AENKANTADA

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Sharron R. Navera

May nagpadala  sa akin ng picture  mula sa  Psicom Forum, but  unfortunately, I cannot  publish it  kasi masyadong  obvious ang picture  at isang tingin lang ay  alam na  agad ang location.  Nakuha ito sa   isang coffeeshop sa loob ng mall.

Sabi ng kumuha, ang kamay na nakita sa picture  ay wala noong kinukunan ito.  Pinag-aaralan ko pa  rin ang picture at may nakita pa akong  ibang figures: a teenager in white at bata na mga 3-5 years old. Ang  kamay ay medyo  blackened na parang “decomposing”  ang itsura.

Naalala ko ang mga  kuwento habang ginagawa  ang mall na ito   at noong  itinayo na.  Habang nasa 75% na ang completion inimbitahan  ako ng isang  malapit na politiko  sa loob para sa  isang survey kung saan maganda niyang ipwesto  ang kanyang restaurant. May mga nakikita  na akong  mga spirits na nasa peripherals ko,  pero hindi ko masyadong pinapansin  ang mga ito dahil  minsan dala lang nito ng absorption of light  lalo na  kung may  mixture  ng bright and darkness.

Napunta ako sa halos gitna ng mall, wala pang masyadong ilaw  kaya mahirap kumapa ng daanan. May naapakan akong mga series ng wiring  na medyo  nakaipit  ng paa ko,  ilan minuto ang nakaraan bago ko   pa naalis ang paa ko. ‘Pag angat ng ulo  ko nagulat ako na nasa harapan  ko pa halos  ang mga  kasunod ko,  kaya sinundan   ko ang paglakad nila. Nagtataka lang ako  kung bakit  hindi na sila  naguusap-usap  hindi tulad  ng pagpasok ko.

Sinundan ko parin sila hanggang sa umabot kami sa gitnang  bahagi,  tinawag ko si Jean,   ang nag-invite sa akin. Nang lumingon siya,  nakita kong wala na siyang mukha!  Nagulat ako sa nakita ko at lumusot ako sa gitna nila.  Agad na lumibot  ako sa  buong  mall para  mahanap ko ang mga kasama ko.  Habang lumalakad ako sa mga hallways,  parang sumisikip ang paligid ko.

Unti-unti akong hindi na makalakad  ng maayos hanggang  sa napaluhod na ako.  Pilit akong tumayo  pero parang sumisikip  ang mundo ko na parang hirap huminga at kumilos.

May naamoy akong parang kanal, sinundan ko ang amoy at nakakita ako ng isang babae na nasa sahig. Akala ko na isa rin siya nahihilo sa lugar.  Pinuntahan ko siya at hinawakan ko siya sa braso, napansin ko na para siyang basa at medyo  sticky. Pilit ko siyang niyaya sa labas para makahinga  siya ng maayos  pero pagharap niya,  nagbabalat  at nalalapnos  ang kanyang mukha at mga braso. Tila  natutunaw ang balat  niya.

Bigla akong nag-pass out.

Nagising ako sa clinic. Hinipo  ko ang kabilang kamay ko at  ‘andun pa rin ang sticky substance na galing sa  babae. Umalis din ako  kaagad  at nagsurvey na lang ulit ng lugar,  this time  hindi na ako umalis  sa grupo nila Jean.

Ilang buwan ang nakalipas,  ininvite ako ng  friend ko na mag-malling dito, medyo  nanibago  ako  dahil may mga shops na nakatayo  ay maliwanag na ang lugar.  Habang hinihintay ko siya,  nag-text siya na  puntahan ko siya sa activity area dahil  may ipapakita siya.  Nang pagtayo ko sa may gilid nito, bigla akong  nahilo. Kailangan ko nang umalis sa area.

Inakay niya ako papunta sa isang restaurant nang may tumabi  sa akin na babae na duguan ang mukha.

Natawa na lang ako  sa kaibigan ko dahil alam niya na nakakakita ako at gusto niyang malaman ang tungkol sa duguang babae na  lagi niyang nakikita sa loob ng mall. Si Archie, isang well known  na questor, madalas siyang lumabas sa TV at may mga napuntahan  na siyang  mga lugar na may mga multo, minsan sa ibang bansa pa.

Pinakita niya sa akin ang isang picture  na may babae  sa likuran  niya habang  nagkakape siya sa kalapit rin na cafe.  Pinuntahan namin  ang lugar. Kumuha kami ng mga pictures at tulad  ng ibang  mga litrato, may babae parin sa likuran.

Bumalik kami sa activity area  pero talagang mahirap mag-stay ang sinundan  niya ay isang babae na maitim  ang damit.

Nilapitan niya ito pero tumuloy sa dingding,  pilit  niyang  hinahanapan ng lugar kung saan niya pwedeng  sundan  pa ito.Umikot  siya  sa likod ng mall, nang makita niya ang isang familiar na figure, ang bata na tumalon.

Nang pumunta siya  doon sa lugar  na iyon nakita namin ang isang maliit na ditch na sinasabing tapunan ng biodegradables, alam niya na may kakaiba sa lugar,   kaya  pinuntahan pa niya ito sa gitna, nakita  niya ang maitim na babae.

Bigla itong tumayo  at isang malamig na hangin ang dumaan sa amin. Biglang nagkaroon ng nakakabinging huni.  Naalala niya tuloy  ang isang  imahe na nakita  niya sa  pagreresearch  ng mga  traditional  na spiritu,  isang enkantada.

Pero bakit kulay itim…

Ang palagay namin, ang epiritu  ng lupa ay naging itim dahil sa pagkasira ng kanyang lugar  para sa industrialization. At dahil sa galit ng engkantada, bigla itong nagkalat ng negative energy na naging cause  ng additional depression ng mga mahihina ang confidence or suicidal.

Ang dating bahay daw ng engkantada ay nakalagay sa tapat  ng cake shop. Sa request ng management ng mall,  isang team ng  spirit  questers at healers ang pumunta sa lugar para  gamutin ito.

Hindi pa namin talaga masabi kung mayroon pang mga mangyayaring ganito.  Sa ngayon, ang lugar ng cake shop ay ginawa  na lang na mini chapel para mawala ang negative energy ng lugar.

Gumawa rin ang mall ng nature sanctuary para i-enhance ang  pagpapahalaga  sa environmen at lalo na  ang pagpapahalaga sa mga  friends natin na nag-aalaga ng lupa simula  pa ng gawin ang mundo. Besides… nauna naman silang nanirahan dito bago tayo.

Leave a Reply