BRIDAL FAIR

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Jessica Labores

Bride1

Sumama  ako sa pinsan ko, isang wedding coordinator,  sa isang bridal fair sa isang malaking mall sa Manila.  Pinadala niya sa akin  ang ilan sa mga samples ng wedding  gowns ko isang gabi bago ang actual  event.

Dahil sa madaming nakapila, hinintay ko  ang iba pa niyang  kasamahan bago ko i-setup ito. Nagkuwentuhan kami tungkol  sa mga  multo sa iba’t ibang  lugar. Ilang minuto lang dumami na ang nakkikinig sa akin.

Nang makapasok na kami, may lumapit na isang babae. Sinabi na may  napulot siyang singsing na nahulog mula sa stack ng gowns ko. Pilit kung iniisip kung akin yun.

Nilapag ko ang singsing sa table namin at naghanda na kaming  mag-setup. Dahil may paligsahan ng itsura ng booths,  halos sunog na ang kilay namin sa kakaisip. May lumapit sa booth namin, sinabi niya   na sa kanya ang singsing. Hindi ko masyadong binigyan ng pansin pero  naaninag ko na naka-gown siya na yellowish white.  Iniisip ko na baka  isang modelo ng isang booth.  Ibinigay ko sa kanya, hindi ko man lang  hiningan  ng identification.

Dahil sa  gusto namin  makalamang sa design, naglibot kami sa  buong trade area. Nakita ko ang babae na kumuha ng singsing,  nakasunod siya sa isang babae sa likod ng isang booth. Tamang-tama, malalaman ko kung siya talaga  ang may-ari nuon dahil sigurado may pangalan iyon sa likuran.

Ang babae na ito ay maganda ang katawan, matangkad na parang  artista,  pero malalim ang kanyang mga mata, napakalungkot niya na  halos hindi ko makita kahit na anong ngiti sa kanya.  Nahiya ako kaya  bumalik na lamang ako sa booth namin.

`Halos malalim na ang gabi nang matapos kami.  Dumaan kami sa  booth na nabanggit ko. Nakita ko pa rin siya kahit nakasarado na ang  ilaw.   Nilapitan ko siya at tinanong kung hindi pa siya uuwi dahil  mainit  ang kanyang suot.

Nakita ko ang lungkot sa mata niya.  Nang iangat niya ang kanyang mukha,   nakita ko na duguan ang kanyang mga kamay. Kumuha  ako ng panyo nang idadampi ko na, lumusot ang aking mga  kamay. Doon ko napansin na isa siyang multo, hinawakan niya ako at nakita ko ang nangyari sa kanya.

Nasa isang probinsya ako, mahangin at maaliwalas  ang lugar Madaming tao ang naglalakad at madaming  ginagawa. Agad  na maiisip  na sa ganitong  mga okasyon ay may ikakasal. Ilang sandali  lang may dumating na kotse at may babae na bumaba, namamaga  ang kanyang  mga mata at nagkulong sa kuwarto.

Kinagabihan nakita siyang patay ng mga magulang niya at  naglaslas ng pulso, madami ang nawalang dugo sa kanya.  Kinabukasan  isang burol na ang pumalit  sa kasayahan  sana sa kanilang bahay.

Buong gabi kong inisio ang binigay na “vision” sa akin ng babae. Kaya agad akong pumunta sa fair paggising ko ng umaga.  Nagtungo  ako sa booth  ng babae at muli ko siyang nakita.

Inisip ko kung sino ang dapat na kasama niya doon.  Sinabi niya na  ang kasama niya ay ang asawa ng kanyang  boyfriend. Sinabi niya na  hindi dapat sila ang nagkatuluyan dahil noon pa man may ginagawa  na ang babae na hindi alam ng kanyang syota.

Ininform ko siya na hindi ko iyon kayang pakialaman.  Sinabi niya na kailangan na malaman na ng lalaki ang kanyang ginagawa na  pagnakaw sa kanilang pera.

Dahil sa gusto ko siyang tulungan at unti-unti nang nagiging negative ang kanyang mukha, pinilit ko na lang resolbahin ang  kanyang problema. Ilang oras ang nakalipas may dumating na lalaki, matangkad at maputi na may bigote at maitim na mga mata. Agad na tumayo siya  at sinabi sa akin na iyon ang kanyang nobyo.

Hindi ko alam ang gagawin. Sinabi ng multo sa akin na ang mga alahas niyang inipon ay wala na sa kanyang bahay.  Pilit niya akong  kinukulit. Umalis na lang ako sa area at nag-iisip kung ano  ang gagawin ko.

