Bahay ni Lola

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Aivy Nebrao Cano

Ahm malaki bahay ng lola ko.. Hindi naman siya gaanong malaki na katulad talaga ng mga mansiyon..pero para sakin malawak tlaga bahala kayo kung di niyo gets basta ganun pagkakakita ko hehe. Pero wala siyng pangalawang palapag ah..first floor lang.

Bakla si tito, at siya nalang mag isang nakatira don. May mga asawa na kasi yong ibang mga kapatid niya. Yong iba naman nasa Maynila (sa probinsiya kami nakatira). Dahil nga beki mahilig siya sa mga eklabush.

Pinuno niya ng kurtina lahat ng bintana at malalakit malalapad yon tsaka makakapal pa kaya madilim sa loob, mga dark colors din kasi ginamit niya. Madaming business ginagawa niya kaya minsan lang siya nakaka uwi don. Mga once a week lang siya kung makauwi. Di din naman kmi makapasok kasi wala kaming key.

May bahay sa likod ng bahay na yon. Minsan nagkuwento yong babaeng nakatira doon. Sabi niya isang araw daw bumangon siya para mag saing may pasok kasi mga anak niya. Mga 4 daw yon ng madaling araw. Nung nag sasaing na siya bigla nalang daw siya may narinig na kalabog don sa bahay ng lola ko. Di lang niya yon pinansin kasi akala niya pusa lang.

Until nakarinig na talaga siya na may nag iigib sa may puso na nasa loob din ng bahay, tapos sa ilang sandali pa may na rin daw nag sasaing nakarinig din kasi siyang may nagtatakal ng bigas tas kumalampag din daw yong kaldero.

Don na siya nagtaka. Sa pagkakaalam kasi niya nasa Surigao si Tito tska di din kami dun humiga. Madilim din ang bahay at naka lock. Kaya sigurado talaga siya na walang tao roon. Nanindig balahibo niya kaya natulog nalang siya ulit. Sabi niya baka daw si Nay Leleng yon( lola ko).

Patay na ang lolot lola ko. Years na ang nakalipas.

Leave a Reply