Babae sa Lumang Salamin

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Aiza Gomez

Graduating na ako noon, at tulad ng karamihan sa mga Isko at Iska, mahilig din ako magcram lalo na pag papers. Sabi nga nila, mas lumalabas ang creative juices kapag alam mong gipit ka na sa oras.

Pero ng gabing iyon, thesis ang pinipilit kong tapusin dahil deadline na kinaumagahan. Ito ang tanging gabi na alam kong hindi talaga ako matutulog matapos lang ang thesis at maihabol sa deadline para makagraduate ako ng April.

Mag-isa ako sa sala dahil maaga natutulog ang mga kasama ko sa bahay. Hindi ako tumitingin sa lumang orasan na nakasabit sa dingding, pero dinig ko ang bawat tick-tock nito na para bang nagsasabi sa akin na dapat ko ng bilisan ang ginagawa ko.

Mula bata, ayoko talaga na matataon ang sulyap ko sa relo sa oras na alas dose ng gabi. Sa bandang ibaba ng orasan, nakasabit ang isang lumang salamin. Malaki ang salamin, mas matanda pa sa akin. Dati itong parte ng aparador na nabili ni Lola taong 1950.

Nakailang lipat na kami ng bahay pero lagi namin kasama ang salamin na yun. Ewan ko ba. Sabi kasi ng matatanda, may nakatira daw sa salamin na yun kaya ng masira ang aparador, yun lang yung natirang buo pa hanggang ngayon. Sabi rin nila, hindi din naman daw nananakit yung nakatira sa salamin – isang babae.

Habang buong atensyon ko ay nasa thesis, napansin kong tila may nakatingin sa likod ko. Nanlamig ang mga kamay ko at naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa batok pati sa mga braso.

Ayokong lumingon, alam kong alas dose na. Pero iba talaga, parang may umiihip sa tenga ko. Pinikit ko ang aking mga mata. Baka sakaling mawala ang kakaiba kong nararamdaman. Isa, dalawa, tatlo…..matagal tagal din bago ko minulat ang aking mga mata.

Pagmulat ko, nakita ko yung babae sa harap ko, pero dahil nakaupo ako at nakatayo sya, di ko nakita ang mukha nya. Unti-unti syang lumayo sa akin, sinundan ko sya ng tingin…..kita ko ang likod nya.

Lumulutang sya, pabalik, papasok sa lumang salamin. Sa isip ko, wag sana syang lumingon. Hindi ako handang makita ang mukha nya. Pagpasok sa salamin, nawala sya ng parang bula.

Siya rin kaya yung babaeng yumuyugyug sa ilalim ng kama ng kapatid ko noong mga bata pa kami? Siya rin kaya yung babaeng sinundan ko hanggang sa maglaho sa akalang siya ang Tita ko? 2014 na……ang lumang salamin ay nakasabit pa rin sa aming sala.

Nandoon pa rin kaya yung babae?

 

Leave a Reply