palabas at hinimatay.

Napansin ng mga kasamahan niya na may dugo siya sa may ulo,  sinugod siya sa ospital pero hindi na umabot pa.

Sumunod  na linggo,  inimbentaryo ng isang  karpintero  ang gamit sa loob ng store room.  Naaninag niya ang balikat ng tao.  Nagtaka  siya dahil iisa lang ang lagusan ng kuwarto, wala naman siyang narinig  na pumasok. Ilang sandali pa, may tumawag sa pangalan niya. Umikot siya sa mga shelves at nakita ang katawan ng isang tao na walang ulo.

Tumakbo siya palabas at  sinabing  may multo sa loob,  Pinasok  ito ng ilan sa mga kasamahan niya pero wala silang nakita. Lumabas sila  at nakita  ang karpintero na may dugo ang ulo,  ininspect  nila ito pero  hindi naman galing sa kanya.

Isang beses pa, papasok na ang  operator ng heavy equipment.  Nagtaka  siya bakit ang isang truck nila ay maaga pa lamang, umaandar na. Dahil  sa inakala  nila na may magnanakaw,  tumawag sila ng pulis  at agad  na pinalibutan ang truck. Nakita nila  ang isang katawan ng tao  pero wala  itong ulo  na normal na pinapatakbo ang truck.

 

Laman Lupa

Sa harapan  ng mall, may isang lugar na kahit na anong gawin  nila ay hindi nila magalaw ang isang dahil dahil  ang sabi ay may laman lupa daw na nakatira doon.

Hinalughog  ko ang lugar kung saan daw meron nito.  Nakakita  lang ako ng isang “termite hill” pero hindi totoo na may  namatay na  doon.  Madalas nilang  sindihan ng kandila at incense pero wala pa rin  akong  makitang source ng laman lupa.

Ayon sa kuwento, may isang karpintero daw ang nagtatabas ng  mga puno para sa itatayong waiting shed. Ilan araw lang daw may lumabas na mga pigsa at mga kulugo sa buong katawan niya hanggang  sa namatay siya ilang araw ang makalipas.

Pinapunta ko ang isang clairvoyant ko na si Andrew, at sinabing  may nakitang termite hill pero walang  makitang laman lupa.  Kahit na anong paliwanag naming,  hindi namin ma-convince ang mga taga-roon na wala  talagang nuno sa punso.

Leave a Reply