ANG BANTAY

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Jessica  Labores

Isang mall sa Manila  ang sinasabing  may nagpakamatay. Pero sa  totoo lang,  hindi iyon ang unang insidentem walo  na  ang nabalitaan ko na nagtangkang mag-sucide  doon mula ng taong 2000.

May isang lumapit  sa amin habang  naka-duty ako sa bagong  mall na ginawa ng taon 1998.  Dahil sa napakaganda ng gusali, puntahan  din ito ng mga foreign singers. Dito  sila nag-iintroduce ng kanilang mga  bagong labas na albums.

Sabi ng babae, masyadong  bothered siya sa nakikita niyang mga  visions.  Ayon sa kinuwento niya, sa mall na iyon ay may nakita siyang  tumalon mula sa  3rd floor at bumagsak sa stage sa ibaba.  Ako at ang  manager ko, hindi namin pinansin ang kuwento ng teenager.  May tama lang daw sa pag-iisip siya.

Ilang araw ang lumipas, bumalik sa amin ang babae,  kilala daw niya ang nagpakahulog at sinasabing  may kamukha  siyang tao na nagpakita sa kanya pero walang mukha.  Masyadong makulit ang babae, kaya  napasyahan namin na isumbong siya sa  kalapit na security guard. Inisip namin na  may tama lang siya sa ulo.

Mayo 1998,  unang linggo ng pagbukas ng prestigious na mall  na ito,  abala ang lahat dahil sa 1 week celebration. May mga  singers na nagpeperform tuwing hapon.  Sa oras na iyon, may nagpeperform na  orchestra  kasama ang sikat na artista. Nang  may tumakbo mula sa isang tindahan ng sapatos at tumalon pababa  papunta sa aisle at nahulog  sa stage sa ibaba. Hindi namatay ang babae pero malaki ang naging pinsala  sa kanya.

Kinagabihan  hinanap namin ang babae na nagkuwento sa amin ng una. Inisa-isa namin ang mga  stall pero wala kaming nakita. Ang sabi  ng iba  na beterano  na sa pagtatrabaho sa malls, mayroon daw talagang lumilitaw na babae  sa mall,  lalo na sa panahon ng unang pagbubukas nito, at sinasabing  may mga kuwento na ibibigay prior sa pangyayari, karamihan dito ay may nasasaktan at namamatay.

Pinuntahan namin ang lugar kung saan galing  ang babae na nag pakahulog para malaman ‘yung sinasabi nila na may  nakikitang mag-kamukhang tao. Pinakita  ng manager nila ang isang kuha  sa security cam nila,  nakita ang babae na nag pakamatay at isang kasama nito na  halos ganu’n din ang itsura. Inisip  ng manager ko na baka  naman magkakambal or magkakapatid  ang mga babae.

Sinabi ng kahera  ng shoe store,  na kasama  pa ng isang teenager na wala talaga silang nakitang “kakambal” ngunit nang ipakita namin  sa kanila  ang surveillance tape,  sinasabi nilang walang  mukha  mukha ang babaeng “kakambal” na kasama ng babaeng  nagpakahulog.

Naupo kami  at na-conclude  naming na-witness  namin ang  isang doppelganger. Walang  ibang explanation.

Akala ko  ‘yun lang ang insidente na makikita ko  ang babae. Ilang buwang na ang nakalipas matapos ang mga kuwento tungkol  sa mall  na iyon.  Habang  nagmimeeting kami sa labas  ng isang client, nakita ko ang babae, ganun pa rin  ang suot niya, maikling  puting t-shirt  at palda na abot lamang  sa kanyang tuhod at may kaunting  make-up  siya sa mukha, malinaw ang kanyang  balat at kulay bronze ang kanyang  mata. Matangkad siya at maayos ang pagkatali  ng kanyang buhok.

Agad akong tumayo at hinabol  ko siya. Nakilala  niya ako,  ang tawag niya sa akin ay “matabang angel”  tinanong ko kung  paano niya nalaman ang suicide ng babae. Hindi siya kumibo at dali-daling nilayuan  ako,  at hinawakan ang kamay ko sinabing magkakaroon ng sunog  dito  bukas, apat ang patay.