Ilang minuto lang natunton na  ako ng multo, sinabi ko na hindi ko siya matutulungan ,  sumigaw siya at nagkaroon ng short ang lahat  ng gamit sa loob.  Sa galit niya hindi  natuloy ang bukasan ng fair.

Napansin ko na bawat galaw ng babae, sinusundan ng multo Pati  ang kanyang pag-CR sinundan pa rin niya.  Lumapit na ako sa multo at sinabi ko na  puno lang siya ng galit at pagseselos kaya niya nagagawa iyon.

Bumalik ako sa booth ko. Kumuha ako ng isang set ng baraha,  at bumalik ako para mag-offer na babasahan ko ang lalaki na sinasabing syota niya.

Nang dumating na ang turn ng lalaki,  ang name niya ay si John, kinuwento ko sa kanya ang namayapang syota niya.  Namula ang mga  mata niya at namangha sa aking sinasabi.

Binalita ko rin na ang kanyang asawa ay matagal na ding may kalaguyo simula pa lang silang ikasal. Ang katunayan nito ay ang madalas na pag-alis ng asawa niya sa hapon. Napansin kung umalis  ang multo at sinundan ko ito, nagkaabot kami sa isang restaurant.

Nakita kong pinuntahan  ng multo ang mesa kung saan nakaupo  ang babae. Nang tumayo ito, nakita namin ang babae at isang lalaki ba magkahawak pa ng kamay…gumawa ng scene si John, pero sa bandang  huli,  nalaman niyang kapatid pala ito ng babae, at humihingi ng tulong  ito sa kanila dahil namatay ang kanyang asawa.

Nagalit ang multo, biglang namatay ang lahat ng electricity ng mall. Pati ang mga generators hindi gumana.  Sinundan ko siya,  sabi niya na hindi siya papayag na ganun ang kinalabasan ng mga pangyayari.  Pinakita  ko sa kanya ang problema, kaya siya namatay dahil sa  selos.  Umalis siya na masama ang loob.

Maayos na nakalipas ang bridal fair.  Nagliligpit na ako pero may tumatawag sa akin,  at pag hinahanap ko ay wala naman,  dagdag pa dito ay may bagay na naaalis sa pagka-ligpit namin,  hanggang sa dinala ko  na ang mga ito.  May lumapit sa amin na kasama namin sa booths, sinabi na tumutulo  ang aking bag.   Nang tignan ko,  dugo pala… inisip ko na baka mayroon lang ako noong month na iyon.

Pagdating ko sa CR,  wala naman akong nakita. Sa bag  ng gowns ko nakita ang deprensya, nagdugo ang mga gown ko. Bumalik ako sa fair, sumigaw na ako kung ano ba talaga ang gusto niya. Ang sagot niya, ang kanyang syota. Kahit anong paliwanag ko walang nagbabago  sa sagot niya.

Pinaalis ko siya  pero hindi man lang siya natitinag. Sinabi  ko huwag na akong sundan at baka mapahamak pa siya sa labas.

Nalaman ko na lang, ilang linggo matapos noon, na  ang lalaki ay nabunggo sa isang truck. Agad niyang ikinamatay ang aksidente na ito.

Bride 2

Nang dumating ako sa booth namin,  may isang babae na naman ang nakatalikod.   Tinanong ko kung ano ang kailangan niya. Ang sabi niya ay hinahanap niya ang kanyang anak. Tinanong ko  ang itsura ng kanyang anak; babae daw na medyo mataba,  at may mahabang buhok. Nagpasama ako hanggang nakarating na kami sa dulo ng mall pero wala pa rin akong nakikita. Biglang may pumasok sa isang  tindahan…sinabi ng babae na anak niya ang pumasok na  iyon.  Ayon sa multo, ilang beses na niyang  pilit na kinakausap  ang babae pero hindi  siya sumasagot sa kanya.

Ang dagdag pa niya,  approve daw sa kanya ang mapapangasawa ng anak niya.  Dumating ako sa shop ng babae at sinabi ko ng diretso ang mensahe ng nanay niya,  wala rin kasi ako sa mood magpaikot-ikot. Nilapitan niya ako at sinabing  hindi niya nakilala ang kanyang tunay na ina kaya itinanong niya ang itsura ng babae.

Dinescribe ko. Naka-salamin, may maitim na buhok at medyo mahilig sa make-up. Nagulat siya sa sinabi ko at agad na tinungo  ang sementeryo  at nagdasal.

Leave a Reply