BABAE SA PINTO

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Jerome

Nangyari to 2013 pa sa Silang, Cavite.

Bali nang imbita yung katrabaho namin kasi birthday niya lahat kami mga nasa 15 or higit pa puro kami naka motor.

Ang out namin sa trabaho is 2pm kaya nakadating kami doon mga 3:30pm mga ganun kasi sa Sta.Rosa lang namn yung trabaho namin, una kainan kwentuhan

Mga bandang 5:00pm yung iba nag-yaya na uwuwi lalo na yung mga may asawa. Kaya ang natira 7 na lang kaming bisita niya meron din namang iba mga kamag anak niya mga 6:00pm nag umpisa na mag shot (red horse).

Ganoon lang yabangan sa trabaho basta kung ano-ano usapan mga 7:30pm na medyo may tama na kami. Nag sabi yung asawa ng katrabaho namin na alalay na kasi byahe pa kami at the same time naka motor pa.

Kaya napag desisyonan na uubusin na lang yung isang litro. Bago yun, anak niya nag lalaro kasama mga pinsan yata. Pinapasok ng katrabaho namin kasi malamok na ( malamok talaga , yung lugar kasi nila puro puno tapos malayo sa kalsada )

Nang biglang tumakbo yung bata sa kanya ulit iyak ng iyak tinanong ng katrabaho namin kung bakit siya nag-iiyak.

“Papa ayaw ko pumasok sa bahay may babaeng nakatayo sa pintuan natin naka-itim.”

Tinginan kaming lahat wala naman kami nakikita. Inisip ng katrabaho namin na nag-dadahilan lang para makapag laro pa. Noong hinatid niya nag-pupumiglas ayaw talaga pumasok.

Doon nag tayuan na balahibo ko. Tanggal yung tama ng redhorse sa akin pati mga katrabaho kong iba parang natakot din.

Yung biyenan ng katrabaho ko may konting alam nag-sunog ng kung ano pinaikot sa bahay nila. Tiaka lang pumasok ung bata wala na daw yung babae

Ang kinatakot namin sabi ng nanay niya baka daw sumama sa amin. Doon ako natakot gabi mag alas 9:00pm na.

Mabuti nakauwi naman lahat kami ng maayos. Nag-kalagnat yung anak nya tatlong araw. Pina-albularyo sabi natuwa lang daw sa bata yung babae. Hindi ko alam kung multo o engkanto.

Leave a Reply