9 BALLOONS

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By:  Jessica Labores

 

Madaming panahon na kapag nagpunta tayo sa mall, either may bibilin tayo o kaya magwi-window shopping lang. Pero dahil tagal  ko ng nagtatrabaho tuwing nagkakaroon ng event  sa maraming mall,  hindi ko halos mabilang ang mga weird na insidente na  nangyayari sa amin.

Kasama ako sa launching ng bagong mall sa northern side ng  Luzon.  Maaga kaming dumating sa probinsya at nag-meet muna kami  sa ibaba ng bagong mall,  binigyan kami ng instruction para sa pagbukas  ng pintuan nito sa unang pagkakataon.

Pagpasok namin, madami pa ang  abala na naghahanda para sa  event na mangyayari kinabukasan. May mga lobo at  iba’t ibang kulay  ng ribbons at giveaways para sa mga unang makakapasok. Sinundan namin ang event coordinator at sinabing sa may east wing kami naka assign.

Ang events coordinator na sinusundan namin ay isa si Odette. Para hindi magkaligawan, tinandaan pa nga namin ang suot at ayos ng  buhok niya. Tsaka wala pang customer sa loob kaya hindi mahirap sundan  ang isang tao.  Alam na alam namin na siya ang  nasa harap namin.

 Nagulat na lang kami nang biglang nawala ang sinusundan namin na tao.  Agad na  dineretso  namin ang pasilyo,  pero wala talaga si  Odette.  Nagstay kami sa isang lugar at pilit na tinetext siya,  lagi na lang  out of coverage area.

Inikot namin ang mall pero  sa bawat ikot namin lagi kaming  nag-lalanding sa same place. Pabiro na sinabi ng isang talent na baligtarin ang damit namin para makita ang hinahanap namin,  may gumawa  noon pero ganun pa rin ang kinahinatnan namin.

Halos  magtatanghalian na wala pa rin kaming nakikitang event place.  Napasyahan namin na lumabas ng mall. Bigla namang may tumawag sa amin na babae… si Odette, tinatanong niya kung saan kami  galing,  kinuwento namin ang nangyari,  nagtaka siya dahil akala  rin niya  na magkasunod kami.

Abala kaming nag-aayos ng  mga booth para sa event.., may mga  last minute changes kasi na ginawa si Odette.  Sobrang busy kami kaya  hindi namin namalayan na may lumapit pala na bata booth. Nagtataka kami na  ang damit ng bata ay plain na white T-shirt at maikling  shorts na  hindi masyadong  maayos  ang pagkagawa. Naka-tsinelas siya ng beach  walk na halos pudpud na ang itsura.

Binigyan ng lobo ang bata  ng isa naming kasamahan, tuwang-tuwa  ang bata at  tumakbo  at hindi na namin siya pinansin. Ilang minuto  ang nakalipas,  mayroon na namang bata na dumating,  halos ganu’n din ang suot. Sa isang oras naka-walo kaming lobo na ibinigay. Nagtaka kami,  baka naman kasamahan ng mga karpentero ang mga bata, o  kaya mga guwardya.

Niyaya kami ng mall admin na mag-merienda sa parang  food court.  Napagkuwentuhan namin ang mga bata na humihingi ng lobo.  Nagtaka sila dahil wala namang tao na nakakapasok unless may ID ka,  wala ring bata na ina-allow dahil nakaistorbo ito sa mga last-minute.

preparations ng  mga tindahan.

Ni-radyo niya ang nakitang mga bata, pinahalughog ang mall at sinabing walang mga  bata na nakikita doon,  nag-report lang sila na may mga lobo na natagpuan sa likod ng gusali sa may parking lot, nagtataka  nga  ang mga guwardiya  na hindi puwedeng lumibot  lang sa  iisang lugar  ang mga lobo.

Bumalik  kami  sa booth area at nagtaka kami sa nasaksihan. Dahil sa maaga kaming natapos,  nagpasya kaming magpahinga habang  hinihintay namin ang sundo papunta  sa motel at room na pagtutulugan namin.

Nakatulog  ako sa upuan,  nang biglang may kumalabit  sa paanan  ko, isang babae na teenage ang edad at naka-puting school uniform at  pulang palda. Mahaba ang buhok at hindi naman maitim, tinuro niya ang lobo at pilit na humihingi.

Dahil sa kalabit ng kalabit, binigyan namin ng lobo. Ilang segundo lang ang nakalipas,  tumungo si Odette sa area namin at inabot  ang loob na kakabigay lang namin. Nakita daw niya na lumilipad ito  (Pero hindi helium-based ang mga ito kaya  hindi lilipad),  nahatak niya  at binalik, lahat kami, nagtinginan.

