BATA SA TV

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Sharron  R. Navera

 

Gabi na nang makarating ako sa mall dito sa Manila.  Ang sabi kasi ng relative ko, may nagpapakita daw sa gabi at gumagala sa mall.  Agad na pinapunta ko sa isang stall na may bukas na video cams.

Apat na  videocams ang  nakasaksak sa iba’t ibang size ng TV.  Hinila   niya ako para tumapat  sa harapan ng tindahan. Dahil sa sarado na ang mall,   halos wala nang tao na gumagala sa loob. Lumabas  ang lahat ng mga empleyado, sila daw kasi ang nagrequest sa akin.  Pagharap  ko wala naman akong kakaibang nakita, maliban sa isang bata sa likuran namin na naglalaro sa may banister ng mall. Pinapadulas niya  ang kanyang  kamay at nagsasayaw pa,  babae ang bata nakasuot ng puting sando na parang pang eskuwela, ang palda niya ay kulay light blue na checkered.

Tsinelas lang ang suot niya sa paa halos pudpod na, maitim siya na may buhok na  hanggang leeg at may ipit na ribbon na maliit  sa tuktok  ng kanyang ulo.  Sinabi ko sa manager na wala naman akong kakaiba  na nakikita. Inikot niya ang balikat ko,  pati ang iba sumunod na rin  sa pagikot ko,  nang makita ko wala ang bata sa banister.

Sinilip ko ang TV sa dulo ng mata ko,  andun siya… in full HD  color!!! Ang iba  hindi alam kung saan pupunta sa takot.  Hindi nila  makuhang  sumigaw  dahil pinagsabihan sila na wag gumawa ng commotion sa mall.

Ipina-record ko ang bata at sinabi nila simula nang makita nila  ito,  nire-record na nila.   Minsan humahalubilo pa nga ito sa mga tao. Ang inaalala lang nila ay baka may makakita nito  at malaman  nila na multo ito, tapos hindi na nila  puntahan ang mall.

Habang naka-on ang TV,  tinabihan ko ang bata,  naramdaman ko na malamig ang lugar  sa paligid niya pati ang paglalapad ng ulo at ang pagtayo  ng buhok. Nilapitan ko siya at sinabi ko sarado na ang mall at wala na  dapat tao sa loob.

Hindi siya kumikibo, naglalaro pa rin siya ng palda niya na pinapaikot-ikot niya. Tinanong  ko kung ano  ang pangalan niya at baka  hinahanap  na siya ng kanyang mama.  Sinagot niya na hindi na niya kilala ang mga magulang niya.

Maya-maya pa, kakatapos ko pa lang magtanong kung saan siya galing,  unti-unti na napapansin ko  ang galit niya.  Lumapit ang relative  ko at sinabi na kailangan ng manahimik na bisita namin at bumalik kung  saan siya nanggaling.

Unti-unting mainit ang paligid namin, pinagpapawisan kami at   umiikot ang aming tiyan.  Ang iba naman ay pasilip na nanunuod ng TV na kung saan  nakikita ang  bata.  Ang huling nai-tanong ng relative  ko ay  kung gusto ba ng bisita  namin na magpamisa ang admin.

Biglang sumabog ang kuryente  sa loob ng appliance shop at  namatay lahat ng TV, ang pinapanuoran ng staff ay biglang sumabog sa  likuran, natamaan pa ng  sparks ang cashier ng tindahan.

(Kaunting explanation lamang, ang multo at highly-developed  na ESP ay may kakayahan na mag-interfere   sa electricity  dahil sa electromagnetism nila. May actual case na kami sa buhay na tao na kayang  i-short circuit ang mga appliances 80-100 meters ang radius,   sa matinding galit. May multo naman din na  kayang mag-absorb ng electroomagnetic energy tulad ng case namin na ito.)

Agad na nag-check ang relative ko at ang mga  staff ng store.  Nagradyo din ng mga  electrician para maayos agad. Hinanap ko siya, bawat  shop inaaninag ko kung nasa loob siya.  Nakita ko siya naka-siksik malapit sa hagdanan.

Naramdaman ko ang galit niya. Halos masuka ako sa tindi ng  energy niya, unti-unti lang ako lumapit at binigyan ko siya ng comfort.   Nilapitan ako ng kamag-anak ko at ininform ako na maayos na ang appliance store.

Nagpaalam ako at sinabing  babalik na lamang  ako kinabukasan.

After  lunch habang nasa isang meeting ako,  umusok  ang cellphone ko kakatawag ng kamag-anak ko at sinasabing  dahil daw  sa akin pagkaluko-loko ang appliance store.  Pag dating ko sa lugar,  sinabi  ng  may-ari na lahat ng demo units ay ayaw  umander  at lahat daw ay  nagkaroon ng power  surge.  Ang paliwanag  nila sa mga tao ay nagkaroon ng short circuit sa loob ng store at hindi ang kuwento tungkol sa  bisita.

Nang magsarado ang mall,  ipinakita  namin ang footage na nakuha namin.  Nanlaki ang mata ng manager at sinabing kailangan na i bless ang lugar. Tumakbo ang isang empleyado sa amin at sinasabing  nandoon na naman ang bata sa  TV.

