Ang Babae sa Tapat ng Umali Hall

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Dey Esturas

Nung 8 or 9 years ago pumunta kame ng family ko at ng mga cousins ko sa UPLB ng bandang 2:00am or 3:00am ng madaling araw.. sobrang dilim ng paligid nun tanging yung ilaw lang ng mga poste ang nagbibigay liwanag sa paligid..

Habang abala ang lahat sa pakikipagkwentuhan, nilibot ko na lang ang paningin ko sa buong lugar, mula sa kinatatayuan ko kita ko ang buong field pati na rin ang S.U at ang Umali Hall..

Nakipaghabulin sakin si mama ng biglang napatigil ako ng may isang babae na nakakuha ng atensyon ko, tamang lang ang kanyang tangkad, mahaba ang buhok, para syang nakadress na hanggang tuhod tapos may dala syang parang briefcase, naglalakad sya ng bigla tumigil sa tapat ng Umali Hall tapos tumawid sya, nakatingin pa rin ako sa kanya ng biglang may nakita akong kotseng mabilis na dumaan,

Kitang kita ng dalawa kong mata na nabangga sya, pero laking taka ko kase pagkalampas ng kotse nawala sya, pati hindi man lang tumigil yung driver nung kotse para tignan yung babae na nabangga nya.. agad akong lumapit sa mama ko at nagtanong kung may nakita syang babae na tumawid sabay turo kung saan, pero wala naman daw sya nakita.. dun na ko kinilabutan at natakot, simula nun kapag napapadaan ako sa Umali Hall naaalala ko yung pangyayareng yun..

Leave a Reply