BLACK GHOST

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Jessica Labores

Kasama ko ang asawa ko nang dumalaw ako sa mall kung saan empleyado ang kamag-anak ko na si Mark. Nakita niya kami at  tinanong niya kung pwede akong dumaan sa kanyang opisina.

Nandoon pa rin pala  ang bata na kinuwento  niya sa akin  at ngunit  lang ako. Pinaupo ako at ang hubby  ko na si Arnold.  Kinuwento niya ang  tungkol sa elevator, ilang beses na  nilang nilapitan ang salamin pero lagi naman nababasag.

Nang kausapin niya ang bata, isang lalaki daw na maitim ang  itsura  ang may sala. Kapag sumisigaw daw ang lalaki nababasag halos lahat ng salamin. Hindi siya makalapit dahil masyadong”masama” ang  ugali ng ghost. Pinakiusapan ko siya na samahan ako sa location ng lalaki.

Napadpad ako sa isang bakanteng stall,  natatakpan ito ng mga  kahoy.  Sinundan ako nila Mark,  at naalala niya ang original tenant nito ay may maliit na restaurant  na fine dining.  Umalis sila dahil madaming  accidents ang nangyayari sa loob.

Pinatawag niya ang security officer at palihim na ipinalista niya  ang lahat ng insidente na nangyari sa loob ng dating restaurant. Ang  unang insidente daw ay mismong sa pagbubukas nila.  Natagpuan ang  lahat ng tableware nila  na basag at nakakalat sa sahig. Akala nila na may magnanakaw na nakapasok.

Sumunod na insidente ay ang lagi na lang na pag-iiba ng kanilang  piped-in music.  Madalas na lumalakas ito ng bigla at ikinakainis  ng mga customer. Ang pinakahuli ay  ang madalas pagkakaroon ng sunog sa kanilang kitchen. Nagpasya  ang management na i-refund na lang ang kanilang rental at umalis.

Pilit na iniimbestigahan ng security ang bawat reklamo, pero wala silang makitang dahilan sa mga nangyayari sa loob.  Matapos  daw na umalis  ang restaurant  ang katabing  shop ng ice cream naman  ang ginulo.

 

Naglagay ng security camera ang katabing  shop at nakita nila na  bigla na lang lumilipad ang mga gamit  nila at walang tao na nakikita,  kundi ang anino sa likuran nito.

Bago nilipat si Mark sa mall,  ipina-bless muna  ng leasing  head ang notorious na floor at hindi na nagkaroon ng insidente simula noon. Pero lagi naman daw  nababasag ang elevator guard sa floor na ito kaya  lagi nilang iniisip na defective lang ang structure. Pinacheck na rin nila sa engineering pero wala pa rin makitang  dahilan ng pagbasag nito.  Kahit sa camera nakikita nalang na  nasisira bigla ang glass.

Hinintay namin na magsara ang mall, inimbitahan ko ang mga  kasama kong mga questors, para mag-overnight sa loob.  Kinaapunana dumating sila at nag-request kami ng isang camera  na handheld. Itinapat  namin ito sa harapan ng elevator  guard na laging nababasag. At naghihintay na kaming magsara ang mall.

Inaakyat  na namin ang “haunted” floor nang napansin  ko ang parang pagsikip  ng lugar, pero kung tutuusin  maluwag at maaliwalas  ang mga hallways ng mall.  Pero sa lugar  na iyon, parang napakarami  ng tao sa paligid ko, may mga lugar na masakit din sa ulo at parang may  sumusunod sa akin.

Halos ilang beses namin nakikita na may anino na dumadaan sa  peripherals namin,  pero hindi namin sila magawang makita ng hust. Ang iba sa kasama namin ay nagkakaroon na ng reaksyon sa tiyan kaya minabuti namin na bumaba  na lang sa  administration  office  para magpahinga.

Ilang oras ang nakakalipas,  biglang may malakas na tunog na  nanggaling  sa itaas,  nabasag na nga ang elevator guard. Pag-akyat  namin nakita  ko ang isang lalaki na tumatakbo, sinundan namin siya at  halos lahat kami ay humahabol sa kanya,  pati ang mga security guards.

Bigla naman siyang nawala sa isang malaking wall.  Since medyo madilim ang mall, halos hindi namin napansin ang dingding kaya  nakakatawa man tignan, lahat kami ay nauntog dito. Habang naglalakad, lahat kami ay iisa lang ang description, isang lalaki na hindi naman matangkad at itim lahat ng suot.  May nakikita  pang parang  buntot sa likod nito.

Pagbaba namin sa opisina, halos lahat ng staff nakatutok sa camera  at ang iba sumisigaw sa nakikita.  May isang maitim na lalaki na  hinawakan ang glass guard at bigla itong nabasag.

