SHADOW

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Jel Maquiling

I’m from UPLB Batch 01. Madami ako experiences sa elbi campus at sa foreha. I-copy & paste ko sana dito yung mga kwento ko from my usb flash drive unfortunately, naiwan ko pala sa office.

Anyway, yung pinakauna kong experience sa elbi ay yung sa sidewalk sa may MSI. 1st year ako nung time na yun. May practice kami para sa Hist1 class namin at dun kami sa parking lot sa likod ng admin nagprapraktis.

Apat kaming magkakaklase kakatapos lang namin kumain sa canteen ng dorm bago ang St. Therese Chapel. Papunta na kami sa practice nung naisipan ng isang kaklase kong babae na magwithdraw muna sa ATM malapit sa gate.

Kaya sabi nila sumunod na lang daw ako sa kaklase naming lalaki. Patawid na ako ng kalye at natanaw ang isang anino ng lalaki sa gilid ng MSI(left side ng kalye), sa pagaakalang yun ang kaklase kong lalaki sunod lang ako sa anino.

Hanggang sa pagtawid ko ng kalye nagulat ako may nakaluhod sa harap ko. At yun yung kaklase kong lalaki doon ako nabigla at sinabi sa kanya na “akala ko ikaw yun” (nasa right side kami ng kalye). Sabi niya “ha? nasan?” Pagtingin ko kung san ko nakita ang anino wala na ito. Imposibleng hindi ko na ito makita dahil walang pwedeng likuan o puntahan na iba ang anino na iyon.

Hindi ko na masyadong inalala ang nangyaring ito. Naalala ko na lang siya nung minsang mapanood ko sa MGB yung anino na nakunan nila sa tapat ng Baker Hall.

Leave a Reply