ABORTION

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By:Prince Dellera

Naging resident po ako ng UP Diliman village A after madimolish yung bahay na tinitirahan namin sa Old Balara. Doon to nangyari. I just want to share my story. Extended family kami so nakatira sa iisang bahay kasama ang mga pinsan, tito at tita.

Faith healer ang lola ko kaya maraming kwentong nakakakilabot sa dati naming bahay . Pero ako at ang dalawang kapatid ko may mga namanang gift. Yung ate ko alam nyang may gift sya sa witch crafting at nakakatotoo ang masamang sinasabi nya sa ibang tao pag sobrang galit sya.

Yung younger brother ko nakakakita ng hindi dapat nakikita. Hindi lang namin pina-practice at siniseryoso ang mga ganitong klaseng bagay dahil pinili namin mabuhay ng normal. Pero ako, ang gift ko, I am a dreamer.

Madalas to mangyari pero di nmn lahat ng napapanaginipan ko may significance o importante. Marami akong panaginip na nagkaka totoo. Maraming lugar na napanaginipan ko muna bago ko mapuntahan at bigla ko na lang mapapahinto at mare-realize na nakita ko na yun sa panaginip.

Ganun din sa tao. May mga mukha na nakikita ko muna sa panaginip bago ma-meet in person. Pero itong ishi-share ko ay isa sa mga panaginip ko, na naging dahilan para madiskubre ko ang sikreto ng parents ko.

(2012)

Thursday afternoon. 1:00pm to be exactly. Kakatapos lang ng lunch kaya mabigat na ang katawan. Mabigat na din ang mata kaya masarap magpahinga. Umakyat ako sa 2nd floor ng bahay dahil nandun yung room ko.

Pumasok ako, nahiga sa comforter ng nakadapa dahil sa ganung posisyon ako komportableng matulog. Nilagay ko yung headset sa tenga ko para makinig ng music. Yung cellphone pinatong ko sa school bag ko na malapit sa ulunan ko.

Maya-maya pa di ko namalayan na nakapikit na pala ko at masarap na ang tulog… …. *ilang sandali pa nagtaka ako bigla na lang nawala yung music. Bumangon ako para tingnan kung ano nangyari kung nalobat ba or what. Pero sh*t may nakita akong kamay, kinuha yung cellphone ko.

Bago pa ko makalingon malapit na sya sa pintuan. Likod na lang nya nakita ko at tumakbo sya pababa ng hagdan. Matangkad yung imahe at lalaki sya. Hinabol ko sya dahil ang nasa isip ko ay magnanakaw yun. Nakita ko palabas sya ng pinto kaya sinundan ko.

Paglabas ko biglang nag iba yung paligid. Nasa ibang lugar na ko. Nakapang jogging na ko at tumatakbo ako sa isang pathway na may red-orange bricks at maraming puno sa paligid.

Nasa sunken garden na ko. Nandun yung mga buildings pati yung soccer field kaya alam kong Sunken garden yun pero may mali sa lugar. Dire-deretso ako sa pagtakbo hanggang sa mapadaan ako sa isang arko na gawa sa red-orange bricks katulad sa path way.

Wala naman yun dun dati. Pag lampas ko dun may kasabay na kong bata. Yung bata mga 1 year old yung edad. Piki yung paa at saliwa maglakad, nakalampin lang at walang suot na pang itaas. Kasabay ko na sya mag jogging at naka smile sya sakin.

Pinabayaan ko lang sya sumabay sakin at matagal na matagal kami nag jogging, pero di kami nag uusap. Yung malapit na kami sa isa pang arko ( i know that was the exit) habang papalapit ako ng papalapit eh nag f-fade na lahat ng bagay dahil sa liwanag.

Kinakain na ng liwanag yung buong lugar*…. That was the end of my dream. Nagising ako pagkalabas ko dun sa last na arko. Pagtingin ko andun pa din yung cellphone. Wala nang tugtog dahil natapos na lahat ng nasa playlist ko. Pagtingin ko sa oras 6:00pm na. Ang haba pala ng naging tulog ko. Tumayo ako para i-turn on ang swich ng ilaw after that bumaba ako para uminom ng tubig.

Paakyat na ulit ako ng room at nasalubong ko si tita. Papunta sya sa lababo para maghugas ng plato. Tinanong nya ko “Gabi na bakit nakapatay pa yung ilaw sa kwarto mo”. Ako naman nagulat dahil katulad nga ng sinabi ko, binuksan ko yung ilaw bago ko bumaba.

Nagtalo pa kami ni tita. Sabi ko, ” bukas po yung ilaw. Binuksan ko bago ko bumaba”. Sabi ni tita, “sarado nga silipin mo”. Pagsilip ko nakapatay nga. Umakyat ako para buksan ulit yung ilaw. Naka switch off! Sinilip ko yung katabing kwarto at dalawang maliit na pinsan ko yung nandon so basically hindi nila abot yung switch kaya nagtaka talaga ko pano nangyari yon.

Bumaba ulit ako para puntahan at kausapin si tita. Naghuhugas na sya ng plato non. May sinabi sya sakin “Mga bandang 3pm may nakita akong bata na paakyat sa kwarto mo. Sinundan ko pagpasok ko wala naman tao(she meant wala naman yung bata ako lang ang nandon). Kinilabutan nga ako”. Isa lang nasa isip ko. Iisang bata ang nakita ni tita at yung nasa panaginip ko kaya tinanong ko sya, ” maliit na bata (nag guesture ako kung gano kalaking bata)? Nakalampin ng puti at walang pantaas?” .

Napamura na lang ang tita ko, “P***ng in* m*!”. Kitang kita ko yung takot sa mukha nya. Anim na hakbang yung kusina mula sa salas pero feeling ko parang nilipad nya yon sa sobrang bilis nya nakapunta don. Mangilid-ngilid yung luha nya sa mata yung pinuntahan ko sya. Doon nya kinuwento sa sakin ang lahat. Bagay na doon ko lang nalaman.

” NAGPA-ABORT YUNG MAMA MO YUNG BATA KA PA LANG AT DUN SILA NILIBING SA BAKURAN NATIN SA LIKOD BAHAY. (Paglabas ng backdoor namin sa kusina likod bahay na. Hindi na ko nagtaka kung bakit bigla nyang nilipad yung salas)”. Yun ang sabi sakin tita na parang nag echo sa tenga ko.

May kapatid pa pala ko at dalawa pa. Oo, dalawang mas nakababatang kapatid na hindi na nakita ang kuya nila. Kinausap ko si mama para i-kumpirma. Totoo nga. Nagpa-abort nga si mama at dalawang beses pa.

9:00pm. Lumabas ako ng bakuran. Pinag tirik ko sila ng kandila at pinag-dasal. Nasabi ko na lang sa sarili ko, ” siguro malungkot kayo kaya gusto nyo makalaro ang kuya?” Hindi ko naman sila nakasama pero may lungkot akong naramdaman. Lungkot ng isang nakatatandang kapatid. Napaiyak ako sa sobrang awa sa kanila.

Madalas talaga ko doon tumambay. Mahangin don at maraming halaman. Dun ako madalas kumanta at mag gitara. Minsan bigla na lang may ibang hangin.humahangin ng malamig sa paa ko. Ngayon alam ko na kung bakit. Pagkatapos ng insidenteng yun mas napadalas pa ang pagtambay ko sa bakuran.

Leave a Reply