BABAING NAKA-ITIM

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By Junelie  Abad

Isang araw noong 1998, nagbilin ako sa bahay na madaling araw na ako  makakauwi para hindi na sila maistorbo sa paghintay sa akin. Lampas  alas-dose na ng umaga nang  makauwi ako. Dumaan ako sa likuran ng bahay papunta sa aking kuwarto.

Ngunit bago makarating sa kuwarto ko’y may madaraanang  sofa,  at doon  natutulog ang tito ko.  Dahan-dahan akong lumakad  upang  hindi ako  makagawa ng ingay.

Kinaumagahan, nagising ako ng alas-singko ng umaga at nag-aayos  bago pumasok  sa trabaho.  Napansin  ko na wala na ang tito ko sa sofa at malamang lumipat ng  lugar  na mas kumportable.

Pag-uwi ko ng alas-sais ng gabi, nasalubong ko ang tito ko. Malaki ang ngiti niya at hinanda ko ang sarili ko sa kanyang pag-aalaska. “Naka-ilan ka kagabi?” Ang kanyang tanong.

“Okay naman ako. Anong klaseng tanong iyan, tito? Sabi ko.  “Sus ikaw talaga, papunta ka pa lang pabalik na ako . Naka-ilan ka ba kagabi?”muling tanong niya.

“Saan ako naka-ilan?” Tumawa siya ng malakas.”Nakita kita  kagabing dahan dahan lumalakad. May kasama ka pa ngang nakakapit sa bag mo , babae, naka-itim at mahaba ang buhok . Napataka lang ako  kung  bakit mahaba ang suot niya, todong itim pa,”sabi  ng tito ko. “Wala akong kasama’t mag isa akong umuwi. Wala rin akong girlfriend, okay?” aking prinotesta.

“E sino ang nakita kong babaing nakaitim?” “Ewan ko sa inyo. Basta’t masasabi ko  na  isa siya sa mga hindi natin nakikitang kasambahay,”  sabi ko habang papunta sa aking kuwarto. Napatulala nalang ang tito ko.

Leave a Reply