ANG SAPA NI KAYMALABO

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Roy Masilang Macatangay

Totoo bang may nagbabantay sa kaymalabo?

oo, totoo. Halos  lahat ng tao sa Baryo Pina na kinalakihan kong probinsya  sa Batangas  ay kilala  ang sapang ito. At hindi  lang iilan sa kanila  ang sumumpang na kakita, nakaramdam  at nakaengkwentro  ng di-maipaliwanag na karanasan tungkol sa   sapa.  At isa ako sa kanila. Ang Kaymalabo  ay ang sapang  naghahati sa tatlong  maliliit na nayon-Duhat,  Conde at  Labak- na bumubuo sa Baryo Pina.  Halos lahat ng tao dito ay  magkakamag-anak  at magkakilala, kaya hindi kaila  ang isang  umaaktibong  kwentuhan  kapag nagkasalubong sila sa daan o simpleng  nagkaipon-ipon lamang.  At sa bawat  kwentuhang ito’y hindi nawawala  ang kwentong Kaymalabo.

Madalas  daw magpakita dito  ang puting kabayo na umiinom  sa gilid ng sapa  tuwing  mag-aagaw  ang liwanag at dilim. At ayon sa  mga taong nakatira malapit  sa   kayMalabo, madalas nilang marinig  ang yabag ng kabayo  tuwing  gabi.  Bigla  na lang  daw nawawala ang ingay ng mga palaka sa may sapa kapag  naririnig  na nila  ang  wari’y  namamasyal na kabayo sa may sapa.  Isa  ako sa mga  nakakita sa kapitbahay namin na  natagpuang  nakayakap sa  puno ng acacia sa baybayin ng sapa.  Tulala. Iniligaw daw dito ng puting kabayo.

Isa pang  insidente na halos  kapareho  nito ay ang karanasan ng tatay  ko.  Papunta raw sila sa kabilang  nayon  para pag-disco . Dahil  ang KayMalabo lang ang tanging  daan papunta ‘dun, kailangan nila itong tawirin. Ngunit  napansin nilang ilang beses  na silang  pabalik-balik dito.  Parang paikot-ikot lang daw nilang nadaraanan ang sapa. Ngunit nang lumaon, nakarating din sila sa fiesta, pero halos patapos na ang sayawan. Pawisan lahat at nakabaligtad ang damit. Minsan din daw ay niyaya ang kasambahay naming si  Aries ng Tito Unyod  niya at barkada nito na mamaril  ng isda sa sapa.  Ilang oras nag-abang  at sumisid si Mang Unyod pero wala itong nahuli. Nang muli siyang sumisid, nagulat nalang si Aries dahil  kumakawag na ang Tito Unyod niya. Nalulunod. Agad naman itong nasagip. Nang mahimasmasan, ikinuwento  nito na may nabaril siyang palaka sa may bato  sa sobrang nis  dahil wala isdang mahuli. Ang nakapagtataka lang daw paanong malulunod ang Tito niya samantalang  hanggang  bewang lang ‘yung sapa.

Mahigit  dalawampu kaming magkakapitbahay na lulan ng isang  arkiladong  jeep at hindi rin kami  nakatakas sa isang kakatwang  karanasan sa sapa. Pauwi na kami  noon galing championship ng basketball  sa kabilang nayon. Laking pasasalamat namin  at nagawan ng kalsada ang dating makipot na daanan.Tinambakan at  sinimento ang  maliit na parte  ng sapa  upang  madaanan  at hindi masyadong  lumubog  sa tubig ang sasakyan. Mga player, cheerer,   mga miron at epal ay kasama kaya naman jampacked ang jeep. May sabit  sa likod at gilid; may nakasakay pa sa bubungan. Lahat  may kanya-kanyang kwentuhan at tawanan. Masaya  ang lahat dahil ang nayon namin  ang nanalo sa championship ng basketball . Pero nabago ang lahat. Biglang naputol  ang ingay. Namatay na lang ang  makina ng sasakyan nang walang dahilan. Pati mga ilaw  nito sa loob at labas ay namatay. Madilim na madilim  ang buong paligid . Natahimik  ang lahat..wala  agad naglakas -loob magsalita. Nagpapakiramdaman. “Ka Maning naman… gabi na para magbiro kayo ng ganyan!” sigaw  ng pinsan  ko na  bumasag sa katahimikan. “Wala  aking kinalaman dito, ah!” tugon ng driver. “Tsaka sa lahat pa naman  ng lugar  dito sa baryo natin, hindi ko kayang magbiro kk.. kay.. dito!!!!” pagpapatuloy ni Ka Maning. Saka pa lang namin namalayan na eksaktong  nasa gitna kami ng  Kaymalabo. At  sa pagkakataong ito, wala akong  ibang naririnig kundi ang agos ng sapa. Kahit ang sarili kong hininga ay hindi ko marinig. Nakakakilabot  ang ingay na likha ng agos  habang bahagya itong tumatama sa mudguard ng jeep.

