ANAK

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Jessica Labores

Namamasyal kami ng mama ko sa isang mall sa Manila.  Madalas kami sa mall na ito dahil kamag-anak ko ang taga-Leasing na si  Mark. Nang makita kami minsan, niyaya niya kami  sa office at may kinuwento siya tungkol sa isang nawawalang bata.

Lingid sa kaalaman ng tao,  madaming  kababalaghan ang nangyari sa mall na ito. Minsan ginugulo ang opisina niya o madalas na may  mabasag  na elevator panel.  Pero itong kuwento niya halos  hindi niya  daw talaga makalimutan.

Kuwento ni Mark,  may bata raw na nasa customer service isang  araw at  sinabing nawawala siya. Ipina-page nila  ang guardians ng bata.  Agad na tinulungan ni Mark  ang bata  at hinayaan na mag stay muna sa office  para hindi magkaroon ng trauma.

“Paging  the parents of a lost boy, 6-7 years old  wearing  a red ang  white striped  t-shirt, black shorts pants and black shoes,  please proceed  to the security office.”

Dahil halos  maghapon nang nasa  security office  ang bata,  napagpasyahan  ng admin na dalhin muna ito sa isang playbooth para maaliw ito habang  hinahanap ang ina niya.  Walang makuhang impormasyon ang mga nurse at security head sa paslit.  ‘Di tuloy nila malaman ang  bahay niya o ang description man lang ng kanyang ina.

Magsasarado na ang mall at wala pa rin ang magulang nito.  Napagdesisyunan nila na mag-stay siya muna  sa bahay ng security head.  Pero naisip na nila baka bigla siyang balikan sa mall ng magulang niya.  Naghintay na lamang sila.

Pinakain nila  ang bata pero ayaw niyang kumain,  nakatulog na lamang ito sa kama sa clinic,  kinabukasan, dahil halos isang araw na sa kanila ang bata, ipinatawag nila ang baranggay captain at ang social  worker ng munisipyo. Nang  puntahan  nila  ang bata  sa clinic,  wala na  ito.  Hinanap nila sa mall pero hindi ito makita.  Mga bandang  11 am, nakita nila itong muli sa hagdanan na tulad lang ng puwesto niya kahapon.  Kinunan siya ng litrato para ipakita sa TV  at baka may nakakaalam kung sino siya.

Sinama ni Mark ang bata para maaliw sa mall habang iniimbestigahan  ang kanyang identification. Iniwan muna siya ng social worker para i-process ang kanyang transfer. Ngunit  napansin niya na lang bigla na,  nang dumaan sila sa isang TV display setup na may live  camera,  wala siyang  kasamang bata.

Bumalik  ulit sila  sa tapat  ng camera at wala pa  rin ang pigura  nito,  pero hawak niya ang kamay nito. Agad na tumayo ang kanyang buhok  sa batok. Dinala niya ang bata sa security office, naalala niya na ‘yung batang iyon na laging nagpapakita sa office niya at nanggugulo ng kanyang mesa.

Tumawag din ang social worker ng munisipyo, nagkaroon daw ng  diperensya ang kanyang camera digicam dahil walang image ng bata ang  nakita sa litrato. Hindi na ipinagtaka ito ni Mark dahil sa nakita niya sa  tapat ng appliance store. Tumayo  lahat ang kanyang balahibo,  tinanong niya ang bata   kung siya ang nagbabasag ng elevator panel. Sinabi niya  na hindi daw  siya.   Ang kasama niyang lalaki na nasa itaas lagi ng elevator  daw ang gumagawa nu’n.

Dahil sa hindi sinasabi ni Mark ang mga insidente sa hindi paglitaw ng bata sa mga cameras, walang idea ang mga sekyu kung ano at  sino ang bata.

Dinala niya ang bata sa security office. Ipinalabas niya lahat ng security  tapes na kung saan nakita ang bata. Hinintay nila magsara ang mall, bago sila kumilos para malaman talaga  ang kuwento ng bata.

Pagdating nila sinabihan ni Mark na siya na  lamang ang makikipag-usap sa bata kaya pinaupo niya ito sa conference room at sa labas  ay  ang social  worker.   Napansin niya na biglang natuliro ang bata  at parang hindi mapakali sa pagkakaupo niya.

