ALARM

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Shaira Tiotuyco

Nangyari to nung nag-overnight ako sa bahay ng pinsan ko. Saturday yun ng gabi bago kami matulog. Nag-alarm ako sa cellphone dahil kailangan kong gumising ng 2 a.m. Nag-alarm din ako ng 4 a.m. sakaling ayoko pang tumayo ng 2. Sinabihan ko yung pinsan ko na gisingin/pilitin akong tumayo pag nag-alarm na.

Tumunog phone ko ng 2 a.m. Inaantok pa ako kaya pinatay ko. Hindi man nagising ang pinsan ko. Napagdesisyunan ko na sa susunod na alarm nalang ako tatayo. Natulog ako uli.

Nagising ako nung may kumakalbit sa kanang kamay ko. Napalingon ako at napatingin sa pinsan ko (katabi ko sa kanan ng kama). Medyo natakot ako sa itsura nya noon kasi nakangiti sya – ung nananakot na ngiti, yung parang may gagawing masama, pang demonyo ganun.

Hindi na nya ako kinakalbit pero nakatingi parin sya. Mga sampung segundo ko syang tinignan. Wala syang sinabi at nakatingin lang din sakin. Inisip ko nalang na hindi ko siguro narinig yung alarm.

Umupo na ako nung walang nagsalita sa amin. Kaupo ko, may narinig ako. May humihilik. Lumingon ako at nakita ko yung pinsan kong malalim ang tulog. Sakanya galing yung tunog. Nagtaka ako dahil mga dalawang segundo plang yung lumipas nung nagtitigan kami.

Chineck ko yung phone ko. 3:07 a.m. wala pang 4. Kinilabutan ako at natulog uli kaagad dahil naalala ko yung tingin nya. Nung nag-alarm na yung phone ko 4 in the morning, hindi ako tumayo pero pinatay ko yung phone at nagtulug-tulugan kasi nahirapan akong makatulog sa takot hanggang sa tuluyan na rin akong makatulog ng totoo.

Kinabukasan tinanong ko yung pinsan ko tungkol sa nangyari. Wala naman daw syang narinig na alarm at hindi nagising at nanggising.

Pero baka naman hindi lang nya natatandaan yung nangyari, nananaginip sya or something. Sa pagkakaalam ko rin ay may dwende sa bahay nila. Hindi nga lang ako sigurado kung may kinalaman yun sa kahit anuman sa storyang to. Kayo na ang humusga.

Leave a Reply