BABAENG MULTO

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Jol Ong

Nangyari ito sa bahay namin nun sa Proj. 6, so siguro, oks lang.

Anyways, nangyari ito around 2000 o 2001. After ng classes ko sa Diliman, may inattendan akong party sa may V. Luna. Nakainom nang konti, pero kaya pang umuwi. Bagong lipat lang kami nun sa Project 6.

Pagdating ko sa bahay nang madaling araw, ‘yung utol ko ang nagpapapasok sa akin. Dire-diretso na ako sa kuwarto ko nun, tapos tulog.

Sa panaginip ko, nakahiga raw ako sa kama ko sa kuwarto, pero naka-fetal postion daw ako. Ayoko raw i-stretch ang mga binti ko kasi alam ko raw na sa paanan ng kama, may babaeng multong nakatayo. Takot na takot daw ako kasi kapag nag-unat ako ng paa, hahawakan daw ng multo ang binti ko. Weird. Buong gabi ito lang ang panaginip ko.

Tapos, nagising ako nang tanghali. Ang una kong narinig, ‘yung boses ng lola ko sa sala na sinisising ako raw ang nagdala ng multo.

So, hilamos muna ako at nag-ayos. Buti na lang wala akong hangover. So, labas ako sabay nakibalita. Tapos, ayun, ako raw ang nagdala ng multo. Anak ng siopao, ano nangyari?

Apparently, nung gabi, pagpasok ko sa kuwarto, minulto ‘yung utol ko.

Nandun siya sa kuwarto nilang mag-asawa, kasama ang newborn nila. Nag-uusap silang mag-asawa, nang maidlip siya.

Pag-idlip daw ni utol, naging weirdo na raw. Gising ang utak niya kasi narinig niya ‘yung wife niyang nagsasalita, pero hindi niya maigalaw ang buong katawan niya.

Tapos, may nagsalita sa tenga niya.

“Tulungan mo ako…” sabi raw ng boses ng babae. “Walang gustong makinig sa akin. Tulungan mo ako…”

Natakot si utol, tapos pinilit niya magising.

Nagising siya.

Tuloy pa rin ang wife niya sa pagsasalita. Nagtataka kung ano nangyari sa kanya. Akala niya, bangungot lang. Naidlip siya ulit.

At bumalik ulit ‘yung boses.

“Bakit mo ako iniiwasan? Walang gustong tumulong sa akin! Tulungan mo ako!”

May nag-playback. Nakita ng utol ko ang isang babae sa isang houseparty. May kasamang lalaki ‘yung babae. Tumayo ‘yung lalaki, umalis at iniwan ‘yung babae. Iyak nang iyak ang babae.

Habang nangyayari ‘yun, nandun pa rin ang boses.

“‘Wag mo akong iwasan. Tulungan mo ako…”

Pinilit ulit ni utol na magising. Pag-gising niya, tinanong siya ng wife niya kung ano problema at bakit parang weirdo siya.

Biglang umiyak ‘yung newborn nila. Hindi iyak na usual na iyak dahil gutom o kailangang palitan ng lampin. Iyak na nagwawala. Iyak na parang nasasaktan ‘yung bata. Umabot sa puntong nagising ang nanay ko at kumatok sa kuwarto nila para tanungin kung ano ang nangyayari.

Tumahan lang ‘yung bata nung sinindi nila ‘yung ilaw sa kuwarto.

Buong gabing nakasindi ‘yung ilaw sa kuwarto.

So, pagkatapos ikuwento ng mga tao sa bahay ‘yung nangyari kagabi, sinisi ulit ako ng lola ko. Ako raw ang nagdala ng multo sa bahay.

Ngayon, natatawa na lang ako. ‘Yung bahay namin sa Project 6, ang dami pang mga katarantaduhang kamultuhang nangyari dun (may nanggagaya ng itsura, for example).

At nung gabing ‘yun, natatawa akong isiping walang ibang magawa ‘yung multo kundi piliting makipag-usap sa isang natutulog na lasing.

Pero hindi ito ang ending ng kuwentong ito.

Habang kinukulit ako at sinisisi ng lola ko, biglang nag-text ‘yung isang kabarkada ko.

“Musta kayo dyan? Tawag ka ngayon.”

So, tawag naman ako.

“Musta kayo dyan?”

“Okay lang. Bakit?”

“Napanaginipan ko kasi kayo.”

“Ano?”

“Bumisita raw kami dyan. Tapos may multo sa bahay nyo.”

Itong kaibigan kong ito, taga-Rizal.
At hindi pa napapabisita sa bahay namin.

“Anong multo?”

“Ewan. Babaeng multo. Basta ‘yun, parang totoo e, kaya kinamusta ko kayo.”

Kinuwento ko ang nangyari nung gabi,
at ang masasabi ko lang ay WTF.

 

Leave a Reply