Pinuntahan ko at agad nilapitan ko.  Patago na naglagay kami ng mic sa loob ng damit ko para marinig ang boses niya.  Nagulat ang lahat ng marinig ang boses ng bata sa mga speakers.  Hinawakan niya ang kamay ko at nagpakita ng visions.

Madilim na nang nagtatakbo siya mula sa kanilang bahay.  Hindi naman siya mahirap tulad ng normal na kuwento, nasa middle class siya at ang kanyang ina ay nagtatrabaho sa isang kompanya sa Makati.   Ang ama niya ay dating OFW na naghihintay ng kanyang papeles para makaalis.

Ang kapatid niya lalaki ang may problema, lagi siyang dropout pero  hindi naman nagdodroga, naloloko lang sa babae at sa computers.  Minsan, pagpasok niya sa bahay nila ay may nakita siya  na ikinagulat at dali-dali siyang tumakbo, hindi niya malaman kung saan siya pupunta,  nakaabot siya sa lugar na malapit sa mall, nakaabot siya sa kabila, nang  may biglang bumanggang taxi sa kanya. Alam niya na nakaabot siya sa loob ng mall,  pero nang bumalik siya,  akala niya nagalit sa kanya ang  kanyang nanay dahil sa pagkawala niya at hindi na siya pinansin mula  nuon.

Dahan-dahan kung sinabi sa kanya ang kanyang estado, na hindi na siya buhay pa,  tumayo siya at agad na nawala, nagsigawan ang mga  nasa loob ng shop,   nagkaroon na naman ng short circuit.

Bigla siyang nawala…

Hinalughog ko ang buong mall pero hindi ko siya nakita. Napasyahan ko na bumalik na lang kinabukasan. Pagdating ko sa mall,   agad na nakita ko ang may-ari ng tindahan,  gagawin niya ang lahat mawala lang  ang multo  dahil marami na ang nasisira sa kanyang stocks, malaki ang  malulugi niya.

Pagkasara ng mall, agad na tinungo ko ang tindahan. ‘Andun na  naman ang bata.  Sinabihan ko siya na samahan ako sa bahay niya para  maipaliwanag ko ang nangyari.

Isang maliit na bahay ang nasa subdivision, halos 4 na blocks lang ang layo mula sa mall. Pagdating  ko sa loob  nagpakilala ako na  isang taga-unibersidad na gumagawa ng survey. Halos sipain  ako sa  may gate nila, maya maya,  pinatuloy ako ng isang babae na hindi  naman katandaan,  kulot ang buhok at halos maitim na ang mata sa puyat.   Hindi rin maganda ang postura niya dahil sa kakaupo, binulong sa akin ng bata na siya ang kanyang ina.

Nakit ko ang mga larawan niya sa  may coffee table. Tinanong ko kung sino siya   at sinabing siya si Geraldine, ang kanyang batang  anak, namatay sa aksidente.

Tinanong naman ako tungkol sa pakay ko at sinabi ko na isang survey ang ginawa ko  sa mga naulila ng anak, at sinabi ng baranggay  na isa sila sa mga nakaranas.  Kinuwento niya ang nangyari. Natagpuan niya si Geraldine sa ospital at wala ng buhay, walang nakakaalam  bakit umalis siya ng bahay.

Binulong sa ‘kin ng bata na nakita niya ang tita niya at ang kuya niya na  may relasyon,  nagulat ako sa sinabi at hindi ko alam paano sasabihin ito.   Pumasok sa loob ang lalaki na ayon kay Geraldine ay kuya niya.

Tumayo na ako at sinabing kailangan ko nang umalis.  Nang biglang namatay lahat ng appliances nila at ang iba  nag-short-circuit. Agad na kinausap ko ang bata para tigilan na iyon,  tinanong ako ng kanyang ina sino ang kausap ko, sinabi ko na ang totoo.

kinuwento ko lahat ng pinakita sa akin. Pati ang damit na suot niya ng araw na iyon at ang isa pang palatandaan na sila  lang ang nakakaalam,  na may balat siya sa ibaba ng kanyang hita na korteng isda.

Napaupo   ang ina niya at agad na lumuha, nagpaliwanagan sila at  unti-unti na akong umalis.  Sinabi ng bata  na ayusin ang buhay ng kanyang kuya at mas maganda kung susubaybayan nila ito.

Paglabas ko ng main gate,  biglang may kumalabit, yumakap sa akin si Geraldine,  nagpasamalat sa mga nangyari.

Nakikita pa rin siya sa mall hanggang ngayon. Nagkita nga kami noong isang Huwebes kailan lang.  Hindi na siya naninira ng gamit,  siya na ngayon ang taga-bantay ng tindahan,  nilalapitan ang mga may masamang intensyon.

Malay ninyo, makasalubong ninyo siya minsan. Basta  tumingin lang kayo sa mga electronics store at magmasid sa mga TV na  may camera. Abangan n’yo lang siya.

Leave a Reply