ANICA

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Mica Joy Riva

Ako nga pala si Mica, pinsan ni Anica. Yun pinsan ko? Ay mabait yun,palakaibigan, masayahin. Pero isang araw nagbago ang lahat. Pinilit kong itinanong sa kaniya kung anong problema, ngunit kung minsan aalis na lang siya bigla na parang walang narinig.

Kami lang kasi ang magkasama sa iisang boarding house dito sa Quezon, kaya ang laki ng pagtataka ko sa nangyayari.

“Anica,oh,kain kana..Tatlong araw ka nang walang kain eh, yung itsura mo mukha ka nang patpat.”sabi ko. Ngunit laking gulat ko sa sinabi niya.

“Moritum versus cristus.” Napatawa ako na naguguluhan.

“Kelan ka pa natutong mag latin?” tanong ko. Ngunit umalis na naman siya at dumiretso sa kuwarto. Ilang araw pa ang makalipas. Hulyo 29 taong kasalukuyan. May na receive akong text galing kay Anica.

A: Moritum versus cristus. Hindi ko na lang inintindi yung text dahil may klase pa kami.

Bandang hapon, pasado alas tres may narecieve ulit akong text, pero hindi galing kay Anica. Hindi siya naka phonebook sa cellphone ko or sa sim man lang kaya number lang. Ito ang text., Ang diyos ay lilipulin lahat ng mga taong taliwas sa kaniya, Ipapatapon niya sila sa impiyerno at susunugin ang katawan sa nagaapoy na lugar.

Hindi ko nireplayan ang text kasi baka prank na naman ito ng mga kaklase ko. Nang pauwi nako naalala ko ang susi ng boarding house namin ay nasa locker ko pa. Kapag hindi ko yun kinuha at umalis si anica tapos ay nilock ang bahay.Hindi ako makakapasok.Kaya nagtext ako sa kaniya

Me: Anica, andyan kaba sa bahay? Dalawang minuto na ngunit wala pa akong narerecieve na reply niya.

Me: Ano ba Anica, nasa bahay kaba?? Magreply ka naman! Galit nako nun kaya naisipan kong tawagan siya baka kasi tulog pa. Nagriring lang, walang sumasagot. Kaya napagdesisyunan kong bumalik sa campus at kunin sa loob ang locker ko ang susi ng bahay.

Makalipas ang mga isang oras nasa bahay na ako. Mga lampas Alas kwatro na noon. Medyo hapon na,palubog na ang araw. Bukas ang bahay kaya sabi ko sa sarili ko.

“Ito talaga si Anica! Hindi man lang sinabing nasa bahay pala siya. Nag aksaya lang tuloy ako ng pamasahe para bumalik.

“Pagpasok ko.. “Anica! Binilhan kita nung siopao na paborito mo. Oh!” Pero walang sumasagot. Tiningnan ko siya sa kuwarto pero wala siya.

“Asan na kaya yung batang yun.” Mas matanda ako kay anica ng isang taon at isang buwan kaya ate ang tawag niya sakin.

Hinayaan ko muna siya at baka nasa kapitbahay lang at nakikipaglaro.Pumunta ako ng kusina.Nakita kong walang kabawas bawas ang ulam na niluto ko kay anica kaninang umaga pati nadin ang pagkain sa ref.

Nagtaka nako, hindi pa din kaya siya kumakain?? Pumasok ako sa kuwarto ko. Nagagawa ng report para bukas.

Pero mga pasado alas syete, wala padin si Anica kaya naisipan ko ulit siyang tawagan. Tumunog ang cellphone niya sa cr kaya pumunta agad ako sa cr. Nakalock ang cr kaya pumasok ako ulit sa kwarto ko para kunin sa bag yung susi.

Bigla akong natisod, lumusot ang susi sa ilalim ng aparador namin na lagayan ng kutsara at mga plato. Maliit lang ang butas kaya nahirapan akong kunin yun.

Sinungkit ko pa yun gamit ang stick na nakita ko sa may kuwarto ni Anica. Nang makuha ko na, binuksan ko ang cr nang biglang, nasuka ako sa nakita ko. Nanlunos, nagulat,­ nanlumo.

Anong reaksiyon ang dapat kong maging reaksiyon?? Hindi ko alam. Nakita ko si Anica na nakasabit sa cr na wala nang buhay. Nanlalagas na din ang laman niya dahil siguro sa tagal nang pagkakasabit.

Mabaho na din ang katawan niya. Napatakbo ako sa kuwarto at tumawag kay Tita. Nang lumipas ang gabing iyon, sinundo kami ng Mama at mga Tita dito sa Quezon. Nang ma autopsy ang bangkay ni anica tatlong araw nang patay si Anica.

Paano magiging tatlong araw kung kasama ko pa siya kahapon ng umaga. Nagtext pa siya sakin noong hapon. Paano nangyari yun? Anica? Anong nangyayari? Marami pading tanong at palaisipan sa isip ko kung bakit nagpakamatay si Anica. At kung bakit hindi man lang ako naccr sa bahay namin sa loob ng lumipas na apat na araw.

 

Leave a Reply