BLUE TOOTH

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Sino ang bagong text-mate ni Ian?

Maagang  dumating si Ian sa meeting place nila ng girlfriend niyang si Issa noong  hapong ‘yon. Araw ng Linggo kaya magsisimba sila sa Manila Cathedral sa Intramuros.

Kilala niya ang nobya.  Medyo matagal talagang mag-ayos kaya siguradong mamaya  pa ang dating nito.  Nagpasiya ang binata na pumunta muna sa isang internet cafe na malapit lang sa lugar  na ‘yon.

Nag-check muna siya ng mga  messages sa Yahoo,  nag-browse ng Friendster,  at tiningnan ang mga pictures nila ni Issa sa blog. Mayamaya pa ay bumisita  naman siya  sa website ng NBA para i-check  kung kelan ang susunod na laban ng San  Antonio Spurs at Detroit Pistons.

Nalibang ang binata sa pag surf sa internet. Ilang sandali  pa ay naramdaman na niya na nag-vibrate ang kanyang cellphone na palaging naka-silent mode.

“Ay salamat! Baka si Issa na ito”   sabi ni Ian sa sarili.

Hindi si Issa ang nag-text. May nagse-send sa kanya ng blue tooth message.  Hindi niya tinanggap ang sender.

Nasa loob siya ng internet cafe kaya hindi imposible na may mga  nagtatangkang magbato ng mga blue tooth messages sa mga surfers doon.  Isa pa, baka may virus pa ‘yung phone niya. Nag-vibrate ulit ang  cellphone niya. Si Issa. Nandoon na raw ang dalaga sa meeting place nila.

Habang nasa loob ng misa, hind mapakali si Ian dahil panay ang  vibrate ng cellphone niya. Hindi naman niya ito masagot  dahil hindi  maganda  ang mag-check ng messages habang nakikinig ng misa.

Ngunit patuloy pa rin ang pag-vibrate ng phone.

Napansin ni  Issa na balisa si Ian  kaya nagtanong ito. “Okay ka lang honey?”  Tumango lang si Ian.

Pagkatapos ng misa, napansin ni Issa na mabilis ang lakad  ng nobyo  niya palabas ng simbahan kaya agad niya itong sinundan. Mismong paglabas nila , inilabas agad ni Ian ang phone. Sa pagkamangha ng binata,  walang kahit ni isang missed call o kahit  na anong mensahe ang pumasok sa phone niya!

Hindi niya lubos na maintindihan kung bakit ganoon dahil hindi  siya maaring magkamali. Walang tigil ang pag-vibrate ng phone niya simula pa lang ng misa hanggang sa matapos ito.

Walang missed calls.  Nagtataka na rin si Issa sa ikinikilos ni Ian.  “Hon,  kanina ka pa bothered ha. May  problem ba?”

“Yung phone eh. Kanina pa nagba-vibrate sa loob ng simbahan.  Hindi ko naman  sinasagot dahil nakaupo tayo  sa bandang harapan  kanina. Besides, unethical naman kung ilabas ko ‘tong phone habang may misa.”

“Then who’s calling you ba?” Pilit ni Issa.

“Wala nga eh…”

“Sure ka? Hmmm…. Baka naman ibang babae ‘yan at distracted ka?”

“Pwede ba, Issa…. Nataranta na nga ako eh. Pinagdudahan mo pa ako,” sagot ni Ian.

Kumain muna sila ng dinner sa isa sa mga restaurants sa Intramuros tsaka sila nanood ng mga banda sa mga katabing music bars. Madalas na nilang gawin na mag-date kapag Sunday.  Araw na  naman ng trabaho kinabukasan kaya sinusulit na nila  ang lakad dahil  abala na naman sila ulit sa susunod na araw.  Biglang nag-vibrate na naman ang phone ni Ian!

Kinuha  niya ito para i-check. Pero talagang wala naman na kahit  anong text, blue tooth or missed call…. Nababagabag  na si Ian.

Alam  niyang may nangyayaring hindi maayos sa kanya.  Hindi  naman papaniwalaan ni Issa ang nangyayari dahil kapag pinahawak niya ang cellphone niya sa huli,  hindi naman ito  tutunog o magba-vibrate.

Alas onse na ng gabi nang makarating siya sa bahay.  Pagkatapos  mag-ayos ng kuwarto, biglang tumunog ang ringing tone ng cellphone.

Kinilabutan si Ian sa dahilang hindi niya maintindihan.  Laging nakasilent mode kasi ang phone niya.  At sigurado siya na naka-silent pa  rin ito kanina.  Paano gagana ang ringing tone?

Bagama’t bukas ang airconditioner sa kwarto, pinagpapawisan si Ian . Iba  na ang pakiramdam niya sa kanyang phone.  Hindi niya  maipaliwanag ang takot o pangambang  nadarama niya nang dahil lamang sa isang phone.

Dahan-dahan niyang tiningnan kung bakit ito tumunog.  May blue tooth message na naman.  Kanino nanggagaling ang blue tooth,  samantalang nasa taas siya ng bahay? Wala namang blue tooth connectivity ang mga cellphone ng magulang niya at sa kapatid niya.

Tiningnan niya nang mabuti kung kanino galing ang mensahe. “JOHN” ang code name ng sender.

“JOHN? Sinong John?” Tanong niya sa sarili.

Kinilabutan si Ian ng i-accept ang picture message. Isang lalaki na blurred ang imahe ng kuha. In-off niya kaagad ang blue tooth. Subalit biglang  may isang pa siyang natanggap na mensahe. Isa din na picture ang lumitaw. Larawan ito ng isang lalaki na may bigote.  Malinaw ang picture.

Nang  idi-delete na niya  ang messages, biglang namatay ang ilaw!

AHHHHHH!!!!!!

Hindi lubos na makapaniwala si Ian nang biglang  may boses na nagsalita sa dilim.

“TU… TULUNGAN MO AKO… PINATAY AKO DAHIL SA CELLPHONE KO NA ‘YAN…AKO SI JOHN GONZAGA…. EMPLEYEDO NG JK SALON….”

“Maawa ka  sa akin, wala akong kasalanan sa ‘yo….  na-swap  lang sa akin ang phone na ‘to ng magpunta ako sa Greenhills. Hindi ko alam maawa ka!”  sigaw ni Ian.

“Dalhin mo ang cellphone na yan sa kapatid ko. Doon rin siya nagtatrabaho  sa salon.   Hindi ka matatahimik ‘pag di mo ko sinunod!”

Biglang napabalikwas si Ian sa pagkakatulog. Pawis na pawis siya. Akala niya, totoo na.

“Napakasamang panaginip. Bakit ako mumultuhin? Hindi ko naman alam kung kanino ang phone na ito,”  bulong siya  sa sarili.

Binuksan  niya  ang ilaw. Kinilabutan pa siya nang biglang mag-vibrate ang cell phone sa ibabaw ng head board.

“Huh! madaling araw namang mag-text. Si Issa siguro.”

Hindi makapaniwala si Ian….  dahil may nagblu-blue tooth sa kanya! Lumakas ang pintig ng puso niya nang mabasa ang code  name ng  sender….

JOHN

Leave a Reply