“Makikiraan po KK.. kaayMalabo….” pakiusap ni Ka Maning  sa sapa, “pasensya na po.. maingay…aaah…. tabi-tabi po…  paraanin  niyo  na po ka…mmme…” nanginginig  na pagpapatulog  ng driver. Biglang nabuhay ang makina ng sasakyan. Ngunit wala pa  ring kumikilos sa amin. Nagtitigan. Maya-maya’y bumalik ang headlight at ilaw ng jeep na naging hudyat na pinatawad na kami ng sapa sa aming paggambala dito.  “Salamat po!!”agad na tinuran ni Ka Maning sabay lingon sa amin na namumutlang nakangiti. Sunod-sunod na ‘salamatpo’ tabi-tabi po’ at ‘ nakikiraan po’ ang aking narinig habang tumatawid ang lahat. Bumalik ulit  ang sigla ng grupo nang sermunan ni  Ka Maning ang Konductor ng kanyang sasakyan dahil ng bumalik ang liwanag ay nahuli niyang mahigpit ang yakap nito sa kanyang dalagitang anak.   Tandang-tanda ko  noong December 9, 1990, anim na taong gulang pa lang ako noon.  Inutusan kami ni Kuya na pumunta  kay Lolo Tino a Kabilang  nayon upang kunin ang duyan na pinapagawa ni tatay   para sa panganganak ni nanay.

Matapos naming magtanghalian ng kuya ko, agad kaming tumungo sa nayon  ng Conde kung saan mag-isang naninirahan sa isang maliit na kubo  si Lolo  Tino. May  daanan na noon  ng sasakyan  ngunit  aabutin ka ng kinabukasan  sa paghihintay ng sasakyang magdadala sa ‘yo  sa kabilang  nayon kaya’t minabuti na lang naming  maglakad , mas enjoy at makakapaglaro pa kami  sa daan. Narating namin nang walang kahirap-hirap ang bahay ni Lolo Tino.  Hapon na nang  matapos ang duyan. Malapit nang dumilim. Oras na para  umuwi. Bago pa man kami  umalis ay tinawag ako ni Lolo Tino.”Halika rito sandali,  utoy.” sabi niya. Agad naman akong lumapit. May binigay siya sa akin-isang piraso ng  animo’y tipak ng kahoy na kasing laki at haba ng krayola.

May nakatali pa dito na  tila  balahibo  ng manok. Itago  ko ran sa bulsa ko. At ang bilin niya. “Wag mong  tatangalin  o  paglalaruan ang kahoy na binigay ko sa’yo. Tanggalin mo lang sa bulsa mo kapag nakarating na kayo ng Kuya mo sa bahay niyo… at pagkatapos , itapon mo sa pinakatuktok ng  inyong bubungan.” Sa pagod ko sa paglalaro, nawalan na ako ng lakas upang  mag-usisa pa. Kaya walang tanong-tanong, isinilid ko sa bulsa ang ibinigay niya sa akin.  Napagkasuduan namin  ng Kuya ko na ako muna  ang  magbubuhat ng duyan  hanggang KayMalabo.  At simula roon ay siya naman ang magdadala. Habang naglalakad kami’y panay ang ngasab niya sa nilagang mani na pabaon sa ‘min ni Lolo Tino. At nakuha  pa nitong mamulot ng sanga ng puno  na wari’y espada na panghawi ng damo  sa daanan.  Dahil hindi ko kayang buhatin ng isang kamay lamang ang duyan, hindi na  ‘ko  makapaglaro, hindi pa ‘ko makakain  ng mani.

Sa tinagal-tagal ng paglalakad  namin,  malayo  pa lang ay ko na  ang huni ng palaka sa sapa,  malakas. Sa wakas, ang kuya na ang magdadala ng duyan pagtawid  namin sa KayMalabo. Habang palapit kami ng palapit sa sapa,  napahinto ako sa  paglalakad. May iba akong nararamdaman, nakakapangilabot  ang malamig na hangin sa batok ko. Parang may umiihip. Magmasid ako sa paligid , walang ibang tao. Pero iba ang pakiramdam ko.  “Hoy, Roy! pang tinatanga tanga mo d’yan, bilisan mo !!!” sigaw ng kuya  ko na  nasa gilid na ng sapa. Nahuli  na pala’ ko, kaya tumakbo  ako sa kinaroroonan ng kuya ko na di naman kalayuan.