Sinabi na ni Mark ang tungkol sa nakikita niya sa kanya.  Tinanong niya ang bata kung ano’ng huling natatandaan niya tungkol sa  kanyang magulang. Mistulang nakapikit ang bata nang sinabi na hindi  niya masyadong tanda ang mga bagay-bagay. Pero alam niya na sandaling panahon lang niya nasulyapan ang kanyang ina.

Pinadescribe ni Mark ang itsura ng kanyang ina at ang natatandaan lang daw niya ay maputi at maganda siya.  May buhok  na lampas sa balikat,  ang kanyang ngiti ay maganda, lagi siyang naka-ngiti  kahit na matigas ang kanyang ulo.

Nagkakamot ng ulo ang bata nang nagkukuwento tungkol sa ina  niya, lalo  na sa pagbili sa kanya ng ice cream kahit na ayaw ng kanyang  ama.   Nagkaroon ng idea si Mark at pina-describe  sa  bata ang kanyang ama.

Tumayo ang bata  at nagpunta sa cubicle ni Mark,  itinuro ang isang litrato. Nang makita niya,  laking gulat ni Mark na siya ang ama  ng bata. Nilabas ni Mark ang litrato ng kanyang asawa, sinabi ng bata,  “mama ko.”

Nanlambot si mark dahil wala siyang alam na may anak siya na  ganun ang edad.  Agad na tinawagan niya ang ex-wife niya, tinanong  ang tungkol sa bata, idinescribe niya ang itsura nito sa kanya.  Hindi siya  nakapagsalita agad pero nalaman din sa huli na ang bata ay talagang  anak niya,  bago pa sila ikinasal, nabuntis na siya  pero dahil nasa abroad si Mark hindi na niya ipinaalam na  nalaglag ang bata dahil sa panahon  na iyon hindi siya sigurado  kung paninindigan siya ni Mark.  Umiyak ang kanyang ex-wife, hindi niya akalain na hanggang  ngayon ay nasa tabi niya ang bata at hindi siya nilulubayan.  Halos nasa  4 months na ng pagbubuntis niya nang malaglagan siya.

Biglang  naalala ni Mark ang bata,  simula nang ikinasal sila ng kanyang ex-wife, lagi na lang siyang may naririnig na boses ng bata at  may nakikipaglaro sa kanyang mga anak na si Erin at Eric,  pero wala  silang nakikitang mag-asawa  Ilang beses na rin nagpapakita sa kanya ang bata. At napansin niya na tuwing  nasa troubled time sila sa paghihiwalay ng kanyang asawa,  lagi na lang magulo ang kanyang mesa.  Hindi niya alam ang cause, until now.

Umalis siya ng mall at pumunta sa bahay ng kanyang ex-wife na sa puntong iyon ay nasa sala at lumuluha. Nagpakita ang bata at sinabi  na ang gusto lang naman niya ay magkabati sila. Pero nang ipapaliwanag ni Mark ang sitwasyon, tumalikod siya at umupo sa isang silya sa  sulok ng bahay.

Sinundan siya ng kanyang asawa at sinabi na mahal na mahal niya sila pero hindi na pwede dahil buntis siya sa bago  niya boyfriend. Wala nang pag-asang magkabalikan pa sila pero hindi naman ibig sabihin noon na hindi na nila mahal ang isa’t isa.

Nagpaliwanag ang dalawa hanggang dumating ang boyfriend  ng kanyang ex-wife,  sumali na rin sa usapan.   Inabot sila ng umaga  sa kaka-kwentuhan at wala namang problema sa nangyari.

kinabukasan hinanap nila ang libingan ng kanilang munting anghel at bininyagan ito.  Nilipat siya sa maayos na libingan kasama  ng iba pang kamag-anak.

Kasama pa rin ni Mark ang bata, minsan nga nakikipag-usap pa sa akin.  Hindi na rin pinapansin ang presence nito sa mall.

Pero hindi dito nagtatapos ang kuwento, may lalaki pang ikukuwento ang batang multo. . kasunod na kuwento iyon.

 

Leave a Reply