Bigla niya akong iniwan at tumalikod siya,  sinundan ko paglikod  niya sa  may CR, pero bigla siyang nawala. Bumalik ako sa meeting  namin at hindi mawawala sa isip ko ang sinasabi niya.

Kinabukasan,  kinakabahan ako sa mangyayari. Alam ko na masusunog ang mall pero wala naman akong magagawa. Mabigat  sa pakiramdam kong pumasok sa trabaho.

Mga bandang  7 pm, sinabi na nga ang nangyari,  biglang may  apoy na lumabas mula sa isang restaurant sa itaas,  madami ang nag-panic at dali-daling  naglabasan, nag-on na ang sprinkler system  sa itaas  kaya halos wala kaming makita sa loob sa kapal ng usok at tubig na umaagos sa sprinklers.  Nang makalabas kami ng gusali, naaninag ko ang teenager. Hinabol  ko siya,  napansin niya ako at nahawakan ko ang damit niya  at lumusot ang kamay ko.  Napatigil  ako sa nakita ko.  Tumigil  siya sa  pagtakbo at nawala.  Nagpasya ang management na pauwiin  na lang kami.  Simula  noon hindi ko na siya nakita pa ulit sa mall na iyon.

Halos nine years na mula nang magtrabaho ako muli sa mga mall, napili ako na maging isang manager ng malaking restaurant  sa bagong tayong mall. Masaya ako sa position ko atsaka proud ako na isa  ako sa mga unang team na na-assign sa mall.

Hindi naglaon, naaninag ko ang isang familiar na mukha. : ang teenager.  Hindi naman  lang nagbago ang itsura niya.  Agad na hinabol  siya  pero nang maabutan ko siya, tinanong ko kung ano ang ginagawa niya doon,  at matagal na panahon ko na siyang ‘di nakikita. Nanlaki  ang mata niya, at kinumusta pa ako,  kaso sinabi niya na may mamamatay dito sa mall. Nagulat  ako sa sinabi niya, iilang linggo pa lamang binuksan  ang mall para may mangyaring  ganito.

Nainis na ako dahil sa tuwing magkikita kami,  may sakuna na nangyayari.  Hinawakan ko siya pero tumagos ang kamay ko sa kanya.

Bigla siyang nawala, ilang oras  lang pagkatapos noon ay may  biglang nagpakalaglag mula sa 3rd floor,  tumama ang babae sa isa pang mamimili. Pareho silang namatay sa insidente; bigla akong nanglambot  sa nangyar, iniisip ko na baka sila ang sinasabing “Kamatayan.”  Nagkaroon kami ng salo-salo sa isang restaurant  ng mga pinsan ko, halos lahat kami  nagtrabaho na sa mga  malls.  Kinuwento ng pinsan ko na si Joshua na minsan nagkaroon ng sunog sa kanilang sinehan.  Ilang oras bago nangyari ang insidente nakita ng mga stall owners ang teenager na babae na lumilibot  at sinasabing masusunog  ang lugar.

Napagkuwentuhan namin  na matagal na itong “urban legend” pero hindi niya akalain na makikita ko ito ng personal. Sabi nila na may mga spirits na talagang  nagbibigay ng mga  warnings sa isang lugar,  tulad ng “Taong putik”  ng Bicol, na sinasabing kumakatok  sa bawat  bahay na dapat lumikas na bago  pumutok ang bulkan.  Lahat daw kasi  ng bahay na dinadalaw niya ay sagagasaan ng lava.

Hindi sila mga multo,  kundi mga spirits na nagbabantay  lang sa kaligtasan at welfare ng mga tao.  Pero ito ay tunay na  nangyayari. Sa  probinsya  nagkakaroon ng maraming sightings  ang mga “bantay”, dito  sa lungsod, iilan lang pero lahat sila hindi  dapat katakutan.

Leave a Reply