“Kuya, ‘wag kang  magtapon ng balat ng mani’ dyan sa sapa… tsaka ‘wag kang  bato nang bato,” saway ko sa kanya nang marating ko na  ang gilid ng kayMalabo.  Maliwanag pa sa isip ko ang pahabol na bilin sa ‘min ni Lolo Tino na inulit ko sa kuya   kong matigas ang ulo. “Sige po Lolo  Roy… haay… nagpapaniwala ka sa mga ganyan,”

Kantiyaw  ng Kuya ko sabay hagis sa sapa ng tangan-tangang  bato. “MAKATAMA KAYO!!” Napatalon kami  sa gulat nang  biglang may nagsalita sa  bandang  itaas ng sapa.  May  isang  batang lalaki na nakatayo  sa may malaking  bato  kasama ang isang matandang  babae na sa tingin ko’y nanay nito.  Naglalaba sila sa gitna ng sapa.  “Pasensya na po,”  agad  akong humingi ng paumanhin at dali-dali kaming  tumawid sa sapa.  At habang tumatawid  kami sa  pataas na daan ng sapa  ay muli  kong nilingon  ang mag-inang naglalaba. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit hindi ko na  naririnig ang huni ng mga palaka. Ngunit bago pa man lisanin ng aking paningin ang sapa ay napako  ito sa  bandang ibaba ng kinaroroonan ng mag-inang naglalaba. Sa  eksaktong  dinaraanan namin ng kuya  sa pagtawid sa sapa  ay may dalawang  bata. Sa Bawat sapa ay napako  ito sa bandang ibaba ng kinaroroonan ng mag-inang naglalaba. Sa eksaktong  dinaraanan  namin ng  kuya  sa pagtawid  sa sapa ay may dalawang bata.  Sa bawat kumpas ng palo-palo ng babaeng  naglalaba ay tila palubog sa sapa ang  dalawang bata. Kinilabutan ako.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.  Patakbo na sana ako sa kuya ko pero may  mas malaking bumulaga  sa akin-nasa harapan ko na ang mag-inang kani-kanina lamang ay naglalaba sa sapa, nakatalikod  sa akin at  marahang naglalakad! Paano Mangyayari ‘yun, naririnig  ko parin  ang ingay ng palo-palo sa sapa? Nagtayuan  ang lahat ng balahibo ko. Hindi agad ako nakagalaw. Hinanap ng mga mata  ko ang aking  kuya.  Nasa  unahan  s’ya ng mag-ina.  Tuloy-tuloy sa paglalakad at  walang sa nangyayari  Huminga ako  nang malalim  at tumakbo hanggang  maabutan ang kuya  ko. Nilagpasan  ko nang nakapikit ang mag-inang naglalakad. Nakarating kami sa bahay  nang tumatakbo. Napaniwala ko ang kuya ko na may asong ulol na humahabol sa ‘kin sa sapa kaya nakitakbo na rin s’ya. Hingal na hingal at  nanghihilakbot pa rin ako.  Matapos  ang hapunan, pumasok na’ ko sa kwarto upang magpalit ng pantulog.

Nang  hinuhubad ko na ang shorts ko, may nakapa ako. Naalala ko ‘yung  kahoy  na binigay sa akin ni Lolo Tino, nasa bulsa ko pa. ‘Di ko na malayang  dala-dala ko pala iyon. Ipinasok ko ang kamay ko  upang kunin ang kahoy ngunit  iba ang  nahawakan ko. Puro dahon  na lang ng damo, na noon ko lamang nakita, ang laman   ng bulsa ko. Wala  na ang kahoy.  Kinabukasan nabalitaan naming namatay si Lolo Tino.   Umuwi ako sa Batangas noong October 29, 2005 upang dalawin ang  mga  kamag-anak kong nakalibing doon. Kasama  ang kababata kong  si Rocky, dala  ang kotse n’ya,  simula  Makati’y dalawang oras lang at narating na namin ang kinasasabikang  probinsya.  Nang  hapon ding ‘yon ay nagtungo kami sa  sementeryo  upang linisin at pintahan ang puntod ng Lola Impo ko at Lolo Tino ni Rocky. Pagkatapos  namin sa Lola  impo ko  ay isinunod naming asikasuhan ang Puntod  Ni Lolo Tino  sa may  ‘di  kalayuan. Hindi ko inaasahang ang lahat  ng nakakatakot  na alaala ng sapa  noong  bata pa ‘ko ay biglang nagbalik  nang makita ko ang kinahihimla ni Lolo  Tino.  Simula ulo hanggang  talampakan ang nararamdaman kong kilabot.  “Okey ka lang, pare?” tanong  ni Rocky. Namumula raw ako.  Nagbiro na lang  ako na maputi lang  ang damit ko. Ngunit  mas kinilabutan ako  nang  linisin na namin ang  puntod ni Lolo  Tino.  Pamilyar  ang damong tumubo at tumakip sa  lapida ni Lolo  Tino.  Iyon  ang mga dahong  nakuha  ko sa aking bulsa  noong December 09, 1990.

Leave a Reply