Nagpasya kami na umuwi na at bantayan na lang muli  ang pinapalitang elevator guard.

Kinabukasan, sinabi ng hubby ko na maaaring may dasal ang  elevator kaya naisip ng multo na pwede siyang bumaba. Tinungo namin  ito at tiningnan ang buong lugar, tinanong din namin kay Mark kung  may nag-bless ng elevator matapos ang insidente ng restaurant.

 

Sinabi niya “oo” Naghintay kaming lahat na magsara ang mall at bantayan muli ang elevator guard. Tulad ng lahat ng  reports, nababasag ito matapos ang last full show ng 1:30 ng umaga.

Halos makatulog na kami sa kababantay. Naupo kami sa harapan  nito at nakalinya. Mayamaya pa, may biglang tumayo sa harapan namin,   akala ng iba ay isa siya sa mga guwardiya.  Dahil nasa likod siya ng isang ilaw  (against the light) tumayo ako at hinarap siya, nakita ko   ang mata niya ay pula at halos lahat ng galit sa mundo ay dala niya.

Siya ang nasa tape.

Hinarangan ko ang salamin para hindi niya ito mabasag. Hanggang …

Sumigaw ito ng napakalakas,  lahat ng salamin nag-shake, bigla  nilagyan ni Andrew ng asin ang paa niya at nawala ang lalaki at  tumigil ang tunog.

Alam namin na hindi pa tapos ang lahat. Nilakad namin ang pader kung saan huling nawala ang lalake.  Tinanong namin sa engineering department kung ano ang nasa likod nito at ang sabi niya ay wala.  Kahit  na anong tagong daanan, wala. Pero may signage na nilagay ang mga  designers ng mall dito dahil ito ay nakaharap sa highway.

Dali-dali kaming bumaba ng security office at hinalukay ang logs nila… isa-isang  nasagot ang mga tanong namin.  May namatay pala  habang kinakabit ang signage. Tinawagan ni Mark ang unang security officer na nagretire na, may nakakakilabot palang kuwento sa likod ng misteryo. Hindi pala  actually signage ang cause ng pagkamatay, ang sanhi pala ay mula pa sa panahon na ginagawa ang mall.

Ang unang stages ng construction ay ang steel bars. May isang karpintero, may pangalang Dindo,  ang gumagawa noon.  Bata pa siya,  nasa edad 20s, bagito at hindi pa sanay sa pagwewelding. Lagi  siyang naka-itim na damit, ang sabi niya na noon ay kakamatay pa lang  ng kanyang ama sa sakit,  at may nakasabit sa likod niyang maliit na bag na itinatali niya sa kanyang belt.

Isang araw,  pumasok si Dindo na hindi maganda ang pakiramda, nakipaginuman daw sa mga kasamahan at pumasok  ng may hangover .  Acetylene ang kanyang assignment ng araw na iyon.  Bigla na mang may sumabog  sa 3rd floor ng kanilang ginagawa, namatay kaagad siya at dalawa pa niyang kasamahan.

Hindi clear ang kuwento tungkol  dito. May nagsasabi na sinadya  ang pagsabog nito. Ayon naman sa ibang ibang kuwento ay nagkaroon ng leak at naitapat niya ang torck na nakasindi.  Pero ang ending ng lahat  ng kuwentong ito ay may nasawi.

Bumalik kami sa elevator guard, halos mag-uumaga na nang  matapos ang aming mga kuwentuhan. Nagliligpit kami ng biglang may dumaan sa likod namin, ang lalaki na nakaitim.

Sumigaw siya ng malakas,, sinabi na gusto na niyang umuwi pero kahit na anong basag niya sa elevator  hindi siya makalabas. Sa lakas ng salita niya parang may eartquake sa paanan namin.

Dahil sa espiritista si Andrew, inalis niya  ang mga dasal sa elevators at sinamahan namin na bumaba  ang multo.  Lumabas kaming lahat  sa gilid na entrance, at biglang  nag-iba ang kanyang itsura, nagkaroon na siya ng figure.

Maayos ang kanyang itsura, typical na Pinoy,  medyo payat at, as usual, naka-itim na t-shirt at may bag sa likod na siyang inakala ng iba na buntot. Sinabi niya na hinahanap siya ng pamilya niya at kailangan  na siyang bumalik dahil gusto niyang makita ang bagong panganak na misis niya… na sa panahon na iyon maaring  nasa seven years old na ang kanyang anak.

Mula noon hindi na nababasag  ang elevator guard, naging maaliwalas na rin ang mall. Subalit,  marami pa rin  kaming naririnig na kuwento sa lugar na ‘yun, pero siguro sa susunod na lang  na mga issues.

Leave a Reply