BOSES

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By Analyn Moraga Nota

Nangyare ito noong December 19 , 2016. Mga 7:30 noon tumawag ang bestfriend ko na matagal ko na ding hindi nakakausap.

Nang gabing yon sa bahay ng tita ko ako matutulog kaya lumabas na muna ko para sagutin ang tawag ng boy best friend ko kase nagpapahinga na sila tita ng mga oras na yon. Eh ayaw ko nmang maka istorbo kaya lumabas na ko. Pagka labas ko, naglakad lakad muna ko habang kausap sya sa cellphone dko na namalayang medyo napalayo na pala ko.

Nakarating ako sa madilim na parte ng kalsada na bibihira lang ang nadaan na kung tawagin saamin ay ‘daan luma’ . Tumigil na ako sa paglalakad habang kausap ko parin si Bespren .

Matagal ang pag uusap namen ni bespren ng biglang makarinig ako ng Boses sa kabilang linya na sumasabay sa pagsasalita nya. Maliit na Boses lang iyon na parang Boses ng isang bata .. paulit ulit nito binabanggit ang “hello” “hello” “hello” tila napakalapit lng ng nagsalita sa mouthpiece ng cellphone.

Noong una Hindi ko nlang ito pinansin dahil sa pag aakalang kasamang bata nya lamang ito. Pero hindi tumitigil ang Boses na iyon kaya nagsimula na kong kabahan.

Para maka sigurado tinanong ko na ang kaibigan ko. ” bespren nasan ka? may ibang kasama ka ba?” tanong ko sa kanya. ” nandito ko kila lolo. May bata akong kasama baket??” Nakahinga ko ng maluwag sa sinabi nya na may kasama syang bata. Pero bumalik agad ang kaba ko ng magsalita ulit sya. ” pero kanina pang tulog na kanina pa bakit ba??” nagtatakang tanong nya.

Diko na nagawang magpaliwanag pa ng marinig ko ulit ang Boses na iyon. Agad Kong pinatay ang tawag at tumakbo ng mabilis pabalik kila tita. Diko alam kung sino o ano iyon..pero … HINDI KO NA GUSTONG MALAMAN PA.

 

 

Leave a Reply