Off time ay mga 7 p.m. sa panahon na iyon madilim na ang  buong lugar. Pinatay na rin ang kabuuang ilaw ng mall, iilan na lang  ang natira para sa pag-uwi rin ng ibang empleyado.

Pinagsaraduhan kami sa loob. Madami kaming lalabas at nagpanic ang iba dahil nakasarado na ang main door. Pumunta kami  sa ibang  pintuan lahat sarado,  tinawagan ni Odette ang security pero wala  itong sagot kahit sa radio.

Pati ang pintuan ng mga empleyado ay nakasara na rin, halos  maiyak-iyak na ang ibang saleslady. Nang may nagsabi na basagin na  lang isa  sa mga pintuan para makalabas kami.

Naalala ko ang sabi ng pinsan ko lahat ng mall doors ay shatterproof.  Pinigilan ko siya at sinabing walang silbi ang gagawin nila. Sinabi   ko na maghiwalay-hiwalay para makakita ng daan at sumigaw  para marinig namin.

Sa paglibot ko kasama ko si Madel, isa naming kasamahan,  nakita namin ang bata na binigyan namin ng unang lobo.  Tumakbo siya   at kapag nakakalayo siya hinihintay niya kami para makahabol. Nakita  namin na bukas ang pintuan…. ng main door!

Agad na sumigaw kami para marinig ng iba.  Nang makita nila.   nagtaka sila sa nangyari. Lumabas kami at naaninag namin ang mga bata  sa loob ng mall.

Kinabukasan, maaga kaming nakarating sa mall. Madami nang  tao sa harap para makakuha ng early bird na mga premyo. Nagpunta kami sa booth area  nang may nalaglag mula sa itaas…. isang lobo.

Hindi pa ito nag-shrink tanda na ang lobo ay bagong  inflate pa  lamang. Nagreklamo ang nag-iingat nito, sinabi  niya na  may gumalaw ng set up niya.

Napansin ko na  basa ang labi  ng lobo, tumingin kami sa itaas nakita namin ang mga bata at teenager  na nakasilip mula sa mga banister.  Umakyat ako at pilit na hinahanap sila.

Nang naabutan ko sila,   napansin ko na hindi nakasayad ang paa nila sa sahig.   Tinanong ko kung  saan sila  galing,  tinuro nila ang open parking.  May dating maliit na eskuwelahan  doon.

May sinasabing mga bata na-possess ng mga demonyo at pilit  na ni-restrain sa gitna ng mga seizure nila. Ang kuwento nila, madami  ang nagkaroon ng pagkahimatay at nanginginig sa sahig.  Nagsabi pa ang isang bata  na halos itali siya ng mga guro para hindi makasakit ng kapwa.

Isang beses, may bata  na sinasabing napossess ng demonyo.   Dahil sa takot ng mga guro, nilagay siya sa isang lugar at ipinatawag  ang pari at albularyo.  Madaming  nakasaksi sa mga nangyayari sa loob ng  kuwarto.   Hinihigpitan pa ng albularyo ang mga tali hanggang  di nakayanan ng bata,  namatay kaagad ito.

Huli na nang itakbo siya sa ospital.  Agad na ikinagalit ito ng magulang niya, kinabukasan nagdala ng baril ang ama niya at pinagbabaril lahat ng makita niya.  Siyam silang lahat, nabigyan sila ng maayos  na libingan pero hindi sila makaalis sa lugar.

Sinabi ko ito sa admin, sinabi rin nila na  noong ginagawa ang mall,   ‘yun din ang reklamo nila.  May mga bata na nakakapasok pero hindi naman matukoy kung saan sila galing.

Ipinagtanong namin sa  local na pulis pero wala silang record ng pangyayari, nang tinungo namin ang eskwelahan ngayon,  natagpuan namin ang principal at siya mismo ang nagkuwento ng pangyayari,  naibigay niya ang pangalan ng mga bata.  Tinanong ko kung kailan iton nangyari …  October 28,  1972. Hindi na nila  mahanap ang mga magulang nila o kahit ang address man lang.

Ipinahukay ang lugar kung saan nakita ang mga lobong umiikot noon,   tinaniman ng puno at maliit na  listahan ng kanilang pangalan. Nasa mall pa rin sila.  Minsan nakikita sila sa Camera pero hindi na pinapansin ng mga guwardya. Para sa kanila,  innocent ang mga ito at walang alam sa sakit ng kanilang sinapit.

Leave a Reply